25

1.4K 45 6
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND

Sally (roles: Andrus Saavedra's cousin, twin of Jermalyn (Tanya Saavedra), actress, screen role; Stephanie Saavedra)

➿✨✨✨✨✨✨✨➿

Matamang pinagmamasdan ni Alexis ang nakapikit na mukha ng husband niya. Pagkatapos ng mainit na tagpo sa kanilang katawan. Isang katanungan ang Paulit-ulit na bumabagabag sa isipan niya. Pabalik na sila, tapos na ang kasal at Isa na nga siyang parte ng Saavedra family. Ngunit ang katanungang ito ay Paulit-ulit paring bumabagabag sa utak niya.

Damang-dama niya ang katotohanan ng mga sinasabi ni Andrus. Nararamdaman niya ang bawat emosyong ipinagkaloob nito na siyang dahilan para mabalot ng pag-aalala ang puso niya.

Hindi niya nais na maglaho ang liwanag na ito. Hinding-hindi niya nanaisin ang mawala sa kaniya ang husband niya.

"Wife, maaari ko bang mahiram kung anomang nasa isip mo?"

Bahagyang namilog ang mga mata ni Alexis ng mapagtanto na gising pa pala ang husband niya. Habang tumatakbo ang iba't-ibang senaryo sa utak ni Alexis. Marahan namang iminulat ni Andrus ang mga mata bago marahang niyakap ang katawan ng male wife niya.

Nababatid ni Andrus may  ilang mga bagay ang bumabagabag kay Alexis. Hindi man nito aminin o nais sabihin. Nararamdaman niya ito at nakikita. Hindi niya maaabot ang rurok ng tagumpay kung hindi niya nauunawaan ang bawat kilos o iniisip ng isang tao. Kung noon may magsasabi sa kaniyang magkakaganito ang isang Andrus Saavedra ng dahil sa isang male conceiver. Paniguradong pagtatawanan niya ito. Ngunit ngayon habang pinagmamasdan ang iba't-ibang emosyon sa mukha ni Alexis. Pakiramdam ni Andrus ay magagawa niya ang lahat kahit ang kumitil ng buhay masiguro lamang na masaya ang Gher na nagpatibok ng puso niya.

"Alexis."

Para kay Alexis, magagawa ni Andrus ang lahat masigurado lamang ang kapakanan at kaligayahan nito.
Ang makita ang pag-aalala at pag-aalinlangan sa mga mata nito ay naghahatid ng pagkataranta sa puso niya.

May kinikimkim ba si Alexis?

Nagbago na ba ang isip nito?

Nagsisisi na ba ito sa pagpapakasal sa kaniya? Ilan lamang ito sa mga katanongang marahas na bumabalot sa naglalayag na utak niya. (Andrus)

Pero kung ang lahat ng ito man ang talagang iniisip ni Alexis. Hindi niya mapapayagan ito.
No, fcking no!

Hindi maaaring magbago ang isipan ng wife niya. Hinding-hindi niya magagawang payagan ang mawala ito sa buhay niya.
Ang lahat ng mga ito ay mabilis na bumabalot sa puso't isip ni Andrus.  Ngunit, habang nag-uumigting ang sari-saring emosyon at senaryo sa utak ni Andrus. Lingid sa kaalaman nito  takot at pag-aalala na bumabalot rin sa puso't-isipan ni Alexis. Ang takot na magbago ang isipan ng husband niya at tuluyang bumalik ito sa ex-fiance na si Tu Tontawan, tulad ng ginawang pang-iiwan ng ex-boyfriend niyang si Vincent Logan.

Balisa ang mga matang pinakatitigan ni Alexis ang mukha ni Andrus. Kitang-kita niya ang malamlam na mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Mga matang tila ba Siya lamang ang nakikita. Punong-puno ng emosyon ang mga mata nito. Ngunit, isang emosyon ang naghatid kay Alexis ng matamis at masayang pakiramdam.

May kislap sa mata ni Andrus Saavedra. Nakikitira rin ng mismong mata niya ang sariling emahe sa mata ng husband niya.

"H-husband?"

"Go on, wife."

Nanginginig ang palad na marahan niyang inabot ang kamay ni Andrus. At nang maramdaman niya ang mainit na palad nito, hindi niya namalayang nagawa niyang mapasinghap ng malalim na tila ba'y may malaking bagay ang nakadagan sa kaniyang dibdib ang natanggal ng dahil sa init na nagmumula sa palad ng sariling asawa.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now