ITHE POSSESSIVE HUSBAND 17

A/N: Hello guys, here's chapter 17 enjoy reading.

WARNING: R/18

             ➿➿➿➿➿➿➿

Nababalot ng katahimikan ang paligid. Tanging tunog ng kanilang mga hininga ang siyang maririnig.

Hanggang sa...

Isang mahinang pagtawa ang pumutol sa katahimikan. Isang pagtawa na nagmula kay Grandpa Saavedra.

Mataman na pinagmasdan ni Alexis ang matandang Saavedra nang may pagtataka sa kanyang mga mata. Ano'ng nangyayari sa Grandpa ni Andrus? Sa pagtatakang ito ay 'di mapigilan ni Alexis ang lingonin ang sariling fiance upang malaman ang Iniisip nito.

Subalit ang kaninang nababalot ng galit na mga mata ngayon ay napalitan ng isang kalmadong emosyon. Tila ba ay hindi na nagulat ang lalaki sa kinikilos ng Grandpa nito. 

Akmang ibubuka ni Andrus ang kanyang labi ng muling magsalita si Grandpa Saavedra.

"I wanted you both to have this."
Malamlam na ang mga mata ng matandang Saavedra habang nakatitig sa kanilang dalawa na siya namang ipinagtakang lalo ni Alexis.

Sa mga palad nito ay makikita ang dalawang Singsing na kulay ginto at may hugis na puso. Sa ilalim nito ay nasusulat ang salitang  'Eternity'

Andrus, this is very special to me at sa Gher grandmother mo, which is why I did not give it to your father. However, I will give this to you now. I want you both to keep this.

"Thank you, Grandpa," Andrus answered while accepting the couple's diamond ring in his hand.

Naguguluhan man ay hindi nagawang pigilan ni Alexis ang mainit na damdamin na nagsimulang umahon sa kanyang puso. Hindi niya mapigilan ang mainit na pakiramdam na tila nagnanais na kumawala sa kanyang katawan dahilan para madama niya ang unti-unting pag-iinit sa gilid ng kanyang mga mata.

Naluluha siya.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ni Alexis ang magaang pakiramdam na nagmumula sa ibang tao.

Ang pagtanggap sa kung sino at ano'ng pagkatao meron siya.

"Andrus, Apo, alagaan mo nang mabuti ang male wife na pakakasalan mo. Huwag na huwag kang gagawa ng pagkakamaling ikasisira ng pagsasama ninyo. Dahil kung hindi, ako na mismo ang maglalayo kay Alexis sa piling mo."

" Hinding-hindi mangyayari iyon Grandpa. Hinding-hindi ko mapapayagang mangyari ang saktan si Alexis."
Habang binibigkas ang mga katagang ito. Malamlam ang mga matang nakatitig Kay Alexis ang lalake at napupuno ng 'di mabilang na mga emosyon ang titig nito.

At sa mga oras na ito ay tunay ngang naramdaman ni Alexis ang pakiramdam na may halaga siya sa mundong kinabibilangan niya.

        ➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿

Tulala pa rin at hindi pagkapaniwala ang makikita sa mukha ni Alexis. Gawd! Hindi talaga siya makapaniwala na matatanggap siya ng gan'un kadali ng pamilya ni Andrus Saavedra? Ang isang Gher at illegitimate child na tulad niya ay matatanggap ng isang malaki at kilalang pamilya?!

Sino ba naman ang hindi, diba? Ang makaharap mo ang isa sa mga bigating  pamilya sa mundong kinabibilangan niya ay isa lamang malaking panaginip para kay Alexis.
Bale, may Big four na matatawag sa Business world. Nangunguna sa apat na pamilyang ito ang ; Saavedra family. Pangalawa ang Montenegro family 'George at Enzo Montenegro' Pangatlo ang Amore Family 'Eduard Amore' at ang Pang-apat ay ang Tontawan Family.  At ang apat na pamilyang ito ang siyang kinatatakutan sa Business World.


The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now