33

913 43 7
                                    

THE POSSESSIVE 33

Title: Who is He?
(New Character)

"Wife"

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Andrus, habang malalaman ang mga matang nakatitig kay Alexis. Sa totoo lang maging siya ay hindi makapaniwala na matututong tumibok ang puso niya para sa isang munting nilalang.

Kilala ang isang Andrus Saavedra sa pagiging Cold Blooded, manipulator, monster, na siyang kinatatakutan ng karamihan. Ngunit sa kabila ng nakatatakot na emahe sa Kaniyang pangalan, marami paring nagnanais ang lapitan siya at pasokin ang buhay na kinasusuongan niya. Ilan na rito ang nagnanais na mahanap ang kaniyang kahinaan. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit maingat ang bawat hakbang na ginagawa niya.

Ngunit...

Nang dumating ang isang special Gher na nasa harapan niya. Unti-unting gumuho ang pader na naitayo niya. Nakalimotan ng isang Andrus Saavedra ang pagiging maingat at pag-aalinlangan. Pakiramdam niya ay may kung anong mainit na puwersa ang pilit na humihila sa kaniya palapit sa Gher. Pero, hindi niya ito pinagsisihan. Ang isang Alexis ay bahagi ng pagsubok sa buong buhay niya. Isang pagkakamali lang ay...

Buhay niya ang nakataya.

"I don't know how to love someone before. No one has ever taught me this, so most of the time, I don't know how to express my feelings. I don't know how to care about others. I'm very cold and ruthless. I don't know how to adapt in a relationship. Sometimes I am intolerant. My thoughts and actions might be too intense or even hurt you, kaya nag-aalala ako."

Sa bawat salitang lumalabas sa labi ni Andrus, lalo namang nagsimulang mag-umapaw ang magkahalong emosyon sa puso ni Alexis. Pakiramdam niya ay natutunaw siya sa uri ng pagkakatitig nito. Ngayon ay nakikita ng kaniyang mata ang tunay na Andrus Saavedra. Damang-dama ni Alexis ang bawat emosyong nagsisimulang dumaloy patungo sa kaibutuuran ng puso niya.

Sino ba naman ang hindi? Kung sinoman ang nakakakita ngayon sa malamlam at makaririnig sa mga salitang binibitawan ni Andrus Saavedra. Masasabing natagpuan ng mga ito ang kahinaan ng isang Cold Blooded President.

Sa ngayon ay hindi niya nakikita ang isang katakot-takot na Andrus Saavedra. Ang tanging nakikita ni Alexis ay ang isang munting nilalang na naghahanap ng pagkalinga, naghahangad ng pang-unawa, at pagmamahal. Sa isiping ito, hindi maunawaan ni Alexis ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay nasaksihan niyA ngayon ang tunay na pagkatao ng lalakeng minamahal at pinakasalan. Gustong-gusto niyang lumayo at tumakbo, iwan ang nakatatakot na katotohanang ito. Ngunit, ngayong nasasaksihan ng kaniyang mg mata ang katotohanan sa likod ng nakatatakot na Andrus Saavedra. Lalong nag-uumigting sa puso ni Alexis ang mainit na sensasyong dumadaloy sa buong katawan niya.

Pinagkakatiwalaan na ba talaga siya ni Andrus? Paano nalang kung hindi siya ang napiling pakasalan ng husband niya? Paano kung sa maling tao ito umibig? Isipin palang ay nagsisimula ng bumigat ang puso niya.

"Andrus... Asawa mo ako. Sa mata ng lahat at sa mata ng lumikha, tayong dalawa ay pinag-isa. Hindi ko sinasabi na tanggalin mo ang maskara sa iyong mukha, pero hayaan mo akong pasokin ang puso mo. Nais kong... Nais kong makilala ka ng buo. Nais kong makilala ang lalakeng pinakasalan ko, maaari ba?"

Kinakabahan man, walang alinlangan na hinarap ni Alexis ang mapanuring mga mata ni Andrus. Alam niya, nasisiguro niya ang pag-aalinlangan at takot sa mukha nito. Takot sa maaring kahihinatnan ng pagtitiwala nito. Hindi matuturing na isang katakot-takot na tao ang lalakeng nasa harapan niya kung magiging mabilis ang pagtitiwala nito sa kaniya. Maging ang isang Alexis ay may kinatatakotan rin. Takot siyang muling masaktan at madurog ng pinung-pino pero, sa pagkakataong ito, gusto niyang sumugal para sa isang taong nakahanda ring sumugal para sa kaniya.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now