THE ENCOUNTER: CLEO MONTEFALCO

699 46 8
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 37

Sorry for the late update.
Hello everyone!
So, bale late akong nakapag-update dahil narin sa work ko, kaya pagpasensyahan niyo na ang maliit na author niyo. Pero no worries, Wala akong balak na iwanan ang mga akda ko.

Salamat 😉❤️

Chapter Title:
The Encounter: Cleo Montefalco

      ➿✨✨✨✨✨✨✨✨➿

Magkahalong emosyon ang nag-uumapaw ngayon sa mga mata ni Alexis nang umalis siya sa bahay ng Mendes Family. Pagkatapos ng matinding pag-uusap nila ng Mag-amang Krystal at Mr. Mendes, mabilis niyang iniwan ang mga ito at malambing na nagpaalam sa Grandpa Alfonso. Ngunit sinong mag-aakala na maging ang husband ng half-sister niya na walang iba kundi rin ang taong sumira at siyang taong nagwasak ng puso niya, kakausapin siya. Nakapang-iinit talaga ng kamao niya. Gustong-gusto niyang manapak ng mga taong inaasal ang pagiging hayop!

Sa totoo lang ay balak niyang manatili ng Tatlong araw sa Mansion ng Mendes Family, lalo pa't wala ang husband niyang si Andrus. Ngunit sinong mag-aakala na mangyayari ang lahat ng ito? Ngayon tuloy ay hindi niya alam kung paano kakausapin at haharapin ang husband niya? Yes! Hindi niya alam sa kung paano haharapin ang magaling niyang asawa. At sa scandal nito sa Gher Wang na'yon? Well, the truth is, hindi siya naniniwala na may gan'un ngang nangyari. Hangga't wala pa ang side ng husband niyang si Andrus ay hindi niya mabilis na agarang paniniwalaan ang mga bagay na gawa-gawa ng mga Marites sa social media. Aba! Ang dami kayang napahamak sa maling akala 'diba? At Isa sa mga reasons na ito ay ang katotohanan na ipinangako niya sa kaniyang sarili ang maging matatag lalo pa't hindi ordinaryong tao ang lalakeng pinakasalan niya.

Magmula nung araw na nagtagpo ang landas nila ni Andrus at sa kung paano niya inalok ng kasal ang 'di nakikilalang lalake. Noon palang ay pumasok na isipan ni Alexis ang mga bagay-bagay na maaaring maganap, tulad nito. Hindi pa ba sapat ang William Jillian at Airen Yap para paniwalaan niya si Andrus? Ang kasal ay hindi mo matutulad sa pagkain na kapag napaso ka ay maaari mong iluwa sa kung kailanman mo gusto. Hindi gan'un ang buhay may asawa. Nakatali na sila ni Andrus sa isa't-isa. Sa mata ng lumikha at sa mata ng buong pamilya nila kasama ng mga taong nakakilala sa kanila, magkaugnay na ang buhay at kaluluwa nila ni Andrus Saavedra. So, kahit sino pa mang poncho-pilato ang magnais na umagaw sa Gintong Bitlog ng husband niya, walang makaaagaw nito sa mga kamay ng isang Gher na tulad niya!

Pero sa taglay na kinang ng husband niya? Hindi maiiwasan ang lapitan ito ng mga langaw tama? Puwedi kayang gumamit ng tali at talian ang Bitlog ng Husband niya?

Sa isiping ito ay hindi malaman ni Alexis, kung matatawa ba maiiyak sa mga bagay na pumapasok sa utak niya. Bilang gher wife ng isang Andrus Saavedra, ngayon palang ay parang maraming mga mata ang nagnanais na makita ang maglaho siya.

Habang abala ang utak ni Alexis sa mga senaryong nag-uumigting sa isipan niya. Isang malakas at galit na tinig ang pumukaw sa kaniyang atensyon. Mula sa kaniyang kinatatayoan ay kitang-kita niya ang dalawang dalagang babae habang kausap ang isang may katabaang lalake. Sa paligid nito ay may ilang kababaehan ang mabilis na kinuha ang mga phone nila at kumuha ng video at tila tuwang-tuwa pa sa nangyayari.

"What are you doing? Bulag ka ba?!" The man shouted angrily. Habang paulit-ulit na pinapasadahan ng nakapandidiring tingin ang katawan ng isang babae.

Galit na galit? Parang gustong manakit?

"I'm sorry. I'm sorry, sir."

Matamang pinakatitigan ni Alexis ang tatlo at masusing pinag-aaralan ang sitwasyon. Nang nahagip niya ang naiibang kislap at may kasamang pandidiri sa mga mata ng may katabaang lalake habang nakatitig sa suot ng magandang babae. Sa puntong iyon ay mabilis na napaangat ang kilay niya lalo pang nadagdagan ang mabigat na emosyon sa kaniyang dibdib ng mapagtanto na wala ni isa sa mga taong saksi sa pangyayari ang nagnanais na tumulong o putolin ang gulo. Sa sandaling ito ay hindi mapigilan ni Alexis ang mandiri sa kinikilos ng may katabaang lalakeng ito.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now