CLEO MONTEFALCO 34

674 39 6
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 34

           ➿➿➿➿➿➿➿➿

I am back.

Nakangiting pinagmasdan ko ang buong paligid bago matamang pinakatitigan ang mga taohan kong kasalukuyan ngayong nakayuko sa harapan ko. Isang matandang Butler ang nagmamadaling lumapit sa kinatatayuan ko, kasabay nito ang walang emosyon na mukha ni Alfonso, Isa sa mga taohan na pinagkakatiwalaan ko.

"Welcome Home, Young Master Cleo."

"Welcome Home, Young Master Cleo."

Magkasabay nilang turan na siyang dahilan naman para mabalot ng interesanting ngiti ang mukha ko.

"Namiss ko kayo Butler Tang, Alfonso."

Sa sinabi kong ito ay mabilis na nabalot ng tuwa ang mga mata ni Butler Tang.

"Masayang-masaya ang matandang Butler Tang na ito, Young Master Cleo, natutuwa talaga ang ako dahil sa pagbabalik mo."

Ang matandang butler na ito ang siya naring itinuturing kong pamilya sa buhay ko. Magmula nang mamatay ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente, tanging si Butler Tang lamang ang siyang matibay na nanatiling sa poder ko. Hindi ako nito iniwan sa kabila ng mabigat na pagbagsak ng Montefalco Family.

At kasalanan ito ng Saavedra family. Ito ang bagay na hinding-hindi ko malilimotan.

Marahan akong bumaling sa isang taohan ko. Siya si Levi Ruiz. Kung may Sebastian ang isang Andrus Saavedra, meron din namang Levi ang isang Cleo Montefalco. Matalik na magkaibigan ang Saavedra at Montefalco Family. Bagkus ay pangalawa ang aming angkan sa Kinikilalang pinakatanyag sa Big Four.

A/N: Big Four, ito ang apat matatayog na angkan sa bansa. Nangunguna rito ang Saavedra.

Ngunit, sa isang hindi inaasahang kaganapan, naglaho na parang bula ang Pamilya ko. Isa-isang naglaho ang lahat-lahat na meron ako, pamilya, karangalan, karangyaan, at pag-ibig. Ang lahat-lahat ng ito ay ninakaw sa akin ng isang Andrus Saavedra. Ang best friend ko.

"Levi. Nakahanda na ba ang lahat?"

"Nakahanda na  po ang lahat boss."


Isang malapad at tunay na ngiti ang namayani sa aking labi bago mabilis na humakbang papasok ng mansion.


"Kung ganoon ay nais ko ng makilala ang taong nagmamay-ari ng puso ngayon ng taong umagaw sa lahat-lahat ng meron ako."niyang ani sa taohan.


Minsan narin ni Andrus inaagaw sa akin ang lahat. Ngayon ay kukunin ko sa kanyang mga kamay ang nilalang na pinakaiingatan niya.


Oras na para makilala ang Gher Wife ng isang Andrus Saavedra.


Alexis Mendes.


Napakagandang pangalan para sa isang Gher na magiging pag-aari ko.

Sa kabilang dako.

Sa Mansion ng Mendes Family. Nakangiting niyakap ng matandang Mendes ang apo nitong si Alexis bagay na naghatid ng galit at Inggit sa puso ng kapatid nitong si Krystal Mendes. Hindi na maiguhit ang mukha ng babae. Kung hindi nga lang dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Mr. Mendes sa braso nito, marahil ay tumalon na ang babae palapit sa kinatatayuan ng Gher wife ni Andrus Saavedra.

Hindi ordinaryong tao ang napakasalan ng bastardong anak niya, kung kaya kahit na kinakailangan na gumapang siya upang maiwasan ang galit ng isang Andrus Saavedra, magagawa niya.

"Mabuti naman ay naalala mong kamustahin ang matandang ito. Bakit nga pala hindi mo kasama ang asawa mo?" May ngiti sa labing turan ni Grandpa Mendes bago maingat na iginiya papasok ng tahanan nila ang matagal ng hinihintay na Apo.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now