Grammatical errors ahead.➰➰➰➰➰➰
KABANATA 50
"Matitikman niyo na ang paghihigante ko!"
Malakas na sigaw ng may katabaang lalake ngunit mabilis na naputol ang kaligayahan nito nang biglang ang kaninang natatarantang mukha ni Andrus ay napalitan ng isang nakatatakot na ngiti sa labi. Kasing-bilis ng pagbabago ng expression at aura ng mukha nito ay siya rin naman ang bilis ng pagtutok ng baril ni Andrus sa kinatatayuan niya bagay na labis-labis na ikinagulat ni Antonio Parrasol.
Hindi ba natatakot ang Saavedra na ito sa maaaring gawin ng taohan niya sa Gher wife nito?
"Ano'ng ginagawa mo?!"
Akmang kikilos ang kaniyang mga kamay upang harapin ang baril na itinutok sa kaniya ni Andrus, nang pabiglang gulatin siya ng napakabilis na kaganapan.
"Huwag kang gagalaw kung ayaw mong sumabog itong utak mo."may taong nagsalita sa likod niya. Mali. May nararamdaman siyang bagay na nakatutok sa ulo niya!
"Paanong..." Paano nangyari 'yon? Kanina lang ay tuwang-tuwa siya sa pagpabago-bago ng reaction ni Andrus ngayon naman ay may nakatutok ng baril sa ulo niya? No! Imposible naman na matalo ang napakaraming taohang kasama niya. Sandali, nasaan na nga ba ang mga taong ibinigay sa kaniya ni Cleo Montefalco? Ito ang malaking katanongan na ngayon ay nag-umapaw sa isipan ni Antonio Parrasol. Hindi parin humuhupa ang mabilis na pagtataka sa utak niya sa kung bakit ganoon nalang kabilis nagbago ang pangyayari. Nang nahagip ng kaniyang mga mata sa kung paano isa-isang itinaas ng mga 'kasamahan niya' ang kaniya-kaniyang hawak nitong armas at walang anu-ano ay itinutok sa kaniyang direksyon.
Sa isipan ni Antonio Parrasol ay... nadali siya? Naisahan siya ng isang Saavedra? Mukhang nakalimotan niya kung gaano katuso ang lalaking kinamumuhian niya.
"Dem*ny* ka talaga Saavedra! Ang hirap-hirap mong mamatay!"
Sa may hindi kalayoan ay kitang-kita ng kaniyang mga mata sa kung paano hatakin ng ilang kalalakihang nakaitim pababa ng sasakyan ang lalaking inaasahan niyang papatay sa Gher na si Alexis. At siyang rason upang higit na madagdagan ang takot na unti-unting bumabalot sa kaibutuuran ng kaniyang dibdib.
Talo na siya. Sa huli ay talonan siya sa harapan ng isang Saavedra. Sa isiping ito ay naninikip ang puso niya. Pakiramdam ni Antonio Parrasol ay pinagsukluban siya ng langit at lupa. Marahan niyang ipinikit ang mga mata kapagkuwan ay tumawa ng pagak. Binabalak palang niyang ipaputok ang armas na hawak sa ulo niya ay naunahan na siya ng lalaking nasa likoran niya, inagaw na nito ang baril bago pinaputok sa kaniyang paa.
"Punyemas!"
Ibigsabihin na ang mga taong inaasahan niyang magiging kakampi ay trinaydor siya? O, sadyang niloko siya ng Cleo Montefalco na iyon? Bagamat nag-uumapaw ang takot sa dibdib ni Antonio Parrasol, hindi parin nawaksi sa kaniyang puso ang galit at paghihigante.
"Sino ang nagsabi sa iyo ng kinaroronan ko?"mariin at walang emosyon na pagtatanong ni Andrus kay Antonio Parrasol bagay na tinawanan lamang nito. Gaya nga ng nasabi niya kanina ay hindi na siya takot mamatay, total wala narin naman siyang babalikan pa. Nakapanghihinayang nga lang at hindi niya nasagawa ang plano sa tama. Nabigo siya.
Isang nakalulukong ngiti muna ang pinakawalan ni Antonio bago magsalita,
"Heh, tinatanong pa ba 'yan? Sa dinami-rami ng mga taong namumuhi sa tulad mo, nakapagtataka parin ba ang maraming nagnanais ng kamatayan mo?""Ganun ba? Kung sinoman ang nilalang na nag-utos sa'yo, hahanapin ko siya. Alexis, he is not someone you can touch."
"Anong--?"
YOU ARE READING
The Possessive Husband (BL)
Fiksi PenggemarTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...