32

849 48 16
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 32

Here's the next chapter.
Sorry for the late update.

*****------*****

Natatawang pinakatitigan ni Andrus Saavedra ang naghihimutok sa galit na mukha ng Gher wife niya. Makikita ang disgusto sa mukha, habang tahimik na nakatitig sa kawalan.

"Wife..."

"Wife? Sa pagkakatanda ko sa sinabi ng Sekretarya mong may malanding baga and I quote, 'Kung si Ms. Tontawan ang magsabi nito, maniniwala ako. Listen this, Miss, Sir, or... Whatever. At least that woman came before to see Mr. Andrus Saavedra were beautiful and gorgeous. So, I suggest that, please look at the mirror first bago ka mangarap ng gising. ' narinig mo? kasi ako rinig na rinig ko! Hoy, Andrus Saavedra na gustong-gusto sakyan ng mga mukhang kabayong umaaligid sa'yo. Wala akong pakialam kung gaano kaganda ang mga babaeng nagtutungo sa iyo rito, naririnig mo ba ako?! Aba't-- minaliit pa ang pagiging Gher ko? Kesyo Gher ako? Kesyo maganda sila? So... What? E, di sila na ang maganda! Magandang-maganda na sila kasama ang buong angkan nila! Aba't inalog-alog pa ang dibdib sa harapan ko?! Malaki rin  naman ang dibdib ko, ah!"

Galit na galit ang mukha ni Alexis na siyang dahilan para lalong mapatawa si Andrus Saavedra.

"Aba't, tatawa-tawa pa diyan? Wait... huwag mong sabihin na sang-ayon ka sa kanilang pangit ang Gher na pinakasalan mo? Hoy, Mr. Saavedra, gaanoman ang pagsisisi na gawin mo. Kasal na ako sa'yo kaya kahit sinong magandang babae ang magnais na makuha ka sa akin. Well Damn! Managinip kayo ng gising dahil hinding-hindi kita papakawalan! Naririnig mo ba ako?"

Paulit-ulit na saad ni Alexis habang mabilis namang paulit-ulit na tumango-tango si Andrus sa bawat salitang binibitawan nito.

"Akin ka Saavedra!"

"Yes, wife..."

"Huwag kang magsalita! Bakit ka nagsalita, kinakausap ba kita?!"

"E, tinatanong mo ako..."

"Sinabi ko bang magsalita ka?! Saan ako nagtanong sa'yo? Hindi pagtatanong 'yon! Katotohanan, katotohanan ang sinabi ko na 'Akin ka!"

Sa pagkakataong iyon ay hindi malaman ni Andrus sa kung anong gagawin. Galit na galit talaga ang wife niya. Sino ba naman ang hindi 'diba? Pero may kasalanan nga ba talaga ang isang Andrus Saavedra?
Ngunit gaanoman ang galit o inis na nag-uumapaw sa mga mata ni Alexis. Isang mainit na emosyon ang mabilis na nag-umigting sa puso ni Andrus Saavedra.

Nagseselos ang wife niya.

"What are you doing?"

"Thinking...?"

"Thinking of what? Sinong iniisip mo? Ang babaeng sekretarya mo? Wala akong pakialam sa kung gaano siya kaganda at ka-balingkinitan ang katawan, na may dalawang bundok na Yumugyog sa Kaniyang harapan! Huwag na huwag niya lang mababastos ako sa mismong Kumpanya mo! Hindi ko na tuloy alam ang nararamdaman ko kanina. Nakalimotan ko pa ang phone ko at..."

"Wife, kasama mo ang Butler Wu tama? Bakit hindi mo..." Hindi pa natatapos ang sasabihin ni Andrus nang marahas na bumaling sa kaniya si Alexis ng may nakapaninindig balahibong mga mata.

Tagos sa puso niya ang pagkakatitig nito.

Damn, my wife is so freaking...

HOT!

"Huh!  Surprise nga 'diba? Paano magiging surpresa kung tatawagan kita?"

"Kung nagpahatid ka nalang sana sa mismong office..."

"So, kasalanan ko pa ngayon? Pinagtutulongan niyo ako? Inaway na ako ng Sekretarya ngayon naman ay sinisisisi mo ako?"

Andrus: ???

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now