CHAPTER 7

1.4K 85 13
                                    

          
            ➿➿➿➿➿➿➿➿

~THIRD PERSON'S POV~

Pagkatapos ng mga sinabi ni Krystal ay nabalot nng magkahalong emosyon ang pamilya Logan sa kaniya.  Mabilis na iniwan ni Alexis ang mga ito. At nakangiting nagtungo siya sa loob ng kanyang silid bago marahang sumampa sa kama. Sa isip-isipan ni Alexis. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag nakita niyang natataranta si Krystal. Nababalot ng excitement at saya ang puso niya.

Speaking of pagsampa sa kama. Isang pangyayari ang muling nanumbalik sa utak niya.

"Gawd! Oo nga pala ang babaeng iyon! Ano nga ulit Pangalan nun?William Jillian? " Mabilis niyang tinungo ang kanyang Phone at nagmamadaling nag type rito.

"William Jillian. Kaisa-isang anak ng William Family. Nakilala sa teleserye ng Daddy Let's Go at ang movie na may pamagat na All of us are dead. At wow, isa rin pala itong sikat na modelo sa France? Goodness. Napahamak pa yata ako sa pagnanais kong maikasal sa iba? William Jillian. Hindi ko aakalain na isa palang batikong actress ang nakaharap ko? Paano nalang kong magsumbong 'yon sa mga fan's niya at pasabogin ng mga ito ang magandang Gher face ko? "


Naiiling na napatuon  ang atensyon ni Alexis sa magandang mukha ng babaeng makikita sa phone niya. Napakaganda nga naman talaga ito at tunay ngang kahali-halina.  Iiling-iling na pinakatitigan niya ito  hanggang sa isang balita ang gumulantang sa kanyang mga mata.

.

.

.

.


"Wait-- the heck, William Jillian? Bagsak na ang career niya? "



Sa kabilang dako. Sa kinaroronan ng dalagang si Wiliam Jillian ay nababalot ng tila napakalamig na aura at matinding katahimikan ang buong paligid.


Sa pagpasok na pagpasok palang ni Miss Jillian sa loob ng kanilang Mansion ay nababalot na ng matinding galit at napakabigat na aura ang buong mukha nito sanhi upang ikabahala ng mga taong naroroon. Kitang-kita ng  mga kasambahay at ng matandang Butler  sa kung paano isa-isahin na itapon ng dalaga ang kahit anomang bagay na mahawakan nito senyales na galit na galit nga ang Young Miss nila.

"Ang kapal ng mga mukha nila! Isang hamak na mga taohan ni Andrus pero nagawa akong hindi i-respeto? Bullshit! Hindi ba nila kilala kung sino ako? " She cursed loudly habang itinapon at binabasag ang anomang bagay na mahawakan ng kamay nito.

CRASH...

CRASH...

Isa na namang mabigat na antique na vase ang tumama sa sahig.

"Iyong matandang Butler na 'yon, lalong-lalo na ang walang kuwentang gher... sisiguraduhin kong dudurugin ko sila kapag naging Madam na ako ng Saavedra Family!" Malakas na turan ng dalaga na siyang naghatid ng nakakapangilabot na pakiramdam sa mga taong naroroon.

All the servants including the Butler trembled in fear habang umiilag sa nag-aapoy na mga mata ng Young Lady nila. Sa Mansion ng William Family. Ang lahat ay nakaaalam sa tunay na kataohan at pag-uugali ng dalaga.  Isang dalagang arogante at ninanais na tingalain ng lahat. Ayaw na ayaw nito ang makadama ng pangmamaliit o makatanggap ng pagkatalo man lang. Ito ang tunay na  pagkatao at pag-uugali ng William Jillian na hinahangaan at sinusuportahan ng mga inosenteng mga taga-hanga nito.

Nang marinig ang ingay sa paligid, mabilis na lumabas si Mrs. William  sa silid nito at nang marating niya ang kinaroronan ng ingay ay bumungad  sa kaniyang mga mata  ang nagkakalat na bagay sa sahig.  Sino na naman ba ang nang-api sa anak niya?

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now