ANDRUS'S PAST 40

762 43 8
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 40

Hello everyone!! 👋👋 👋
Here's the next chapter.

       ➿➿➿➿➿➿➿➿➿

Sa loob ng malawak na silid, habang yakap-yakap ni Alexis ang matipunong katawan ng husband niyang si Andrus. Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti sa tuwing naalala sa kung paano magselos ito. Isiping parang nagmistulang bata ang isang Andrus Saavedra dahil lamang sa pagseselos nito sa ex-fiance niyang si Vincent Logan? Pakiramdam ni Alexis ay nagkukumawala sa tuwa ang puso niya. Kung sa simpleng bagay ay nagseselos ang husband niya, paano pa kaya kung makita nitong may manliligaw sa kaniya? Sa katanungan na'to ay muling nanumbalik sa ala-ala ni Alexis ang lalakeng nakausap niya sa Sofia's restaurant. Damang-dama niya ang kakaiba sa lalakeng iyon at kitang-kita rin niya ang galit na nagmumula sa mga mata nito dahilan para mag-umapaw sa puso niya ang pagtataka sa kung anoman ang past sa Cleo Montefalco at sa husband niyang si Andrus Saavedra. Gaano nga kaya kalaki ang galit nito sa husband niya?

Habang naglalayag ang isipan ni Alexis. Mataman namang pinagmamasdan ni Andrus ang maamong mukha ng Gher wife niya. Kitang-kita ng kaniyang mga mata sa kung paano magpabago-bago ang expression nito sa kung anoman ang mga bagay na nag-uumapaw sa utak nito. Ganito kung mag-isip ang Gher na pinakasalan niya at sa nakikita niya, nasisiguro ni Andrus na may malaking bagay ang bumabagabag sa isip nito. At kung anoman ang mga ito, maghihintay siyang si Alexis mismo ang magbukas sa kaniya sa mga ito.

"Andrus--"

Here it is...

Alam niyang hindi simpleng bagay o katanongan ang gumugulo ngayon sa wife base narin sa expression ng mukha nito, kung kaya ay mahinahon niyang hinintay ang sasabihin nito.

"Hmm...?"

"Can I ask you something? Something personal?"

"Go on."
Pagkasabi niyang ito marahan ni Andrus na idinampi sa noo ni Alexis ang kaniyang labi para maipadama rito ang katotohanan sa tugon niya.

"Sino si Cleo Montefalco? Maaari ko rin bang malaman ang tungkol sa... tungkol sa past niyo ni Ms. Tontawan?" Pagkalabas ng mga salitang ito. Tila ba mabilis na nagbago ang isipan ni Alexis dahil mabilis ring namilog ang mga mata nito at kanda-utal-utal na nagsabing.
"Wait, puwedi mo ring hindi na sagotin ang tanong ko. "

Sa puntong ito ay hindi mapigilan ni Andrus ang mapangiti sa nakikitang reaction sa mukha ng Gher wife niya. Marahil sa isipan nito ay isang malalim na katanongan at pakikialam ang binitawan nito sa privacy niya, pero sa puso ni Andrus. Ang lahat ng ito ay bahagi na lamang ng nakaraan niya. Yes, malaking bagay ang pagkakaibigan nila ni Cleo Montefalco at sa tuwing naalala niya ang lahat ng ito ay may kung anong malaking kamao ang nakadagan sa dibdib niya. Kung sa ibang tao ang nagmumula ang tanong na'to, marahil ay nagbaga na ang galit sa mga mata ng isang Andrus Saavedra.

Ngunit, hindi ibang tao ang Gher Wife niyang si Alexis. Ang Gher na ito ang buhay niya, at ang Gher na ito ang hinaharap niya, kaya walang dahilan para itago kay Alexis ang nakaraang ito.

"A-Andrus..."

"Cleo Montefalco. Siya ang best friend at kababata ko. Ang tinuturing kong kapatid hanggang sa magbago ang lahat-lahat."
Mahinahon niyang tugon sa ngayon ay may pagtatakang mukha ni Alexis.

Sa isipan ni Alexis. Kung gayon, maliban sa Tatlong kaibigan nito ay may isa rin palang Cleo Montefalco na naging matalik na kaibigan nito?

"Nauna kong makilala ang taong tinutukoy mo. Matalik na magkaibigan ang Saavedra at Montefalco Family. Ngunit isang kaganapan ang pumutol sa relasyon na ito. Ito ang unang rason wifey mamaya ko na sasabihin ang pangalawang rason. Bumagsak ang pamilya nila na wala akong nagawa o madaling sabihin ay sa isipan ng dating kaibigan ko ay wala akong ginawa, na walang nagawa ang Saavedra sa sitwasyon ng kanilang pamilya. Ngunit hindi iyon ang katotohanan. Ginawa ng aming pamilya ang mailigtas ang kanilang kumpanya pero naging matigas ang kaniyang ama. Hindi nito isinaalang-alang ang pagkakaibigan o pinagsamahan ng Saavedra at Montefalco na siyang naging mitya ng pagkakasira o hindi pagkakaunawaan ng dalawang angkan. Bagkus ay nagawa pa nitong talikoran ang Saavedra at nakipagtulungan sa kalabang kumpanya. At ito ngayon ang naging mitya ng pagkawasak ng pagkakaibigan naming iyon ni Cleo at ng aming mga angkan."

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now