KRYSTAL MENDES

694 38 9
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 34.1

Continuation...

Here's the next chapter. Enjoy reading.

        ➿➿➿➿➿➿➿➿

"Magpakasaya ka na, my Gher Brother dahil kapag narinig mo ang sasabihin ko nasisiguro kong sa pangalawang pagkakataon ay muling mawawasak ang puso mo."
Nakangiting turan ko sa half brother. At first, wala akong balak na gawin ito sa kaniya dahil narin sa matinding takot ko sa maaring magawa ng husband niyang si Andrus Saavedra. Ngunit nang maalala ko ang pag-uusap namin ng magandang babaeng si Ms. Tu Tontawan, doon ko na nasilayan ang panibagong pag-asa para mapabagsak ang kapatid na kinamumuhian ko.

Alexis took everything away from me. My mother, my grandfather, at ang atensyon ng lahat. Lahat ng iyon ay kinuha niya sa akin kung kaya ay hindi ako makapapayag na maging masaya ang isang bastardong tulad niya.

He is a freaking monster!
Nang dahil sa last encounter namin, nagsimulang magbago ang husband kong si Vincent. Pakiramdam ko ay parang lumalayo sa akin ang loob ng husband ko. He is my man! My husband! Ginawa ko ang lahat-lahat ng paraan para maagaw lang siya sa bastardong kapatid ko, kaya hindi ko mapapayagan ang maglaho nalang si Vincent sa mga kamay ko. Kung iiwan man ako ng lalakeng pinakasalan ko dahil sa half-brother ko. Sisiguraduhin ko munang babagsak ang kapatid ko para wala nang babalikan pa si Vincent.

At kapag nagtagumpay ako. Maghahanap ako ng taong nararapat para sa isang magandang babaeng tulad ko. At may isang tao na akong napili pero, kinakailangan ko munang masira sa mata ng taong ito ang magandang emahe ng half-brother ko.

Isang sarkastikong ngiti ang pinakawalan ko bago matamang pinakatitigan ang walang emosyon na mukha ni Alexis. Nang biglang, nagtama ang aming paningin na siyang rason upang panandalian akong mapaatras sa binabalak ko.

Ang mga matang ito...

Mga matang tila kilalang-kilala ko. Sa uri ng pagkakatitig ni Alexis, pakiramdam ko ay para bang nanumbalik ako sa araw na iyon. Ang araw ng kaarawan ng Grandpa Alfonso Mendes sa kung saan ay parang binalot ako ng napakalamig na Yelo sa mabigat na mga mata ng isang Andrus Saavedra habang nakatitig sa kaibutuuran ng puso, tagos sa aking kaluluwa ang mga matang ito. At ngayon, muli kong nadarama ang pakiramdam na ito mula sa mismong mga mata ng kapatid ko.

Hindi ko namalayang bahagyang napaatras ang kanang paa ko dahil sa mabigat na aurang nagmumula sa titig ng half-brother ko. Gaano na ba katagal kaming hindi nagkikita ni Alexis? Bakit pakiramdam ko ay nakikita na ng mga mata ko ang anino ng isang Andrus Saavedra sa mga mata ng Gher Brother ko?

I felt stunned. The look on his face was intense, especially his eyes. They just stared at me, hardly blinking.

"What the heck is wrong with you?!"

Nagpakawala ng isang mataginting na tawa ang kapatid kong si Alexis bago muling pinakatitigan ako, ng walang emosyon.
"Alam mo ba Krystal, naawa ako sa'yo."

What the?!

Awa? Naawa ang isang halimaw na tulad niya, sa akin? Sino siya para kaawaan ako?
Ni minsan ay hindi ko naramdaman ang kaawaan dahil wala naman silang makikitang kaawa-awa sa sitwasyon ko.

Masuwerte akong babae! Nasa akin na ang lahat. Ganda, kapangyarihan, karangalan, mga taong naghahangad na makamtan ang matamis na ngiti ko. Nasa akin na ang lahat lalong-lalo na ang pagmamahal ng mga magulang ko. Kaya nasaan ang kaawa-awa sa akin?! 

"Gher brother, nasisiguro ko sa iyong pagkatapos ng pag-uusap nating ito. I'm sure na maglalaho ang masayang ngiti riyan sa labi mo," I said while smirking back at him. Masusi kong pinagmasdan ang expression sa mukha ng Kapatid ko. Ngunit nang mapagtanto kong walang pagbabago sa mukha nito, mabilis na nabalot ng pagkairita ang puso ko.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now