31.1

930 53 20
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 31.1

CHAPTER TITLE: THE PRESIDENT'S CUTE WIFEY

"Laura, you're here!"
Nagmamadaling turan ng isang babae sa paparating na katrabaho.
"My gawd! Akala ko hindi ka na aabot sa shift mo." Maaninag sa boses ng babae ang pagkataranta na siyang dahilan para makadama narin ng pagkataranta ang bagong dating.

"Traffic kasi sa daan ngayon, may nangyari ba Veron?" Laura asked, a bit flushed as she rushed to arrive in time. Alam niya ang mahigpit na patakaran ng Kumpanya na pinagtatrabahuan niya. She knew that three delayed arrivals for her shift at the company meant dismissal from her work. Pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na muntik na siyang mahuli sa trabaho kung kaya ay bakit nalamang ganito ang pagkataranta ng babaeng katrabaho niya?
"Let me tell you, I thought I wouldn't make it in time for my shift!" Laura wheezed as she started to sort the documents in front of her.

"Mainit na naman ang ulo ni Secretary Irene. Ikaw ba naman ang hindi pansinin ng boss sa panlalanding ginagawa niya."

"Shhh. Wag kang maingay at baka marinig ka ng bruha." Naiiritang tugon ni Laura bago pasimpleng sumulyap sa direksiyon ng magandang babaeng nakaupo sa tapat ng pinto ng office ni Andrus Saavedra.

Naiiling na pinakatitigan ng dalawang babae ang busangot na mukha nung Irene habang Iritadong may kausap ito sa cellphone. Alam ng lahat kung anong katayuan meron ang babaeng ito. Anak ito ng isa sa kilalang Pamilyang Industriya ng Showbiz at nalalaman nila ang rason kung bakit mas pinili nitong manatili sa pagiging sekretarya ni Andrus Saavedra, dahil sa kagustuhan nitong mapalapit sa Cold Blooded ng Saavedra Empire.

"Hey, Laura... Naisip ko lang kung nabalitaan na ba ang babaeng ito na kasal na ang Boss natin?" Nakangiting turan ng nagngangalang Veron bago pasimpleng tinakpan ang bibig at pinigilan ang matawa.
"Paniguradong lalong, hindi maguguhit ang mukha niya sa sobrang kahihiyan!"

"Shhhh... pero sa totoo lang, mas maiging mangyari nga ito sa kaniya. Akala niya ay mas mataas ang katayuan niya kay Ms. Tu Tontawan. Iyong ex-fiance nga walang nagawa sa bagong Wife ni Mr. Saavedra, itong bruha pa kaya?"

Naiiling na pasimpleng magkasabay na tumawa ang dalawa bago muling nagsalita ang nagngangalang Laura.
"Honestly, I would be glad na mapahiya ang babaeng 'yan. I mean, the president does have a wedding ring on his finger; bulag ba siya para hindi ito makita?"

Akmang magsasalita ang Veron nang biglang isang magandang binata ang marahang lumapit sa direksiyon nila.

"Excuse me. Nasaan ang secretary ni Mr. Andrus Saavedra?"
Matamis ang ngiti sa labi nito at maaninag ang kislap sa mata habang binibigkas ang pangalan ng President nila.

Walang alinlangan na itinuro ni Laura ang mesa ng babaeng sekretarya ni Andrus saka pasimpleng nakipagpalitan ng tingin sa babaeng katabi niya.

Sa unang tingin ay mahihinuhang Gher ang nasa harapan nila. At base narin sa tindig nito, ay masasabing walang special na katayuan sa buhay ang Gher na ito. At dahil dito...

Isang salita lamang ang namayani sa utak nila.

Damn!

---------

Alexis came out of the elevator and entered the top floor of the company, which was reserved for the highest position, the President of the Saavedra Empire, Andrus Saavedra's office.

Habang papalapit siya ay lalong nag-uumigting ang kabang nag-uumapaw sa kaniyang dibdib. Hawak-hawak ang pagkaing dala niya para kay Andrus, hindi parin nawawala sa utak niya ang naiiba at mabibigat na titig ng mga trabahante na nadaranan niya. Kung hindi nga lang sa tulong ni Butler Wu marahil ay hindi siya pinapasok ng Guwardiya sa pinto.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now