46.2

547 35 6
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 46.2

➿➿➿➿➿➿➿➿

ALEXIS

Deja vu?

Ito na ba ang tinatawag nilang parang nangyari na itong sitwasyon sa iyo noon sa nakaraan at ngayon ay nangyayari narin ito sa'yo ngayon? Nope, hindi ako sure na ito nga ang meaning n'on pero dahil ang sitwasyon na kinaroronan ko ngayon ay katulad ng nangyari sa akin noon bago ko pa man makilala ng husto si Andrus.

Tandang-tanda ko sa kung paano ako bastosin at maliitin ni William Jillian sa mga oras na iyon at ngayon naman ay nangyayari na naman ito sa ngayon. Ang malaking kaibahan nga lang ay hindi niya kilala ang babaeng ito na nasa harapan niya ngayon.

"What the--- who are you? How dare you just enter the President's Office as you please? Tell me who you are and what you want. Pinsan ko si Andrus at hinding-hindi ko mapapayagan ang ganitong kawalang modo na pagpasok mo sa office niya ng walang pahintulot nito!" Man, another sakit ng ulo na naman ba at pinsan pa ni Andrus?

"Oh--- hi?"
Habang pinipigilan ko ang inis at pagkairita sa nagiging sitwasyon ko. Marahang hinarap ko ang babaeng ito kapagkuwan ay ngumiti ng matamis sa kaniya. Ngayon na narinig kong pinsan ito ni Andrus ay mabilis na nabawasan ang inis sa aking dibdib.

"Hi, talagang nag-hi ka pa sa akin ah? Hindi mo ba alam na kinakailangan mong maghintay sa isa pang silid na para sa mga guest na tulad mo  at hindi mismo sa mismong sa silid na ito. Dalawa ang silid na tinutukoy ko. Maybe hindi mo alam ito  or nagkamali lang iyong sekretarya na nag-assist sa'yo. Hindi rito ang room kung saan ka maghihintay sa CEO ng Saavedra Corporation, doon... halika at ituturo ko ito sa iyo. Bago ka pumasok sa office na ito ay maghihintay ka sa kabilang room  na'yon na kung saan ay mismong si Sebastian na ang tatawag sa'yo kung kakausapin ka ni Andrus. Gets mo?  Saang lupalop ba  nagmula ang nag-assist sa iyo at hindi nito alam ang bagay na iyon? Grabe na talaga, kahit anong paglilinis ni Insan sa mga trabahante rito, meron at meron parin pala mga taong nasusuhulan na mga taong walang kilala kundi ang pera. " Iritadong saad nitong muli na hindi ko malaman kung matatawa ba ako or maiirita sa pag-iisip na meron ang babaeng kaharap ko.

Ngunit bago pa man tuluyang mabalot ng inis ang puso ko ay minabuti kong harapin at kausapin ng seryoso ang babae ito.

Sa tinuran niyang ito ay mabilis na nagpabago-bago ang expression ng magandang mukha ng babaeng nasa harapan niya na siyang dahilan para bahagyang mapangiwi si Alexis sa nakikita. Agad rin namang pumasok sa silid ang assistant secretary ni Andrus ng narinig ang malakas na komosyon sa loob ng silid.

"How dare---"

"Young Miss..."

"Shut the fck up! Bakit niyo pinapasok ang nilalang na ito sa office ng pinsan ko?"

"Miss---" dahil sa pagkataranta ay halos walang maapuhap na salita ang babaeng secretary bago mabilis at nag-aalalang bumaling sa Gher wife ng boss niya. Ang isa ay asawa at ang isa naman ay pinsan ng boss nila. Pero sa isipan ng babae, ay mas nakahihigit ang asawa ng President, kaysa sa Pinsan lang diba? At nababatid nilang lahat sa kung gaano paboran ng Isang Andrus Saavedra ang Gher wife nito, kaya ay walang alinlangan na muling hinarap niya ang nasabing Pinsan at pikit-matang kinakalma ang sarili. Ngunit bago pa man maibuka ng babaeng sekretarya ang labi nito ay isang mariin at galit na tinig ang marahas na umalingawngaw sa paligid.

"He is my wife. At kung sinoman ang walang modo at bumastos sa kaniya ng ganito ay palabasin sa building na ito. Paulit-paulit ko bang sasabihin ang mga katagang ito."

Sa mga salitang ito para bang mabilis na nabalot ng matinding katahimikan ang buong paligid. Namimilog ang mga matang pinakatitigan ni Alexis ang husband niya bago muling ibinaling ang paningin sa ngayon ay nakatulalang mukha ng magandang dalagang nasa harapan nila.


The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now