50.2

346 37 11
                                    


PAGPAPATULOY...

                🏵️Alexis 🏵️


'Hintayin mo ako Alexis.'

'Maghihintay ako.'

Ito ang huling mga pangungusap na naalala kong binigkas sa pag-alis ni Andrus. At iyon rin pala ang mga salitang bibitawan sa akin ni Andrus. Tatlong-araw, tatlong-araw na at hindi parin ako makapaniwalang mawawala sa akin ang husband ko. Halos madurog ang buong puso ko nang nabalitaan kong bumagsak ang eroplanong sinasakyan nina Andrus at ng Ama nito. Pakiramdam ko ay para bang nagmistula akong nauupos na kandila. Hindi ako makahinga, tumigil sa pagtibok ang puso ko. Para bang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Wala na ba talaga ang husband ko? Tatlong-araw, at sa ilang araw na iyon ay damang-dama ko parin ang panginginig ng buong katawan ko at ang panghihina nito. Kung hindi dahil sa Ina ni Andrus ay marahil ay bumigaw na ang utak ko. Pikit-matang napatikom ako ng bibig habang pilit na pinipigilan ang pagtangis na nagnanais kumawala sa aking dibdib. Kitang-kita ng mga mata ko sa kung paano himatayin ang Mama ni Andrus at ang pagkagimbal sa mukha ng Grandpa Saavedra sanhi upang atahikin ito puso. Hindi ko na malaman ang gagawin, awang-awa narin ako sa nakababatang kapatid ni Andrus. Ngunit mas naaawa ako sa aking sarili. Tila ba pinaglalaroan ako ng tadhana. Pakiramdam ko ay parang binalikan ako ng karma ng dahil sa mga nagawa kong paghihigante kina Krystal at sa Ama nito. Ang taong naging ilaw at nagbigay init sa mundo ko ay binawi nga ba sa akin ng panahon?


Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon. Ang araw na mismong wawasak sa aking puso't-isipan.


-----------
"Ma-madam... Young madam,  masamang balita sa Master Ambrosio at Master Andrus..."


Pakiramdam ko ay parang titigil sa pagtibok ang aking puso. Para bang anomang oras titigil sa pagdaloy ang hangin sa aking dibdib. Nagsimulang bumalot ang takot sa buo kong katawan. Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay anomang oras ay mawawalan ako ng ulirat kung hindi dahil hawak-hawak ni Mama Veronica ang katawan ko at gaya ko ay damang-dama ko rin ang tension na nagmumula rito, marahil ay sumabog na ang puso ko sa sobrang takot.


"A-ano?" Nanginginig ang tinig kong sabi. Hindi ko malaman ang sasabihin pakiramdam ko ay para bang mahihimatay ako sa sakit.


I could feel tears welling up in my eyes and a feeling of dread residing in my stomach, the kind you get when everything is out of your control and there is nothing you can do. At this point, I was to believe in 'precautionary' less and less. I didn't even need to ask if this was serious, my gut feeling said yes.

".... bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng mga ito at... hindi namin mahagilap ang katawan nila..."


"Hindi niyo ba talaga nakita?" I asked quietly, my voice almost being carried away with wind.


"Hindi namin nakita. Bumagsak ang eroplanong sinasakyan nila sa gitna ng malawak na katubigan at marahil ay..."

Sa puntong iyon ay tuluyan narin akong nilamon ng dilim. Hindi ko na inalintana sa kung paano nagkagulo ang nasa paligid ko. Kasabay ng pagbagsak ng katawan ni Mama Veronica ay siya ring pagbagsak ng aking Katawan sa sahig.



Nawawala ang husband ko at ang Ama nito.




End of flashback:

At dahil sa malaking kaganapan na ito ay inatake sa puso ang Grandpa Saavedra bagay na nagpabigat ng sitwasyon. Hindi ko narin makausap nang maayos si Mama dahil hindi ito lumalabas ng kaniyang silid. Pakiramdam ko ay nag-iisa ako at parang mababaliw.

At sa pagkakataon ding ito ay nagsimulang kumilos ang Third Branch ng Saavedra Corporation. Nagsimula ang mga itong gamitin ang kapangyarihan ng mga ito upang gipitin ako.


The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now