10

1.7K 80 9
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 10

EDITED ANG KABANATA NA ITO. NGAYON KO LANG NAPANSIN NA DUMOBLE PALA ANG UPDATE KO HUHU. SORRY PO.😊

➿➿➿➿➿➿➿

SOMEONE'S POV

Dumating na nga ang taong pinakaantay nila. Ang kanilang inaantabayanan na malaking katatawanan sa Pamilyang Mendes ay napalitan ng magkakaibang emosyon. Katulad ng Inggit, pait, selos, pagkagulat, paghanga at poot. Ilan lamang ang mga ito sa nadarama ng mga taong naroroon. Ngunit wala ng mas hihigit pa sa nag-uumapaw na galit at pagkainggit ang namamayani sa puso ni Krystal. Ang inaasahan niyang malaking pagkaphiya ni Alexis ay tila ba malaking sampal ng katotohanan sa kaniyang mukha nang dumating si Andrus Saavedra sa kaarawan ng Granpa Alfonso niya.

'Hindi ito maaari!' malakas na pagtutol ng isipan ni Krystal. Buong buhay niya ay itinatak na niya sa kaniyang puso't-isipan na walang sinoman ang nararapat kay Alexis. Na kailanman ay hindi maaring lumigaya ang gher brother niya. Ngunit ngayong nasa harapan niya ang guwapong mukha ng Young Master ng Saavedra pakiramdam niya ay mauubosan siya ng hininga sa magkahalong emosyon at tension sa kaniyang dibdib.

Nanaginip lang siya!
Masamang panaginip lang ang lahat ng nakikita ng kaniyang mga mata.

"Young Master Saavedra"

"Mr. President"

Ang bawat isa ay nagnanais na makalapit kay Andrus Saavedra ngunit takot ang mga ito sa labing-dalawang bodyguard na nakaalalay dito. Bawat isa ay may kaniya-kaniyang motibo para sa binata. Well, hindi na ito narin ito nakapagtataka. Sa mundong ginagawalan nila, matira ang matibay. Kung mahina ka, Ikaw ang siyang talo. At sa harapan ng lahat. Si Andrus Saavedra ay ang nasa rurok ng tagumpay.

Matamang siniyasat ni Andrus ang mga taong nasa paligid niya nang walang emosyon sa mga mata nito at hinanap ang nilalang na siyang dahilan sa kung bakit siya napadako sa pook na ito. Hindi narin bago sa kaniya ang sitwasyon na ganito; Ang ituring na panginoon ng mga taong walang ibang ninais kundi ang pagbagsak niya o mapalapit sa katanyagan na tinataglay niya. Ito rin ang dahilan sa kung bakit pinakaayaw niya ang dumalo sa mga ganitong okasyon. Paulit-ulit na sinuri ng kaniyang mga mata ang paligid upang masilayan ang maamong mukha ng male conceiver na kaniyang sinisinta. Subalit, tila ba mailap ang munting nilalang na ito at siyang rason upang bahagyang maghatid ito ng naiibang kaba at excitement sa puso ni Andrus. Kanina pa niya tinatawagan si Alexis ngunit hindi nito tinutugon ang tawag niya. At dahil mailap ang future wife niya, kinakailangan niyang (Andrus) suyurin ang pook na ito para masungkit ang pinagtatagoan nito.

Hanggang sa mahagip ng kaniyang mga mata ang Isang matandang lalake na papalapit sa kinaroroonan niya sa tabi nito ang male conceiver na kanina pa hinahanap ng kaniyang mga mata. Ang Alexis Mendes niya. Ngunit bago pa man ang dalawa makalapit sa kaniya (Andrus) ay isang binata ang mabilis na humarang sa kinaroroonan ng dalawa.

"Kamusta Lexie. Maligayang kaarawan Grandpa Alfonso. Naalala niyo pa ba ako?"
Malapad ang ngiting turan ng bagong dating na siyang bahagyang ikinagulat ng matandang Alfonso at siyang pagkairita naman ni Andrus sa hindi malaman na rason. Hindi niya maunawaan sa kung bakit tila ba ay may disgusto siyang nararamdaman para sa lalakeng kausap na ngayon ng Granpa ni Alexis.

"Little Ling. Ikaw na ba 'yan? Hindi ako makapaniwala na makararating ka sa kaarawan matandang tulad ko."may ngiti sa labing tugon ng Old Mendes bago inihayag ang mga palad para makipagkamay sa binatang kaharap.

Malapad rin ang ngiting sinalubong ito ng binatang kausap ngunit sa mga mata ni Andrus ay kitang-kita ng kaniyang mga mata ang maiinit na sulyap nito sa gher na katabi ng matandang Mendes. Ngayon ay nauunawaan na niya sa kung bakit nababalot ng pagkairita ang puso niya para sa lalakeng bagong dating. Kung ganoon ngayon palang ay kinakailangan na niyang linisin ang mga gamo-gamong umaaligid sa wife niyang si Alexis.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now