11

1.7K 74 29
                                    

POSSESSIVE HUSBAND 11

          ✍️✍️✍️✍️✍️

           SOMEONE'S POV

"Darn it!"

Pikit ang mga matang pilit na kinakalma ni Alexis ang puso niya.Paano ba naman kasi, napakaraming nangyari sa buhay niya.Pagkatapos ng Dalawampong-beses-beses na sampal na natamo sa mukha ni Krystal pakiramdam ni Alexis ay nasa loob siya ng napakasikip na silid at tila ba anomang oras ay maaring sunggaban siya ng mga nilalang na  may nababalot ng galit nasa paligid lang niya. Maraming pasasalamat narin at nasa tabi niya parati ang Grandpa Alfonso dahil kung hindi, tapos ang buhay niya as Mendes.

Nang araw na'yon, bago umalis si Andrus ay nag-iwan pa ito ng mga katagang pagbabalik nito sa kaniya  upang mapag-usapan ang kasal nilang dalawa at para narin mapakilala siya (Alexis) sa pamilya nito at ang pagkikita ng dalawang angkan.

Saavedra at Mendes.

Tandang-tanda pa niya nung araw na nagpaalam ito sa kaniya pagkatapos ng situation ni Krystal na animo'y tila walang nangyari.

FLASHBACK:

"Namiss mo ba ako Lexie?"maamong paglalambing ng  lalake na siyang labis-labis na ikinagulat na masaksihan ito ni Alexis sa katipan. Pakiramdam  niya ay may kung anong malamig na hangin ang dumaan sa harapan niya sanhi upang mabilis na magsitayoan ang  kaniyang mga balahibo sa katawan. Nakakapangilabot naman talaga ang makitang ganito kabait at kaamo ang mukha na parang maliit na tuta ang isang Andrus Saavedra. Kung masisilayan rin ito ng tatlong binatang kaibigan nitong si Andrus ay paniguradong mamimilog rin ang mga mata ng mga ito sa malaking pagbabago ng tinaguriang Cold blooded Prince ng Saavedra Empire.

Namimilog ang mga matang  napatitig si Alexis sa binatang ngayon ay nasa harapan niya.Hindi pa rin siya makapaniwala sa nagawa nito sa kapatid alang-alang sa kaniya. Ang pakiramdam na para kang nakalutang siya hangin. Ito ang kasalukuyang nadarama ni Alexis. Sa harapan ng lahat, sa harapan ng kanyang Grandpa Alfonso at  ng  buong Mendes family ay naipakita nang Andrus Saavedra ang pagpapahalaga sa isang simpleng male conceiver na tulad niya. Ito ang kauna-unahang  naramdaman ni Alexis na may nagpakita ng pagmamahal at pagprotekta sa kaniya laban sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang saktan siya. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang isang Andrus Saavedra ang gagawa sa kaniya ng ganito. Hindi niya tuloy malaman sa kung paano at anong nararapat niyang damdamin sa mga sandaling iyon. Ang tanging nag-uumapaw lamang sa isipan ni Alexis ay ang mainit na mga emosyon na dahan-dahan na nanunuot sa kaniyang dibdib dulot ng binatang nagngangalang Andrus Saavedra.

Sa katunayan ay napaghandaan narin niya ang mga maaring gawin ng sariling kapatid sa kaniya, dahil hindi rin naman ito kauna-unahang pagkakataon na pinahiya siya ni Krystal. Walang pinipiling araw, okasyon o panahon si  Krystal basta may pagkakataon  itong makita ay gagawin nito ang mapagbsak siya. At sa mismong araw ngang kaarawan ng Grandpa niya ay inihanda na ni Alexis ang kaniyang sarili sa anomang maaring maganap.

Dala-dala ang pen-recorder ay sinigurado niya na magagawa ni Krystal ang maaring ikapahamak ng sarili nito. At sa mismong  araw ein na iyon ay sisiguraduhin niya(Alexis) na hindi pa magkakaroon ng  pagkakataon na matakasan ito ng kapatid.

Ngunit...

Sinong mag-aakala na may gagawa na paraan para sa iligtas siya at mapangalagaan ang dangal niya. Sa mga oras na'yon ay walang pagsidlan ang mga magkahalong emosyon na mabilis na bumabalot  at nanuot sa puso ni Alexis nang mapagtanto  ang mga hakbang  na ginawa ni Andrus upang proteksyonan siya. Ang makita ang maamong mukha ng lalake ay nagbigay ng kalakasan sa  kaniyang puso.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now