24

899 46 4
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 24

Sorry for the late update.

➿✨✨✨✨✨✨➿

"So, uuwi na talaga tayo?" Nagtatakang tanong ni Alexis sa husband niya.

Yes, husband Niya! Ngayon palang ay damang-dama na ni Alexis ang halo-halong emosyon sa tuwing naiisip niyang tunay ngang Ikinasal na siya kay Andrus Saavedra at hindi dahil panaginip lamang. Sinong nag-aakala na ang isang Gher na iniwan ng ex-fiance niya sa mismong kasal nito ay magpapakasal sa isang Saavedra? Kung noon ay ma nagsabing mangyayari sa kaniya ang lahat ng ito.

Marahil ay pagtatawanan niya ang taong iyon at sasabihin na, "In your dreams!"

Mapang-akit naman ang mga titig ni bumaling si Andrus kaniya bago marahang humakbang papalapit sa kinatatayuan niya.

"Yes, kinakailangan nating bumalik. Sa susunod na linggo na ang kaarawan nang Grandpa, inaasahan ng buong pamilya na kumpleto ang Saavedra family para sa mahalagang araw na'yon."

Nang marinig ni Alexis ang sagot ng husband niya. Mabilis na nag-unahan sa pagtibok ang puso niya. Pakiramdam niya ay tatalon sa tuwa papalabas sa kaniyang dibdib ang puso niya.

Kaarawan ng Grandpa Saavedra. Isa ang matanda sa kauna-unahang tao na malayang tumanggap at sumuporta sa kasal nila ni Andrus kung kaya ay malaki ang paghanga at paggalang niya sa matandang lalake. Isiping nalalapit ang kaarawan nito, ninanais niyang (Alexis) magpasalamat sa Lolo ni Andrus.

"Kung gayon ay kinakailangan na nating bumalik. Maraming bagay rin akong kinakailangan na ihanda para sa Birthday ng Grandpa. Ayokong magkamali o makalimot."

Nang mapansin ni Andrus ang pagkataranta sa mukha ng wife niya. Naiiling na niyakap niya si Alexis bago matamang pinakatitigan ito.
"Relax, inihanda ko na ang lahat kung kaya't wala ka ng dapat ipag-alala."

"No, Andrus, makinig ka. Ito ang kauna-unahang makakasama ako sa pagdiriwang ng Kaarawan ni Grandpa Saavedra. At ayaw kong balewalain ang mahalagang araw na'yon. Isa ang lolo mo sa mga taong tumanggap sa akin sa pamilya mo. Ayokong masira ang pagtitiwala niya sa akin o ng sinoman sa pamilya mo. Tandaan mo, asawa na kita, kasal na tayo. At sa katotohanang iyon ay nalalaman kong parte na'ko ng Saavedra family. Magmula nung araw na pinasok ko ang mundo mo. Pinasok ko na sa puso't isipan ko na, ang lahat ng mga pinahalagahan mo ay pahahalagahan mo. Ang mga taong pinakaiingatan mo ay siya rin namang pakaiingatan ko... "

Marahang idinampi ni Alexis ang kaniyang palad sa mukha ni Andrus bago nanginginig ang tinig na muling nagsalita."Sa buong buhay ko, Isang tao lang ang pinaghahalagahan ko. At Iyon ang Grandpa Mendes. Walang ibang taong nakapapasok sa puso ko. Ngunit, nang dumating ka... tuluyan mong napasok ang mundong kinaroroonan ko. At dahil dito, ang lahat ng sa'yo ay pakaiingatan ko."

Isang matamis na damdamin ang bumalot sa puso ni Andrus. Masuyo niyang pinakatitigan ang buong mukha ng wife niya bago malamlam ang mga matang hinalikan ito sa noo.

Tunay ngang hindi nagkamali ang puso niya sa pagpili ng taong pakakasalan at makakasama sa habang buhay niya.

"Good, but may bagay akong ninanais mula sa'yo."

Nagtatakang napatitig ng mariin si Alexis ng dahil sa sinabi nito. Kitang-kita ang malapad at masayang ngiti sa labi ng lalake. Isang ngiti na dumadaloy patungo sa mga mata nito. Mga matang tila nagniningning tulad sa kislap ng mga bituin.
Nang mapagtanto ni Alexis na Seryoso ang husband niya sa sinasabi nito. Minabuti niyang pakinggan ang susunod na sasabihin nito.

"Possessive akong tao. Alam kong nalalaman mo na ito ngayon. Ngunit wala akong balak na makipag-kumpetensya kay Grandpa Alfonso. Pero tandaan mo, ako lamang ang nag-iisang magmamay-ari sa puso mo."

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now