46.1

492 37 6
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 46

            

➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿

Balisa ang mga matang pinakatitigan ang aking cellphone  na hawak ko kung saan rin ay makikita ang guwapong mukha ng husband kong si Andrus. Pagkatapos ng pag-uusap namin ng Ina nito at wala namang nangyaring masama o kakaiba. Ipinaliwanag lang talaga ng Ina ni Andrus sa kung ano ang connection ng Tontawan Family sa Saavedra Family bagay na naghatid ng mabigat na pakiramdam sa aking dibdib. Hindi lingid sa aking kaalaman ang malaking pagkakaibigan ng dalawang pamilya lalong-lalo na sa usapan ng business nila, kaya't hindi mawaksi sa aking isipan  ang malaking pagkakaiba namin ng babaeng ex-fiance ng lalakeng napakasalan ko. Sa katunayan, kung iisipin mong mabuti ay isang malaking kasiyahan ang pag-isahin ang dalawang bigating pamilyang na ito. Hindi ng tulad ko na nawalang maaring mai-ambag sa karangalan na taglay ng lalakeng pinakasalan ko. At siyang dahilan rin upang makadama  ako ng kaunting awa at pangbababa sa aking sarili.

Sinabi bang lahat ng iyon ni Mrs. Saavedra para patatagin ako or para papanghinain ang aking loob? Hindi ko man nauunawaan ay pigil ang hiningang pikit-mata kong tinatanggap ang lahat ng ito para ano pa't kasal na ako kay Andrus diba?

"Asawa ka na ni Andrus at Isa ka ng Saavedra. My dear Alexis, hindi ko sinasabing panghinaan ka ng loob. Ang nais lamang naming mag-asawa, nang Dad Ambrosio mo na makitang karapat-dapat kang tumayo katabi ng anak naming si Andrus. Magagawa mo lamang ito kung magagawa mong patunayan ito sa harapan ng Tatlong branch ng Pamilyang pinasok mo."

Fck!

Para narin nitong sinasabi na hindi ako karapat-dapat sa anak nito. Pero kung susumahin rin naman ay may punto si Mrs.Saavedra. Hindi madali ang mundong kinasusuongan ko. Ang maging madam ng Saavedra Empire ay parang isang mabigat na tungkulin na ngayon ay nakapatong sa aking ulo. Isang mabigat na pasanin kasama ng husband kong si Andrus. Base sa pag-uusap naming dalawa, nahahati sa Tatlo ang Pamilyang Saavedra. First branch, second branch, kung saan parte dito ang twin sister na sina Stephanie at Thanya, and third branch, na kung saan ay naroroon ang mga taong higit na nagnanais na maagaw sa mga kamay ni Andrus ang Saavedra Empire.

Sa una ay hindi ko nauunawaan ang mga sinasabi ni Mrs. Saavedra, ngunit kalaunan ng aming pag-uusap ay unti-unti ko naring nauunawaan ang mga salitang nagmumutawi sa labi nito.

Bakit ngayon lang nito sinabi?

"Dahil protektado ka ng anak ko. Ayaw na ayaw ni Andrus ang madawit ka sa kung anomang gulo, kasakiman at kasamaan ang meron ang Pamilyang ito. Gusto ni Andrus ang manatili kang inosente sa mga bagay-bagay. Ngunit ito ang hindi maaaring mangyari lalo pa't taglay-taglay mo ang pagiging asawa ng anak ko, at bilang Madam ng Saavedra Empire, kinakailangan mong matutunan ang tumayo at kung paano harapin ang mga bagay na hinarap ko noon. At ngayon ang tamang oras para malaman mo ang lahat ng ito."

Malamlam ang mga matang pinakatitigan ako ni Mrs. Saavedra na kung saan ang mga matang ito ay naghatid sa akin ng hindi maipaliwanag na emosyon.

"Kaya ko sinasabi ang lahat ng ito ay inihahanda kita sa mga pagdaraanan mo, lalong-lalo na ang Third Branch ng Saavedra Family. Malaki ang ugnayan nila sa Tontawan Family. At dahil sa malaking ugnayan nila at sa pagnanais ng dalagang si Miss Tu Tontawan na mabawi ang anak ko. Nabalitaan naming kumikilos na sila ngayon. Gaanoman ang disgusto namin sa pamilyang Tontawan. Hindi kami maaaring kumilos ng basta-basta, kaya kinakailangan mong matutunan ang harapin ang dalagang si Miss Tu Tontawan bilang kabiyak at Young Madam ng Saavedra Family, magagawa mo ba ang lahat-lahat ng ito?"

Magagawa ko nga ba?

Sa isiping ito ay mabilis na nabalot ng pagkabahala ang aking dibdib. Kung noon ay ang Pamilyang Mendes lamang ang problema ko. Ngayon ay hindi ko na malaman sa kung ano ba talaga ang mga bagay na pagdaraanan ko.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now