ALEXIS

3.3K 112 42
                                    

ATTENTION⚠️⚠️⚠️

Maraming maling gramatika at spelling kaya please lang sa mga perfectionist dito ay iwanan niyo nalang ang book na ito. Libre lang po' ito kaya kaunting respect naman sa mga salitang bibitawan. Walang pilitan po' tayo rito.

At bago po magsimula ay balikan ang AUTHOR'S NOTE na iniwan ko.

Salamat.

KABANATA 1

             ➿➿➿➿➿➿➿➿

                     ALEXIS

Araw ng kasal ko. Ito ang araw na pinakahihintay ko, ang kasal ko sa taong minamahal ko, at ang taong kasama kong nangarap na bumuo ng Pamilya, siya si Vincent Logan.

Ngunit, sino ang mag-aakala na ang masayang araw na ito ay hahantong sa Isang hindi inaasahang pangyayari.

"Alexis. Ako na ang humihingi sa iyo ng sorry dahil  walang magaganap na kasal sa inyo ni Vincent. Yes. Tama ang iyong narinig. Hindi magpapakasal sa'yo si Vincent dahil hindi ka nito mahal at ako ang tunay na iniibig ng fiance mo. Maniwala ka man o sa hindi, boyfriend ko si Vincent at matagal na kaming may relasyon, halos mag-iisang taon narin kaming nagkikita sa likoran mo. Ako ang totoong minamahal ng taong fiance mo at ang lalaking pinapangarap mong makasama sa buong buhay mo. I'm sorry pero natalo na kita dear brother. "

Nang dahil sa mga sinabing ito ni Krystal ay mabilis na bumalot sa aking dibdib ang magkahalong emosyon. Nabalot ng kalungkotan ang buong katawan ko. Pakiwari  ko ay unti-unting naninikip ang aking daluyan ng paghinga sanhi  upang mataranta ako at mabilis na namuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. Siyang bagay na ikinatuwa naman ng kapatid ko.

"Anong expression 'yan? Sa lagay nayan ay nagulat ka? Hindi ka ba makapaniwala na ako talaga ang minamahal ng Fiance mo? "

Nakangiting saad ng half sister ko. Yes, Half sister ko si Krystal Mendes at anak ako sa labas ng Mom ko. Anak ako ni Mommy sa pagtataksil sa asawa nito. Wala naman talagang problema sa relationship ng mag-asawa dahil wala sila n'un.  Arrange marriage ang namamagitan sa kanila ng husband niya, because of business, pera at karangalan ng kanilang Pamilya. At ako? Ako lang naman ang bunga sa pag-ibig ni Mommy sa One night stand nito.  Isang pagkakamali at isang malaking kahihiyan na   dumungis sa Pangalang taglay ng Mendes Family.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang half sister ko habang ako naman ay nagngingitngit sa galit ang dibdib. Wala akong magawa, naisin ko man ang tumawa at isiping nagbibiro lang siya ngunit. Sa puso ko, damang-dama ko ang katotohanan sa sinasabi nito.

"Hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi mo Krystal. Mahal ako ng boyfriend ko at hinding-hindi nito magagawa ang lahat-lahat ng mga salitang binitawan mo. Kailanman ay hindi maaatim ni Vincent ang saktan ako."

Sa tugon kong ito ay malakas na humalakhak sa saya si Krystal kapagkuwan ay namaywang sa harapan ko.

 
"Hinding-hindi ka sasaktan ni Vincent?  Hahaha... Iyan na siguro ang pinakamagandang joke na narinig ko. Sigi para maniwala ka, patutunayan ko sa'yo ang mga  sinabi ko. Alexis, sino ba naman kasi ang magmamahal sa isang  halimaw na tulad mo?  Isang lalaki na biniyayaan nang kakayanang magbuntis tulad ng isang normal na babae. Hindi ka tao Little Brother. Halimaw ka.  Isang sumpa na nararapat maglaho rito sa mundo. "

Humagikhik pa ang kapatid ko bago maingat na Iniangat ang bag niya kapagkuwan ay nakangiting may inilabas mula rito. Napagtanto kong Cellphone niya ang kinuha bago magsimulang mag-dial.

"Krystal, honey sorry sobrang busy ko." 

Nahimigan ko ang matamis na ngiti mula sa kabilang linya. At mula sa kinatatayuan ko ay damang-dama ko na ang dahan-dahan at unti-unting pagkadurog ng puso ko. Ang boyfriend at fiance ko lang naman ang taong kausap ni Krystal ngayon.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now