13

1.2K 62 17
                                    

POSSESSIVE HUSBAND 13

A/N; Hello Everyone, sorry sa laging late update.

Here's the chapter. Enjoy reading.

       

        ➿➿➿➿➿➿➿➿➿

Hindi pa man nakaaangat ang paa niya sa hagdan ng  kanyang silid. Mukha na ng kanyang kapatid ang bumungad sa paningin ni Alexis.

Na naman? Bakit ngayon pa? Balak ba talaga ng babaeng ito na sirain ang bawat araw niya?

"Brother, kinamumuhian mo parin ba ako? Wala akong balak na agawin si Vincent sa'yo. Minahal lang talaga namin ang isa't-isa. Brother maniwala ka, hindi namin ninanais ang saktan ka. Sorry na please? Yes, naging makasarili ako dahil sa inggit at sa pagmamahal ni Grandpa sa'yo, pero normal lang naman sa magkapatid ang may kaunting hindi pagkakaunawaan tama nama ako diba?"

Marahan at nababalot ng lungkot ang mukha na yumukod si Krystal sa harapan ni Alexis bagay na ikinabahala nito. Sa gawi ng babaeng kapatid paniguradong magiging masamang kapatid ba naman siya sa mga mata ng makakakita nito.
"Sana ay kalimotan na ang nakaraan at mamuhay tayo ng payapa lalo na at wait--" hindi pa natatapos ang sinasabi ng babae ay mabilis na tinalikuran at walang alinlangan na iniwan ni Alexis ang kapatid na siyang ikinailing sa galit nito.

"Alexis! Saan ka pupunta? Ang bastos mo naman brother... kinakausap pa kita!"

Galit ang mga matang napatitig si Krystal sa binatang palayo sa kanya. Darn it! Hindi talaga siya makapaniwala na ang Gher I'd*ot brother niya ang  magbibigay sa kanya ng ganitong kahihiyan. Until now ay hindi pa rin siya kinakausap ni Vincent kung kaya ay naisip niyang kausapin ang kapatid para narin makuha ang simpatya ng mga ito. Ngunit hindi niya akalaing mababastos siya ng ganito!
Naghintay pa talaga siya ng matagal sa harapan ng pinto ng silid nito para lang makausap pero ano'ng isinukli sa kanya ng Fake brother niya?

Tinalikuran siya!

"Alexis! Hinding-hindi kita titigilan! Kung hindi ko man magagawa ang pabagsakin ka. Sisiguraduhin kong may ibang taong gagawa n'un para sa akin! "

Kitang-kita ni Alexis ang nag-uumapaw na galit sa mga mata ni Krystal ngunit hindi niya ito pinagtuonan ng pansin. Bakit? Dahil may mahalagang bagay ang umuukopa ngayon sa isipan niya.

Ano ito?

Ito ay kung Paano niya haharapin ang pamilyang Saavedra.
Gawd, Isipin palang ay kinakabahan na siya.

             

          ➿➿➿➿➿➿➿

At the Cold Blooded President's Villa

"Where is my wife?"

May ngiti sa labing humarap si Butler Wu sa Boss niya. Hindi pa man kasal ang dalawa ay itinuturing na ni Andrus Saavedra na Asawa ang Gher fiance nito. Maaninag sa mga mata ng Young Master ang naiibang kislap na bumabalot sa mga mata nito sa tuwing nababanggit ang salitang 'wife'.

"Young Master. Master Alexis is in the dressing room next to the main door." Butler Wu responded respectfully with a gentle smile.

Nang marinig ang sinabi nang Butler Wu. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi ni Andrus. Then he rushed upstairs and pushed open the door into the dressing room.

Ang Gher na nasa harapan ng salamin ay marahang humarap sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. At that moment, pakiramdam ni Andrus ay tumigil sa pagtibok ang puso niya.

Tunay ngang maniniwala si Andrus kung sasabihin ng sinoman na isang artista ang Gher fiance niyang si Alexis. Ito ang mukhang mistulang inukit ng mismong lumikha.  Every part Ng mukha ni Alexis  ay perfect. Andrus heart skipped a beat. Napakaganda ng mapapangasawa niya.
Habang nakatitig si Andrus sa mukha ni Alexis.
Napatikhim nang malakas si Alexis dahilan para manumbalik ang lalaki sa kasalukuyan.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now