52.2

438 41 6
                                    

ANG PAGPAPATULOY

            SOMEONE'S POV

Pagkatapos ni Alexis na masigurong ligtas ang buhay ni Cleo Montefalco ay minabuti niyang bumalik sa Kumpanya ng Saavedra habang nag-uumigting parin ang takot sa puso niya. Hindi man niya ninanais ang paniwalaan ang dating kaibigan ni Andrus, na wala itong kinalaman sa nangyari kanina. Ngunit may maliit na bahagi sa kaniyang puso  ang nagsasabing paniwalaan niya ito. Sa katunayan ay napapaisip narin siya sa kung bakit ba talaga siya tinutulungan ng  binatang Montefalco. At sa tuwing nanunumbalik sa kaniyang isipan ang huling katagang sinabi nito. Hindi maiwasan ni Alexis ang mapailing sa  ibig-ipahiwatig ng mga salitang iyon.

"Good. Behave Lexie. Namumuhi ako sa asawa mo pero wala akong balak na saktan ka. Magtiwala ka."

"Paano kung ako ang naunang nakilala mo. Masusungkit ko rin ba ang puso mo?"

""Gusto kita Alexis Mendes. Gustong-gusto kita."

Simpleng salita pero mabigat sa damdamin. Kung noon ay pagtatawanan niya ang sinabi nito ngunit ngayon ay hindi maunawaan ni Alexis sa kung bakit ganoon na lamang ang mga emosyong nasilayan niya sa mga mata ng lalake.

Senserong mga mata. Mga matang para bang nangungusap sa kaniya na siyang dahilan para hindi mapigilan ni Alexis ang kabahan sa kinikilos nito. Dahil dito ay nagmamadaling nilisan ni Alexis ang hospital at mabilis na magtungo sa sasakyan niya nang hindi inaasahan ay isang mga kamay ang haharang sa kaniya na siyang labis-labis na ikinagulat niya husto bago napalitan ng pagkain nang mapagtanto sa kung sino ito.

"Vincent?"

At ano na naman kaya ang ginagawa ng lalakeng ito rito?

"Kamusta ka na Alexis."  Hindi pagtatanong kundi may pakikiusap sa tuno nito, sabi ng lalakeng humarang sa kaniya.

"Vincent. Nakaharang ka riyan sa dinaranan ko."mariin at walang emosyon niyang tugon dito. Mababanaag narin ang pagod sa boses niya pero tila ba ay hindi ito napapansin ng dating kasintahan.

"Alexis kinakailangan nating mag-usap."muling sabi nito na ngayon ay nababahid na rin ang kaseryosohan.

"No. Wala akong oras para makipag-usap sa'yo."

Akmang muling bubuksan ni Alexis ang pinto ng sasakyan nang muling hinarangan nito ang kaniyang mga kamay bago mariin na hinawakan ito.

"Alexis. Sabihin mo sa akin kung ano'ng ginagawa mo rito sa hospital?" napupuno ng hindi maipaliwanag na emosyon na pagtatanong nito na siyang naghatid ng pagtataka sa puso't-isipan ni Alexis. Ano ba talagang ibigsabihin ng ex-fiance niyang ito?

"Vincent." mariin at walang emosyon muna niyang hinarap ang lalake bago walang alinlangan na hinatak ang mga kamay na nakahawak sa kaniya kapagkuwan ay muling walang emosyon na nagpatuloy,
"Hindi ko maintindihan kung anong problema mo. Pero ang masasabi ko lang sa'yo ay 'This is none of your business.' Nauunawaan mo ba ako Mr. Logan?"

Sa tinurang ito ni Alexis ay mabilis na nagpabago-bago ang expression ng mukha ni Vincent Logan bago tuluyang binalot ng pait at hinanakit.

"Ano'ng kinalaman mo sa Cleo Montefalco na iyon? Lexie, Sabihin mo sa akin ngayon. Ang lalakeng iyon na ba ang ipinalit mo kay Andrus dahil patay na ito?"

Sa mga salitang ito pakiramdam ni Alexis ay para bang may kung anong malaking bagay ang sumabog sa kaniyang harapan dahilan upang mabingi ang kaniyang taenga at makadama siya ng pamimigat ng katawan.

"Ano'ng sinabi mo Mr. Logan?"galit niyang tugon sa lalake.

"Huwag ka ng magdenay pa Alexis. Kitang-kita ng mga mata ko na magkasama kayo ng taong iyon. Now sabihin mo sa akin kung siya na ba? Ang lalakeng iyon na ba ang napili mong kapalit kay Andrus dahil patay na ito? Tama ba? Sagotin mo ako Alexis pakiusap dahil gulong-gulo na ako!"

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now