29

840 54 16
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND

TITLE:
COLD BLOODED PRESIDENT

A/N: Sorry for the late update mga babies.

*****------*****

Indeed.

Sa mundong ibabaw, walang sinoman ang makapapantay sa pagmamahal niya para kay Andrus Saavedra.
No Woman or Gher would love him as much as she did.

She, William Jillian was willing to live for him, die for him, and give him her everything.

One day, he would finally understand her feelings.

Ngunit...

Dumating siya!

Dumating ang isang nilalang na sumira at nagwasak ng lahat ng mga pangarap niya. Ang Gher na sumira sa buong pagkatao niya. Ang nilalang na siyang dahilan para bumagsak ang William Family. Hindi kailan man nakadama ng takot si Jillian sa posisyon ni Tu Tontawan. At walang sinomang babae ang minsan ay nakapagbigay ng malaking takot at pag-aalala sa puso niya.

Ngunit nang dumating ang isang Alexis Mendes. Tuluyang nagbago ang lahat sa buhay niya. And because of that, gagawin ni Jillian ang lahat-lahat upang madala sa kailaliman ng galit niya ang Gher na sumira sa lahat-lahat ng meron siya!

Magkakasunod na pagbagsak ang maririnig sa buong paligid. Pumalpak ang kanyang naunang plano. Kung hindi ba naman tanga at walang kuwenta ang babaeng Nam Cha na iyon, disin sana ay nagtagumpay na siya. Kung anomang nangyari sa Nam Cha na'yon, tanging si Andrus lamang ang makasasagot nito. Paniguradong hinding-hindi pakakawalan ng lalakeng iyon ang baliw na Prinsesa ng Nam Family gaya ng ginawa ni Andrus sa mga William. Napupuno ng emosyon ang mga matang pinakatitigan ni Jillian ang masayang larawang ng kaniyang pamilya harapan niya bago mabilis na dinaial ang numerong nag-uugnay sa kanila ng mga magulang niya. Bago niya isinagawa ang mga plano, sinigurado muna ng dalaga ang kaligtasan ng dalawang taong mahalaga sa buhay niya. At ito ang mga magulang niya. Hinding-hindi niya mapapayagan ang kapahamakan sa dalawang matanda. Gaanoman ang pagmamakaawa ng kaniyang Ina na Itigil ang lahat, hindi maaari, dahil naumpisahan na ang lahat. At sa pagkakataon na ito ay wala ng atrasan. Isang Cold Blooded Man ang kinanti niya, kaya't ngayon palang ay nasa hukay na ang kaliwang bahagi ng kaniyang paa.



"Jillian? Honey? Nak, nasaan ka... sweetie?" Mababanaag sa kabilang linya ang pag-aalala ng kaniyang Ina na siyang dahilan para 'di mapigilan ni Jillian ang mapaluha. Alam niya na sa mga oras na ito ay nababatid na ng Mom niya ang lahat ng ginagawa niya. At alam rin niyang nababalot na ng takot at pag-aalala ang puso ng kaniyang Ina. Ngunit, gaya ng sabi niya, wala ng atrasan.

" Mom... " Isang mapait na luha ang malayang dumaloy sa kaniyang mata habang nakakuyom ang kamao sa pagpipigil na mailabas ang mga emosyon sa puso niya.

"I love you. Marahil ay hindi ko pa ito nasabi sa inyo... Mahal na mahal ko kayo. You and Dad. I love you so much and..."

"....I'm sorry"

Naririnig ni Jillian ang marahang paghagulhol ng kaniyang Ina sa kabilang linya na siyang dahilan para lalong bumigat ang mga emosyon sa kaniyang dibdib.

" Sweetie, Please..."

"No Mom, I'm sorry pero-- huli na ang lahat."

Ito ang mga katagang nagmutawi sa kaniyang labi bago mabilis na tinapos ang tawag. Maluhaluhang pinakatitigan ni Jillian ang larawan ng kanilang pamilya at marahang hinaplos ito.

"Sorry Mom... Pero hindi ko magagawang kalimotan ang pagkakamaling nagawa nila sa ating pamilya. Sa inyo ni Daddy, hinding-hindi ko magagawang pakawalan ang galit ko dahil sa paghihirap na ibinigay ni Andrus Saavedra kay Dad. Walang kasalanan ang aking Ama! Kaya't wala siyang karapatan para gawin ang lahat ng iyon sa William Family!"

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now