39

718 47 13
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND

              

        ➿✨✨✨✨✨✨✨✨➿

Alam niyang may kapahamakan ang ginagawa niya. Alam ni Krystal na hindi madaling lapitan ni kausapin ang isang Andrus Saavedra. Ngunit sa tuwing naiisip niya ang malapad na ngiti sa mukha ni Alexis, ang half-brother niya, ang illegitimate child of the Mendes family, kumukulo talaga ang puso niya sa galit. Yes, Inggit na inggit siya sa mga biyayang natanggap nito. Ang buong akala niya ay habang buhay na niyang masisilayan ang luhaang mukha ng bastardong kapatid na umagaw ng lahat-lahat sa kaniya. Pero hindi pa pala! Sinong mag-aakala na pagkatapos niyang kunin si Vincent sa mga kamay ng bastardong Gher na'yon ay makakahanap pa pala ito ng nakahihigit pa sa isang Vincent Logan? Dahil dito ay nag-aapoy sa poot at magkahalong inggit ang puso ni Krystal.

Poot? Yes! Pagkapoot ang nararamdaman niya sa bastardong anak ng Mom niya.
At bakit lahat-lahat ng mabubuting bagay ay napupunta sa walang kuwenta niyang kapatid? Ngayon ay naririto siya para kausapin ang husband ng Gher brother niyang si Alexis.

Patuloy na naglalayag ang isipan ni Krystal sa kung paano niya mapapabago ang isipan para iwanan ng isang Andrus Saavedra si Alexis nang biglang isang matangkad at matipunong lalake ang mabilis na naglakad palapit sa kinaroroonan niya bago mahinang inagaw ang atensyon ng babae.

"Miss Mendes, nandirito na ho' ang Young Master Andrus."

Sa sinasabing ito ng lalake ay tila mabilis na natauhan ang isipan ni Krystal. Para bang may malamig na hangin ang bumalot sa buong katawan niya at mabilis na nanuot sa kaibutuuran ng dibdib niya. At para bang may kung anong bagay ang bumalot sa puso niya para panandalian na magbago ang desisyon niya. Isiping makakausap na niya ang Cold Blooded President ng Saavedra Empire, magagawa ba talaga niyang makausap ng masinsinan ang taong ito para lang mapabago ang isipan nito Kay Alexis? Sa pagkakataong ito ay parang mabilis na nanigas ang buong katawan ni Krystal.

Habang abala sa nag-uumapaw na kaba ang dibdib ni Krystal. Isang baritonong tinig ang mabilis na pumukaw sa kaniyang atensyon, ngunit mabilis rin namang napalitan ng galit o pagkairita ang mukha ng babae nang marinig ang sinabi ng 'di nakikilalang tauhan ni Andrus Saavedra.

"Miss Mendes, Ako nga ho' pala ang kanang kamay ni Young Master Andrus, Ako si Sebastian. Isang maikling paalala lang Miss. Ipababatid ko lang po sa iyo na nawa'y maging maingat ka sa bawat  mga salitang sasabihin bibitawan mo sa harapan ng Boss ko. Huwag mo sanang masamain Miss  itong sinabi ko. Sinasabi ko lang ito ng maaga para rin sa kabutihan mo."

Wait a minute. Minamaliit ba siya ng lalakeng ito? Ano nga ulit ang pangalan nitong taong ito?. Salazar? Serio? Sebastian? Like, the heck? So what?! Siya, si Krystal Mendes ay walang pakialam sa kung ano pa man ang pangalang taglay nitong lalakeng walang-modo!
Nakaiirita lang sa dibdib niya. Bakit pakiramdam niya pati kahit iyong isang hamak at mababang nilalang, at walang-modo na taohan lang ni Andrus Saavedra ay minamaliit ang mataas na katayuan ng isang Krystal Mendes? Sa Mendes Family palang ay higit na nakahihigit na siya sa taong ito! Lalo na kung isasama mo sa usapan ang pagiging asawa at parte niya sa Logan Family. Hindi ba nito nalalaman kung gaano kadali para sa isang Krystal ang tapak-tapakan ang mababang nilalang na tulad niya? Darn it! Now palang ay gustong-gusto na niyang turuan ito ng leksyon!

Sa sobrang galit ay hindi mapigilan ni Krystal ang mapaatras at Iritadong pinakatitigan ang bagong dating na hindi mo man lang makikitaan ng ni katiting na emosyon, at lalong naghatid ng matinding galit sa babae.

Ngunit bago pa man maibuka ni Krystal ang bibig niya at mabigyan ng malakas na sampal sa mukha ang walang-modo na taohan ni Andrus. Isang malamig na tinig ang pumukaw sa kaniyang atensyon. Isang tinig na nag-umapaw ng napakalamig na emosyon at animo'y nanunuot sa kaibutuuran ng puso ng babae.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now