KABANATA 4

1.7K 84 15
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND
(BOYSLOVE M-PREG)


ATTENTION⚠️⚠️⚠️

Maraming maling gramatika at spelling kaya please lang sa mga perfectionist dito ay iwanan niyo nalang ang book na ito. Libre lang po' ito kaya kaunting respect naman sa mga salitang bibitawan. Walang pilitan po' tayo rito.

Mute ko ang mga readers na walang modo at hindi alam ang salitang respect. Medyo lumiliit na po'kasi ang pasensiya ko sa ngayon kaya sorry po.

Note: Pagbabalik tanaw parin po ito sa mga nangyari para higit na maunawaan niyo. Ginawan ko narin po ng paraan at sinulat ko mga name ng Characters para alam kung sino ang nagsasalita.

➿➿➿➿➿➿➿➿

FLASHBACKS:


"Nasaan ako?" Gulat na napabangon si Alexis sa kanyang pagkakahiga sa isang luxurious bed. Natatarantang napabaling siya sa magarang silid na kanyang kinaroroonan. Ang mga kagamitan ay nababahiran ng kulay ginto. Maging ang ilang kurtenang nakasabit sa dingding ay mistulang isang paraiso na umaakit sa kanyang paningin. My Goodness! Nasaan siya? Sinong may-ari ng silid na'to? Hindi naman siguro isang hotel itong kinaroroonan niya?

Hindi pagkapaniwala ang tanging makikita sa kanyang mga mata. Akmang tatayo siya sa kanyang pagkakahiga nang bigla siyang may naalala. Fvck! May gumalaw ba sa akin? Paano na ang kasal ko kay Vincent? Ito ang malakas na sigaw ng kanyang isipan. Ang isipin na malalaman ng fiance niya ang nangyari sa kanya...

Hindi maiwasang mapasapo siya sa kanyang noo. Mahal na mahal niya si Vincent kung kaya ay ayaw niyang mawala ang binata. At isa pa nalalapit na ang kanilang pag-iisang dibdib. Makakasama na niya ang taong minamahal nang habang -buhay.

"Kinakailangan kong makaalis dito!"
Mabilis at pulido siyang kumilos. Ayaw niyang mag-iwan ng bakas para magsilbing ebedensya na nag stay siya nang buong magdamag sa lugar na'to.

Paano nga ba ulit siya napunta rito? Minabuti niyang alalahanin ang nangyari ngunit gaano ang pagpumilit niya ay wala siyang matandaan.

The heck? Ang huling natatandaan niya ay nung dinala siya ng sariling kapatid sa isang Bar para mag Celebrate. Nalalapit na rin lang naman ang kanyang kasal ay hinayaan na niya ang kagustuhan ng kapatid. Ngunit, Ano nga bang nangyari? Wala siyang maalala.

Masusing inaayos niya ang Kama nang biglang makarinig siya nang marahan na pagbukas ng pinto.

"Damnit!" Natatarantang muli niyang isinubsob ang sariling katawan sa magara at malapad na kamang bago nagkunwaring natutulog.

"Tulog pa siya..."

Mahinang sambit ng isang tinig. Mabagal at maingat ang bawat kilos nito.

"Ipasok niyo na muna sa loob ang agahan ng Young Master" magalang ang tinig at maaninag sa boses nito ang paggalang sa sinasabi nitong Young Master. Wait, sino nga bang. Young Master ang tinutukoy nito?

"Handa na ba ang lahat?"

"Tapos na, Butler Wu"

"Good. Pwede na tayong umalis."

"Opo, Butler Wu."

Magkakasunod na mga yapak ng paa ang kaniyang narinig. Hindi niya inaakalang matagal na palang niyang pinipigilan ang paghinga dahilan para mapasinghap siya nang malalim.

Nang maramdaman ni Alexis na papalabas na ang Butler na tinutukoy. Marahan siyang napabuntong hininga. May Butler pa ah, mayaman si Young Master? Tsk. Ano bang itong iniisip niya? Young Master nga diba siyempre mayaman!

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now