ANG PAGPAPATULOY
A/n: Ni re-edit ko dahil sa hindi ko gaanong nagustohan ang chapter na ito.
-------_--------_-------_-----
Sa loob ng isang malawak na silid ay magkakaharap na nag-uusap ngayon ang apat na kalalakehang tila ba nababalot ng napakalamig na aurang manunuot sa dibdib ng sinomang makakakita. Nakapaligid din sa mga ito ang ilang kalalakehang may kanya-kanyang hawak ng magkakaibang armas sa kani-kanilang mga kamay at katawan. Na siyang dahilan para higit mong maramdaman ang nag-uumapaw na napakabigat at nakatatakot na madilim na aurang bumabalot sa buong silid.
Ang isa sa apat na kalalakehang ito ay walang iba kundi ang husband ng Gher ni Alexis na si Andrus Saavedra. Kasama ang tatlong matalik nitong mga kaibigan na sina Eduard Montenegro, Enzo Amore at ang kapatid nitong si George Amore. Kasalukuyan ngayon na pinag-uusapan ng apat ang pangyayaring pag-atake sa kaibigan nilang si Andrus at kung sino ang may pakana nito.
"Nasugatan ka nila. Sa pagkakataon na ito ay masasabi kong pinag-aralan ng mga taong iyon ang pagpapatay sa'yo." Walang emosyon na aniya ni George bago pinakatitigan ang sugatang katawan ni Andrus habang ginagamot ito ng isang may katandaang doctor.
"Malayo sa bituka. Pero sinong mag-aakala na masusugatan ka ng mga nilalang na'yon? Humihina na ba ang tuhod ng kaibigan namin?"may pagbibirong turan naman ni Eduard ngunit kapansin-pansin ang mabigat na aurang bumabalot sa tuno ng pananalita nito.
"Wala ito. May mahahalagang bagay tayong nararapat na pagtuonan ng pansin sa ngayon. So, may nahagilap ba kayong nga importanteng impormasyon ukol sa mga taong iyon?" Walang mababanaag na emosyon sa mukha na pagtatanong ni Andrus sa tatlo. Isipin palang ang asasinasyon na marahas na umatake sa kaniya kanina ay hindi na magkahumayaw pa ang galit at pagkairita sa puso ni Andrus. Nang dahil sa mga taong ito ay naantala ang pagbabalik niya sa peling ng gher wife niyang si Alexis.
"...Namimiss ko na ang Gher wife ko kaya kinakailangan ko nang malinisan ang kalat sa paligid ko. Nauunawaan niyo naman ako diba?"
Isang marahang pagtawa naman ang pinakawalan ni Eduard Montenegro bago mabilis na siniko ang kanina pa ay pailing-iling na katabi nitong si Enzo Amore, bago walang paligoy-ligoy na tumugon.
"Ang mga taong umatake sa'yo, bigla nalang sila nawala na parang hindi nag-eexist. Ipinadala ko ang aking mga taohan nang gabing mismong natanggap ko ang iyong mensahe ngunit wala silang natagpuan na kakaiba o kahinahinala sa lugar na pinangyarihan ng pag-atake. At ang buong bahay na sinasabi mong hide-out ng mga ito ay walang laman, maging ang mga kalapit-bahay doon ay napagtanungan narin ng mga tao ko ngunit sawi ang mission nila."
Sa mga sinabing ito ay mabilis na napaangat ang kanang kilay ni Andrus bago itinuon ang paningin sa bintana, kahit ang magkapatid na Enzo at George ay kinakitaan narin ng pagbabago sa kani-kanilang mukha.
"So, wala talagang bahid o kahit anomang mantsa kayong natagpuan?"muling pagtatanong ni Andrus sa kaibigang si Eduard.
"Wala." Tipid na tugon ni Eduard na ngayon ay binahiran narin ng seryosong expression ang mukha.
"Kahangahanga. Tunay ngang napakalinis ng pagkakagawa nila"sambit naman ni George na bago bumaling sa Kapatid at nagtanong.
"Enzo. Ano naman ang nakalap mo?"Matamang pinakatitigan muna ni Enzo ang tatlong kaibigan bago mabilis na sumenyas sa nakatayong lalake sa kaniyang likuran. Agad rin namang tumugon ito at isa-isang inilapag ang iba't-ibang dokumento sa mesang nasa gitna at nagsimulang magsalita,
"Pagmasdan ninyong mabuti kung ano ang mga ito?"Kunot ang noo. Mariing siniyasat ni Andrus ang mga bagay na nasa mesa bago tuluyang nabalot ng nakatatakot na aura ang mukha nang mapagtanto sa kung ano ang mga ito. Ganoon din ang emosyon na ngayon ay makikita sa guwapong mukha ng kaibigang si George at sarkastikong ngiti naman ang sumilay sa labi ni Eduard Montenegro.
YOU ARE READING
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...