The Possessive Husband 47.2
➿➿➿➿➿➿➿➿
Walang emosyon ang mga mata ni Andrus Saavedra. Bumabalot rin sa katawan nito ang isang madilim na aurang tila ba nanalaytay na sa lalake dahilan upang higit na makadama ng kaba ang mga taohan nito. Hindi pa nakakatulong ang Tatlong binatang kasama nito na ngayon ay parang taglay-taglay rin ang aurang nag-uumapaw sa katawan ng Boss nila. Kung isang Andrus Saavedra pa ngalang ay nanginginig na ang mga tuhod nila, paano pa kaya kung naging apat na?
"Uncle Warren"
Warren Smith. Ang nakatatandang kapatid ni Veronica na Ina ni Andrus Saavedra.
"Andrus. Dumating ka na."May ngiti sa labing tugon nito ngunit kapansin-pansin ang maliit na tension na nag-uumapaw sa mga mata nito, bago marahang tumango sa tatlong kaibigan ng pamangkin.
"Uncle. Ano'ng balita?"
"Inilipat na ang meeting sa board room."
Sa kasagotan na'to ay mabilis na nabalot ng katahimikan ang paligid. At sa puntong iyon ay hindi lang si Andrus ang kinakitaan ng pagbabago ng expression ng mukha nito maging ang Tatlong binatang kasama niya ay nakitaan narin ng pagkairita at pagkaunawa sa nangyayari. Tila ba ay hindi magiging maayos ang oras na iyon para sa kanila. Kumikilos na ang mga taong nagnanais kumalaban sa Heir ng Saavedra.
"Kasama ng ilang miyembro ng ALLAC Corp, the founders of AMC, the Third Branch, and the Second Branch ay present ang lahat."
AMC. Ito ang Tontawan Company. Kung ganun ay kumikilos narin pala ang Tontawan Family.
Sa pagkakataon na ito ay magiging mainit ang meeting na mangyayari."Sa tingin ko ay na set up ka bro." Nakangising saad ni Enzo sabay batok sa balikat ng katabi nitong si Eduard Montenegro, na nagbigay rin ng isang nakalulukong ngiti at nagsabing.
"Kung gayon ay wala ka ng kawala dito Andrus..."
"Ngayong nalalaman nila na isang male conceiver ang napili mong pakasalan. Nagsimulang magkagulo ang second at third branch. Hindi sang-ayon ang pangatlong branch sa naging desisyon mo. Hindi sang-ayon ang pangatlong angkan na isang hamak na Gher ang magdadala ng kasunod na heir sa pamilyang ito. Kilala na kita pamangkin. Nababatid kong sumagi na sa isip mo na mangyayari ang sitwasyon na ito kung kaya ay labis-labis ang pagtataka ko sa desisyon na pinili mo. Ngunit hindi parin mapawi ang isang malaking katanongan sa aking isipan, talaga bang seryoso sa male wife na ito? Sabihin mo little nephew dahil iba ang nalalaman ng mga mata ko kaysa sa mga balitang nasasagap ko. Alam kong nalalaman mo na magmula nung ikasal kayo ay hindi na magiging normal ang buhay ng wife mo, hangga't hindi napatunayan ng Ger mo ang kakayanan nito sa buong angkan ng Saavedra at sa mga pamilyang sumusuporta sa angkan. Hindi titigil ang mga taong magnanais na mawala sa pamilyang ito ang wife mong si Alexis. Nakikilala mo kung gaano kagahaman ang mga taong parte ng Pamilyang kinabibilangan mo. Kung kaya ito rin ang dahilan sa kung bakit naisip naming kumilos. Kung minamahal mo talaga ang Ger na iyon. Bakit hindi ka naging maingat sa pagkakataon na ito? Ngayon ay napapaisip tuloy ako kung mahalaga ba talaga sa iyo ang Gher na ito or isa lang siyang hamak na pain sa pamilyang ito? Kung hindi ko pa malalaman sa mga magulang mo na seryoso ka sa nasabing Male conceiver. Marahil ay iisipin kong isa na naman ito sa mga pain mo upang mataranta ang mga matatandang hukluban na iyon."
Makahulugan at mahabang pagpapaliwag ng Uncle Warren ni Andrus kapagkuwan ay siniyasat ang bawat emosyon na maaaring sumilay sa mukha ng pamangkin.
Isang malapad na ngiti naman ang sumilay sa labi ni Andrus bago walang emosyon na nagsabing.
"Huwag kang mag-alala Uncle. Hinding-hindi ko magagawang ipahamak ang buhay ng male conceiver na pinakasalan ko."niyang aniya.
"Kung ganoon ay bakit mo mabilis na ibinandera sa lahat ang gher wife mo? Hindi mo ba naisip na nakatuon na ngayon sa kaniya ang mga mata ng dalawang angkan? Nangyayari na ang kinatatakotan ng iyong mga magulang."
YOU ARE READING
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...