19.WEDDING

1K 64 13
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 19

Aiyoo!! 😊😊

Here's the next chapter. Good luck and enjoy reading.

***----***

WEDDING

HERE'S THE WEEDING!!

Isang marahan na pagkatok sa pinto ang umagaw sa atensyon ng kinakabahang puso ni Alexis.

Tama, Kinakabahan talaga siya sa araw na ito. Dumating na ang araw na pinakahihintay niya. Ang araw na kung saan tuluyan nang mag-uugnay ang mga buhay nilang dalawa.

Kabadong napahawak siya sa kanyang dibdib. Sa sobrang bilis ng pagtibok nito pakiramdam niya tuloy ay anomang oras ay tatalon palabas sa kanyang dibdib ang kanyang puso.

"Alexis, time to go" may ngiti sa labing sabi ng bagong dating bago marahang pumasok sa pinto.

Mataman namang pinakatitigan ni Alexis ang babaeng kaharap. Ito ang kanyang Ina. Ang babaeng nagsilang sa kanya sa mundong kinabibilangan niya. Hanggang ngayon ay hindi parin nakikilala ni Alexis sa kung sino ang tunay niyang Ama, at kung ano'ng klaseng tao ito. Alam kaya nitong may anak itong isang Gher? Matanggap kaya siya ng kanyang Ama sa kung sakaling mapag-alaman nitong may anak itong naninirahan sa kung saan?

Walang magulang ang hindi magnanais na makilala ang anak nila, tama ba? Pero bakit ganoon nalang ang pagbalewala sa kanya ng sariling Ina alang-alang sa pamilya nito? Kasalanan ba ng Gher na katulad niya ang isilang na isang illegitimate child ng Mendes Family? Nais man niyang sabihin ang mga katagang ito sa babaeng kaharap ngunit 'di niya magawa.

"Ready Son?"

Akmang hahakbang palapit sa kanya si Mrs. Mendes nang biglang tila ba may naalala ito at bahagyang napahinto. Maaninag ang pag-aalinlangan sa mga mata ng kanyang Ina. Malungkot ang mga matang nakatitig sa kanya ang babae na siyang dahilan para mag-iwas ng paningin si Alexis.

"I'm so happy for you Honey"

"Thank you"

Ilang sandali rin ang lumipas. Walang may nais magsalita. Hindi malaman kung sino ang magsisimula. Sa unang pagkakataon ay nadama ni Mrs. Mendes ang mabigat na emosyon sa kanyang puso. Ang pakiramdam na para bang may malaking bagay ang nakadagan sa kanyang puso. Ang makita ang walang emosyon na mga mata ng sariling anak ay naghahatid sa kanya ng napakalamig na damdamin. Isa lang ang nasisiguro niya...

Hindi siya naging mabuting Ina kay Alexis. Hindi niya nagawang gampanan ang pagiging magulang para sa batang isinilang niya. Walang pagkakasalang nagawa si Alexis sa mundong ginagalawan niya. Hindi rin niya masisisi kung tuluyan man nitong kalimotan o burahin siya nito sa buhay niya.

"Son, I'm sorry."

Sorry?

Ito lang ang tanging masasabi. Maraming ibigsabihin ang 'sorry'
Ngunit alin man sa mga ito ay kailanman hindi magiging sapat para maging kabayaran sa mga pagkukulang niyang nagawa para sa Gher Son niya. Damang-dama ni Mrs. Mendes ang halo-halong emosyon na nagnanais kumawala sa kanyang puso. Pigil ang luhang pinakatitigan niya si Alexis. Napakaraming bagay ang nais niyang sabihin. Ngunit walang salitang nagnanais lumabas sa kanyang labi.

Pakiramdam niya ay wala siyang karapatan para sa kapatawaran ng sariling anak. Pinabayaan niyang maliitin at lait-laitin ng harapan, mismong sa kanyang mga mata ang sariling anak. Ngayong, may karapatan ba siya sa kapatawaran nito?

"Son, please... Huwag mong tularan ang Mommy" pilit ang ngiting pinakawalan ni Mrs. Mendes. Maging si Alexis ay hindi narin magawang iwasan ang mabigat na emosyon na nag-umapaw sa kanyang dibdib.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now