GHER WANG LUHAN

630 38 9
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 35.1

Sorry for the delayed update.

Edited: Nag-back read ako kaya naisip kong parang may kulang sa Chapter na'to.


         ➿✨✨✨✨✨✨✨➿
(Ito ang dahilan ng Scandal ni Andrus at ng Gher sa Wang Family)

"Young Master Andrus, we've arrived."

Bahagyang tumango si Andrus sa sinabi ni Sebastian at muling ibinaling ang atensyon sa Tatlong lalakeng kasama.

"Bakit wala ang Gher wife mo?" Nakangiting sabi ni Eduard habang nakatitig sa labas ng sasakyan.
Nakapagtataka lang na hindi isinama ng kaibigan nila ang Gher Wife na ito gayong kitang-kita nila sa kung gaano protektahan nito ang Gher.

Isang maamong ngiti ang hindi nila inasahan na makikita sa Mukha ng kaibigan bago napalitan ito ng walang emosyong expression.
"Busy ang Wife ko."

Busy ang wife nito? Or madaling sabihin na gustong-gusto lang na itago ng isang Andrus Saavedra ang Gher na nagmamay-ari ng puso nito.

"Possessive, eh?" Nang mapansin ni Andrus ang mapanudyong mga mata ng tatlo, pilit niyang pinipigilan ang matamis na emosyong nagnanais kumawala sa kaniyang puso.

Yes, kung maaari ay nais niyang maitago ang Gher sa pangangalaga niya upang masigurado ang kaligtasan nito lalo pa't Isa siyang Saavedra. Ngunit, alam rin niyang hindi ito nanaisin ni Alexis. Ayaw niyang isipin ang galit na mararamdaman nito sa kung sakaling gawin niya ang talagang ninanais ang puso niya.

Nais niyang maging pag-aari ang Gher. Gustong-gusto niyang sakopin ng buong-buo ang Gher na napakasalan niya. Kung maaari lang ay hinding-hindi niya nanaisin na makita ni mahawakan ito ng iba, pero hindi ito magugustuhan ng wife niya. Makasarili ang tulad niyang, tinagurian bilang isang Cold Blooded President, Monster, Possessive higit sa lahat ay obsessed sa lahat ng kung anong pag-aari niya.

Ngunit gaanoman ang pagnanais niyang makuha ng buo ang isang Alexis Mendes. Hindi tama ang iwaksi niya ang tunay na kaligayahan ng Gher na pinakasalan niya. At dahil dito, kinakailangan niyang kontrolin ang tunay na halimaw na nagnanais kumawala sa kaniyang puso pagdating sa Gher na napili niya.

Walang emosyon na binaliwala ni Andrus ang panunudyo ng kaibigan bago bumaling sa tahimik at seryosong kapatid ni Enzo Alfonso.

"George. Kailan pa nakabalik si Cleo Montefalco?"

Mabilis na nagkatinginan ang Tatlo dahilan para mapaarko ang kilay ni Andrus sa Tatlong kaibigan. May mapanuring ngiti naman si Eduard Montenegro na siyang rason upang mabalot ng madilim na ang aura ang mukha ni Andrus. Naiiling na napatuon ang paningin ni Enzo Alfonso sa labas ng sasakyan, habang pinagmamasdan ang mga taong papalapit sa entrance ng Floating Light Hotel. Kasalukuyan sila ngayong nasa labas ng hotel na ito para daluhan ang Isang Banquet na pinamamahalaan ng Wang Family.

George Alfonso wasn't very clear about this either. "He came a few days ago. Actually, I'm curious about it too. Why didn't this Big Young Master of the Montefalco Family who was living well in the US remain there? Ang buong akala ko ay hindi na siya magbabalik sa bansa natin dahil sa mga nangyari? Ano sa tingin niyo?"

Ang isang palaging tahimik na si George Alfonso ngayon ay kinakitaan narin ng interes sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa kaibigang si Andrus.

"Bakit nga ba?" Natatawang turan ni Enzo Alfonso bago mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan at nakangiting kumaway sa ilang kababaehang nasa paligid dahilan upang mapahagikhik ang mga ito.

"Mag-iingat ka Andrus" ani ni George Alfonso ng hindi makikitaan ng ni katiting na emosyon bago sumunod sa kapatid.

Note: May mga side story tayo ukol dito sa Tatlong guy na ito. Sa bawat kuwento nila ay isisingit natin sa story.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now