41.1

773 47 12
                                    

The Possessive Husband 41.1


               ➿➿➿➿➿➿➿

"Anong masasabi mo, Mr. Saavedra? Nagawa ko na ang Iniutos mo, maayos at pulido~" malapad ang ngiti na makikita sa mukha ng binatang kausap ni Andrus sa kabilang linya. Mababanaag rin sa boses nito ang panunudyo na siyang dahilan para mapaangat ang pang-ibabang labi ni Andrus Saavedra.

"Good."

"Anong good? Good lang? Man, may utang ka sa akin!" Malakas munang tumawa ito bago muling nagsalita.
"Isiping halos palitan ko ang mga taohan sa Luxury Store na'yon para lang mapasaya ang Gher wife mo? Hindi ako sang-ayon sa 'Good' lang. Trust me, Bro~ Good is not enough for me. I want the best!"
Mas lalong tumawa ito na siyang rason upang bumalot narin ang ngiti sa mukha ni Andrus. Maririnig na rin sa kabilang linya ang tawanan ng ilang kasama nito at tila ba ay tuwang-tuwa pa sa pinag-uusapan ng dalawa.

"Kakaiba pala talaga ang isang Andrus Saavedra kung napaibig mo na." Tumatawang sabi ni Enzo Alfonso na siyang sinang-ayonan naman ng maliit na pagtango ng kapatid nitong si George Alfonso.

"You want the best? How about marriage?" May pagbibiro namang tugon ni Andrus na siyang dahilan para mabilis na mapaangat sa kinauupuan nito ang binatang si Eduard at namilog ang mga mata nang makita ang seryosong pagtango ng kausap nito sa kaibigan niya.

"No fcking no!!! Marriage has been chasing me these past few weeks. Please lang, huwag niyo ng dagdagan pa ang sakit ng ulo ko." Malakas at naiiling na tugon ni Eduard na siyang rason para mabalot ng malakas na tawanan ang buong silid.

Ilang sandali rin ang itinagal ng pag-uusap ng apat na magkakaibigan bago maririnig sa kabilang linya ang marahang pagtawag ng Gher na si Alexis.
Makikita ngayon ang mabilis na pagbabago ng expression ng Mukha ng Cold Blooded Prince habang nakatitig sa maamong Mukha ng Gher wife nito na siyang rason upang naiiling na mapangiti ang tatlong kaibigan ni Andrus.

Saka mabilis at walang salitang pinutol ang tawag.

"Alright, thanks to myself bro~ damn, wala man lang simpleng thank you bro? 'Good' lang talaga ang ibinigay ni Andrus sa tulong ko? What a good bro indeed." May pagtatampo sa tuno ng boses ni Eduard pero makikita sa mga mata nito ang tuwa at pagbibiro.

Tama, si Eduard Montenegro, ang dahilan sa kung bakit natanggal ang mga nagtatrabaho sa luxury store na pinuntahan ni Alexis. At ang mismong luxury store rin na iyon ang siyang nagbigay kahihiyan sa Gher wife ni Andrus Saavedra. At bilang parusa sa mga kahihiyan na nakuha ng wife ng isang Saavedra, mabilis na kumilos ang husband nito para maibangon ang katayoan nito. Paano ginawa ito ni Andrus? Siyempre, kinakailangan niyang hanapin ang siyang taong puno't-dulo. Kung sino ang boss, siya ang puno at dulo ng pangyayaring ito. Sa isiping ito ay hindi malaman ni Eduard Montenegro kung matatawa ba o maiiyak siya sa mga nangyari. Isa sa mga pag-aari ng Montenegro ang luxury store na iyon kung kaya ay kinakailangan niyang pawiin ang galit ng kaibigan niya.

"So, ano itong usapan tungkol sa kasal?" May pagtatakang tanong ni Enzo sabay angat ng inomin na hawak nito. Sinong mag-aakala na ang isang playboy nilang kaibigan ay mababanggit ang salitang 'kasal'?

"Should I just get married?" Eduard pondered over it before shaking his head." Pinipilit na ako ni Mama na magpakasal. Marriage has been chasing me these past few days. So, George, should I just get married?"

"You're asking me?"
George questioned. Nababatid nila na maraming babae ang nahuhumaling sa kaibigan nilang ito, pero wala silang narinig o nabalitaan na nagnais na makasal sa playboy na lalakeng kaibigan.

Malapad naman ang ngiting niyakap ni Enzo ang kapatid bago nakangising bumaling sa kaibigan.
"You are asking the wrong person dude. Just like you, George is slumped with that problem."

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now