49.1

349 33 5
                                    

Please be gentle in the comment sections because words are stronger than actions.
Hope maunawaan niyo ang ibigsabihin ko. Thank you.



KABANATA 49

Nagpatuloy sa pagsasalita ang may katabaang lalake bagay na naghatid ng nakakapangilabot na pakiramdam kay Alexis.

"Hubby..."


"Huwag kang matakot Lexie." Pag-aayo nito sa kaniya na bahagyang nagpagaan naman ng pakiramdam niya.

"Mister Andrus, lumabas ka na riyan! Bakit ka nagtatago sa sasakyan mo? Duwag ka ba?! Kung ganoon ay tignan natin kung saan aabot ang tapang mo. Ang sabi nila ay walang kahinaan ang isang tulad mo. Pero ngayong nahanap ko na ang kahinaan mo. Sisiguraduhin kong makikita mismo ng iyong mga mata sa kung paano maglalaho ang buhay ng asawa mo. Paniguradong magiging katawa-tawa 'yon!"malakas na sigaw nito na siyang dahilan para mataranta si Alexis kapagkuwan ay napansin niyang may kinuha itong Cellphone sa pantalon nito at ngumisi.

"Kuhanan natin ng video, masaya 'yon diba? Ipakita natin sa lahat sa kung paano ko patayin ang puso ng isang Andrus Saavedra." Pagkatapos na pagkatapos ng mga salitang ito ay mabilis na sumenyas ang lalakeng nagngangalang Antonio Parrasol sa mga kasamahan nito bagay na nagpaharumintado sa puso ni Alexis.


"Sebastian, maghanda ka. Pangalagaan mo si Alexis!" mariin na saad ni Andrus bago mahigpit na niyakap ang asawa at humalik sa noo.

"Masusunod Boss!"


"Hubby..."natatarantang bumaling si Alexis kay Andrus habang nanginginig ang palad na pilit na iniyakap ang Katawan dito.


"Magiging maayos ang lahat. Dito ka lang sa loob pangangalagaan ka ni Sebastian at huwag na huwag kang lalabas ng sasakyan. Nauunawaan mo ba ako Alexis? Darating na ang mga taohan nina George, kaunting tiis lang."


"Pero paano ka?"

Gaanoman ang pagpapakalmang gawin ni Andrus sa kaniya pakiramdam ni Alexis ay nababalot parin ng takot at tila napakalamig na yelo ang puso niya. Napakaraming taohan ang kasama ng matabang lalaking iyon kaya nag-aalala talaga siya sa asawa niya.



Tigagal na napatitig si Alexis sa mabilis ngunit maingat na pagtulak nito sa kaniyang katawan bago walang alinlangan at walang emosyon sa mukhang lumabas ng sasakyan.



"Lumabas karin sa wakas sa lungga mo, Saavedra." Nang bigkasin nito ang 'Saavedra' ay mababanaag sa tuno ng boses nito ang pagiging sarkastiko at pangungutya.


"Ikaw pala si Antonio Parrasol? Kung hindi ka naalala ni Sebastian marahil ay hindi kita makikilala."walang ganang sabi rin ni Andrus kapagkuwan ay ngumisi nang mapansin ang pagbabago ng expression ng mukha nito.



"Itong ugali mo ang kinamumuhian ko!"



Si Antonio Parrasol ay ang CEO ng isang sangay na kumpanya sa ilalim ni Andrus Saavedra. Siya ay hindi masyadong kaaya-aya, ngunit siya ay matapang. Nagnakaw siya ng mahahalagang kumpidensyal na file mula sa kumpanya at ibinenta ang mga ito sa kanilang mga kakumpitensya. Dahil dito, pinalayas siya sa kumpanya ni Andrus Saavedra.

"Sinong nagbigay lakas-loob sa'yo na patigilin ang sasakyan ko?"mariin at walang emosyon paring tugon ni Andrus pero kapansin-pansin na ang mabigat na aurang nag-uumapaw sa paligid na siyang nadarama narin ng may katabaang lalaki dahilan para bahagyang mapaatras ito. Bakit siya natatakot? Hindi ba't kaya nandirito siya at hinarap si Andrus upang gumanti? Kaya bakit siya matatakot?! Ito ang malakas at nag-uumigting na sigaw ng isipan ng lalaki dahilan para mabilis na nanumbalik ang determinasyon nito. Marami siyang taohan diba? Bakit siya nag-alala? Kinakailangan niyang magawa ng maayos ito ngayon hanggga't hindi pa dumarating ang mga kaibigan ni Andrus!

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now