31

754 44 5
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 31


         ➿➿➿➿➿➿➿➿➿

Alexis wakes up with a drowsy feeling. With his half-closed eyes, he yawns while stretching his body left and right. Looking around, he noticed na naroon na siya sa silid nilang mag-asawa. Doon lamang tuluyan na nagising ang kaniyang diwa. Muling nanumbalik ang ala-ala niya dahilan para mabilis na napatayo ang katawan niya sa pagkakahiga.

Grandpa Alfonso...

Tatlong sasakyan...

William Jillian at ang Isa pang babaeng hindi niya kilala.

Sa ala-alang iyon ay mabilis at nagmamadaling iniunat niya ang kamay at akmang tatayo sa pagkakahiga ng biglang.

"Uhh..." He scrunched his face due to slight discomfort. His body felt like it was being crushed and hammered with all the aches spread around his physique. Sa sandaling iyon ay muling nanumbalik ang lahat ng nangyari kahapon at ang pag-uusap nila ng Grandpa Alfonso niya. Takot ang bumalot sa puso ni Alexis. Takot para sa buhay niya, sa buhay ng mga taong mahal niya. Nang maalala niya ang katakot-takot na nangyari pakiramdam ni Alexis ay napakalaking bagay ang nagbago sa buhay niya o maaaring magbago pa.
Isang dahilan na lalong nag-umigting sa kaniyang dibdib para magtanong kung gaanong pagkakamali ang nagawa niya sa nakaraang buhay para maranasan niya ang lahat ng ito.

'My dear grandson. Ngayong pinasok mo ang maging kabiyak ng isang Saavedra. Patatagin mo ang sarili mo, ang puso mo, dahil ito lang ang magagawa mo para sa inyong dalawa. Alam kong, alam mo sa sarili mo na hindi normal ang buhay na meron ng husband mo. Your man is not an ordinary person; hinahangaan at hinahangad ng karamihan. Maraming babae o Gher ang magnanais na makamtan siya. Sa kabila ng paghanga sa kaniya ng iba, may ilan ring nagnanais ang makita ang pagbagsak niya. kung kaya't mag-iingat ka Apo. Ito ang bagay na kinatatakot para sa'yo. Hinding-hindi nanaisin ng Grandpa Alfonso ang mapahamak ka ngunit hangad ko ang kaligayahan mo. At bilang Grandpa ng paborito kong Apo, nandito lang ang Lolo para protektahan at suportahan ka. Wag ka ng mag-aalala sa nangyari kanina. Ang kinakailangan mo lang gawin ay magtiwala sa husband mo. Alam ko at nagtitiwala ako sa Taong napili mo. Ngayon ay nag-uumpisa na ang iyong buhay bilang isang Madam Saavedra.'

Tama ang Grandpa Mendes. Hindi ordinaryong tao ang lalakeng pinakasalan niya. Kung maraming humahanga sa isang Andrus Saavedra. Marami rin ang nagnanais ang mapabagsak ito. Sa isipan ni Alexis, ay nakaaawa ang buhay ng husband niya. Ngayon ay tunay niyang napagtanto kung bakit gan'un na lamang ang kawalang emosyon sa mukha ng lalakeng pinakasalan niya. Sa isiping ito, isang desisyon ang bumuo sa isipan ni Alexis Mendes. Kailangan siya ng husband niya at dahil natutunan na niyang mahalin ang lalake, yes, mahal na niya si Andrus Saavedra. At dahil dito, kinakailangan niyang magiging matatag at maging karapat-dapat na wife ng isang Andrus Saavedra.

William Jillian.

Ang maalala ang magandang mukha ng sikat na actress na ito, dahan-dahang namuo sa puso ni Alexis ang mabigat na tension na unti-unting bumalot sa Kaniyang puso. Tunay ngang nakatatakot magalit ang isang babae. Hindi niya maunawaan kung bakit ganun na lamang ang galit nito para isipin ang saktan siya at ang mga mahal niya.
Napag-alaman nalang niya mula kay Butler Wu na nasa kulungan na ang dalaga. Ngunit isang katanungan ang mabilis na nag-uumapaw sa utak niya. Ilang Jillian pa kaya ang darating sa buhay nila ng husband niya?
Mataman na pinagmasdan ni Alexis ang paligid at doon napagtanto niya na wala ang husband niya sa tabi niya.

Alexis goes down after finishing his wandering in the room. It's still early in the morning. Naratnan niya ang matandang taga-luto na abala sa pagluluto sa kusina. Doon lamang napagtanto ni Alexis Sa ilang araw niyang paninirahan sa Villa ni Andrus ay hindi pa niya nakakausap ng maayos ang mga taong nagtatrabaho rito.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now