CHAPTER 16

1K 70 18
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 16

               ➿➿➿➿➿➿➿

Sa isang iglap, tulad sa isang kisap-mata ay hawak-hawak na ni Andrus ang Marriage Certificate nang may nakalulukong ngiti sa kaniyang labi.

"Young Master, may mensaheng ipinababatid si Butler Jang."

Butler Jang. Ito ang matandang Butler na pinakakatiwalaan ng Old Saavedra kung kaya nung sinabi ni Sebastian na ang Butler na ito ang nag-iwan ng mensahe, paniguradong ang matandang Saavedra ang tinutukoy nito.

"Good. Magtungo tayo sa Mansion ng Old Grandpa."

Eh? Hindi mapigilan ni Alexis ang mapanganga sa mabilis na pangyayari. Ikinasal sila ni Andrus na wala man lang may nakababatid maliban kay Sebastian? At ngayon ay magtutungo sila sa Lolo nito. Ano nalang kaya ang iisipin nito sa kabaliwan na ginawa ng sariling Apo?

"Wait-- hindi ba tayo babalik sa Mendes Family?"

"Ayaw mo bang makilala ang gramps ko?"pagtatanong ni Andrus na may ngiting pilit na itinatago.

Sa pagtatanong na ito ni Andrus ay hindi mapigilan ni Alexis ang kabang nagsimulang sumibol sa kaniyang puso. Sinong hindi kakabahan? Sa lahat ng movie na napanood niya, karamihan doon ay ang mga Grandpa at Grandma ang minsan ay mahirap pakisamahan at kuhanin ang loob diba? Kaya nag-aalala talaga siya!

"Kalma lang wifey, ugaling si Jollibee ang Gramps ko. Sinisigurado ko sa'yo na magugustuhan ninyo ang isa't-isa.

Kalma mo mukha mo! Naiihi na nga siya sa parents palang paano pa kaya kung Old Master na ng Saavedra Family? At inihalintulad pa talaga ng Apo nito ang sariling Lolo kay Jollibee?

"Sebastian, tara na."

"Masusunod Young Master."

Habang papalapit nang papalapit sila sa Mansion ng matandang Saavedra ay naghuhurumintado na sa kaba ang dibdib ni Alexis. Wala kasi ang Old Saavedra nung unang nagtungo siya sa Mansion ng pamilya nito. Tanging ang mga magulang ni Andrus ang naroroon at ang ibang pamilya nito.

Matagal na naglayag ang isipan ni Alexis. Nanumbalik lamang ito ng muling magsalita si Sebastian.

"Nandirito na tayo Sir."

Habang nababalot ng matinding katahimikan ang paligid. Isang masaya at magalang na tinig ng Butler Jang ang umagaw sa kanilang atensyon.

"Patawad sa abala  Young Master Andrus at kamusta Young Madam Alexis. Ako nga pala ang Butler ng Old Saavedra. At ngayong nandirito na kayo, nais  makausap ng Old Master ang Male wife ng Apo nito. "

Old Saavedra?

Ibigsabihin talaga ay ang Grandpa Saavedra?

Namilog ang mga matang napabaling si Alexis sa lalakeng katabi niya. Sobrang bilis na ng pagtibok ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay  nagsimulang dumaloy ang kanyang dugo bago napuno sa kanyang mukha.

Gusto siyang makausap ng Grandpa ni Andrus? Gawd, isipin palang ay parang kumakaripas na sa pagtakbo ang puso niya.

"Alexis, breathe... magugustuhan ka ng Grandpa."

"Paano kung hindi?" Nag-aalalang tugon ni Alexis. Nagsusumigaw na talaga sa kaba ang kanyang dibdib. Pakialaman niya'y anomang oras ay maaring tumalon papalabas ang puso niya mula sa kanyang dibdib.

"Kung hindi?  E, Mabubuntis kita."

What the...?

Kinakabahan na nga siya tapos ganito pa at mang-aasar pa ang baliw na Saavedra? Naiiling na napasinghap si Alexis ng malalim kapagkuwan ay pinakatitigan ng matalim na tingin ang husband nya. Yes husband niya na si Andrus diba?

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now