11.1

1.4K 67 10
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 11.1

CONTINUATION:

"Ms.Tu, marunong kang lumangoy tama?"

Nang marinig ng kambal ang sinabi ng babaeng katabi nito ay mabilis na napabaling ang magkapatid sa babaeng may pangalan na Tu.

Nang narinig ni Stephanie ang sinabi ng babae ay dali-daling nilapitan nito ang kausap nitong isa pang babae na nagngangalang Tu at nagsabing, "Young lady, marunong kang lumangoy tama ba? Nalulunod ang pamangkin ko, pakiusap iligtas mo siya!"
Garalgal ang tinig ni Stephanie dahil sa kabang bumabalot sa dibdib niya. Pakiramdam ni Thanya at Stefanie ay maubusan sila ng hininga sa magkahalong emosyon na nag-umapaw sa kanilang puso.

"Tulungan mo kami! Wait—familiar ka sa akin. Ikaw ang kaisa-isang anak na babae ng pamilyang Tontawan, tama diba? Please... Sister, please, tulungan mo ang pamangkin ko. "

Ang lahat ng naroroon ay gustong-gusto tulungan at iligtas ang maliit na bata pero ni isa sa kanila ang walang may nakababatid kung paano lumangoy. May ilan ang takot ang nadarama dahil sa malakas na agos ng tubig.

Sa harapan ng dalawang babae kitang-kita sa mukha ni Tu Tontawan ang pag-aalinlangan.  Nakikilala siya ng dalawang babaeng kaharap niya pero hindi niya kilala ang mga ito. Pamangkin? Eh, ano ngayon kung pamangkin nila 'diba? Ano'ng connect n'un para ibuwis niya ang buhay para sa iba?

Ngunit lingid sa kaalaman ng dalaga. Ang batang nalulunod ay ang kaisa-isang nakababatang kapatid ng isang Andrus Saavedra. Kung alam lang niya kung sino ang batang ito.

Habang pinagmasdan ang tubig na dumadaloy sa ilalim ng tulay. Nalalaman ng dalaga na hindi malinis ito. Nang makita niya ang mga putik ba nakahalo sa tubig ay nagsimula siyang makadama ng pandidiri dahilan upang hindi niya mapigilan ang  mapakunot ang noo. Sobrang dumi ng tubig idagdag mo na ang malakas na agos nito. There was no way na magbubuwis siya ng buhay alang-alang sa batang hindi niya kaano-ano o kilala!

Ngunit nang makita niya ang munting pag-asa sa mga mata ng ilang naroroon, hindi niya magawang humindi sa mga ito. Lalong-lalo na sa dalawang babaeng kaharap niya.

"Please! Tulungan mo ang pamangkin ko!"

                 ~**********~

"Nako po' jusko! Nagkukulay asul na ang mukha ng bata! Natatakot akong baka wala ng pag-asa pang mailigtas ito!"

"Sobrang kaawa-awa naman. Mukhang nasa 3 hanggang 4 na taong gulang lamang ang munting anghel na ito."

"May tumawag na ba ng Pulis?"

"Nandirito na ba ang Ambulansya?"

"Oh gawd! Magsitigil nga kayo!
Puwedi bang tumulong na lang kayo?! "

Malalakas na sigawan ang maririnig sa paligid.

Dahil sa malakas na sigawan at pagkataranta ng mga tao. Nabalot na ng pamumutla ang mukha ng dalawang babae bago nanginginig ang katawan na hinarap ang dalaga.

"Hindi man ako maaring tumalon pero may kilala akong puweding makatulong sa bata."

"Kung gan'un nasaan? "

Nanginginig ang katawan na napatuon Si Stephanie sa malakas na daloy ng tubig. Kitang-kita niya ang pag-ahon at pagbaba ng katawan nito na siyang dahilan para mabalot ng takot ang puso niya. Kasalanan niya ang lahat ng 'to. Kung hindi lang sana siya lumingon pansamantala sa kung saan, 'di sana nangyari ang lahat ng ito.

Habang tumatakbo ang oras, pakiramdam nila ay bumabagal ang kanilang paghinga. Tila ba habang tumatakbo ang oras ay lalong bumabagal ito.

Lalong nag-umigting ang bilis ng agos ng tubig. Ang batang kanina pa ay may kaunting lakas habang nakikipagbaka sa tubig ngayon ay makikitaan narin ng panghihina ng katawan. Ang ibang naroroon ay nagsimula nang tumawag ng Pulis, may ibang kaniya-kaniyang hanap ng mga bagay na lumulutang at umaasang maaaring makatulong.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now