18

949 68 7
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 18

A/N: NAWALA ANG ILAW!
(BLACKOUT!)

UPDATE EVERY FRIDAY. KUNG MINSAN AY MA-LATE NG UPDATE KAPAG BUSY SA WORK. THANK YOU SO MUCH. PLEASE ENJOY THE CHAPTER.

(Here it is the Wedding😀)

The Wedding 2

              ***Vincent****

"Ang sakit ng kahihiyan na binigay sa akin ng Half brother ko. Vincent, pinahiya niya ako sa harapan ng lahat. Napahiya ang wife mo sa harapan mismo ng buong Mendes family! "

Palihim na naikuyom ni Vincent ang kanyang kamao bago matamang pinagmasdan ang mukha ng asawa.

Isang Linggo nalang ay araw na ng kasal ni Alexis. Ang Gher na minsan niya rin minahal at inaalagaan. Isipin palang niya na  ikakasal na ang male conceiver na minsan rin ay nag-alay ng pagmamahal sa kanya. Hindi  mapigilan ni Vincent ang maguluhan sa nadarama ng puso niya, para bang may kung anong bahagi rito ang unti-unting nadudurog sa hindi malamang dahilan. Hindi ba't wala na siyang pagmamahal sa male conceiver? Kung gayon ay bakit siya nakadarama ng pait at sakit sa kaniyang dibdib?

Nais niyang makausap si Alexis kahit sa huling pagkakataon. Ang makita at makausap lamang ito  kahit sa maliit na sandali ay sapat na para maibsan ang mabigat na damdaming nag-umapaw sa kanyang dibdib.

"Naririnig mo ba ako? Wala ka man lang ginawa? Sinaktan nila ang damdamin ko Vince! Gusto ko lang naman na mapabuti ang kapatid ko. Masama bang pagsabihan siya? Kapatid niya ako diba?! Ayaw kong makitang pagtawanan siya ng lahat. Isang lalaki na magsusuot ng jewelry na ginagamit ng mga babae? Marami namang maaring ibigay sa kanya si Andrus. Bakit earrings at necklaces pa? Hindi ba't katawa-tawa iyon? Puwedi namang Bahay at lupa. How about business proposal? Malaking tulong narin iyon sa Mendes family, diba? Bilang pag-aalala nalang sana sa pangangalaga na ibinigay namin sa illegitimate child ni Mom. Hindi ba't nararapat lang na bayaran kami ng Fiance niya?"

Walang imik na masusing pinagmamasdan ni Vincent ang maganda at maamong ng wife niya. Nababahiran ng lungkot  ang maamong mukha nito at kung ibang lalaki ang makakakita rito ay marahil na nasungkit na ng wife niya ang awa sa puso ng taong ito. Dahil dito ay mababanaag sa mga mata  ni Vincent ang komplikadong mga emosyon. Bakit nga ba hindi niya nakita noon kung anong klaseng uri ng babae ang babaeng pinakasalan niya? Tama ang fiance ni Alexis. Isang bulag lang iibig sa babaeng katulad ni Krystal. At ang katotohanan na ipinagpalit niya ang ginto sa isang tanso.

Ganito talaga minsan diba? May mga pangyayaring tulad nito sa isang relationship. Ang biglang magbabago o maglalaho ang pagtingin mo sa taong iyon kung mapagtanto mo na ang malaking kaibahan ninyo. Kadalasan din sa sitwasyon na ito ay sinasabi mo o ng taong iyon na hindi na niya kilala ang taong sinisinta. Bakit? Dahil hindi niya matanggap sa kanyang sarili na ang taong nasa harapan nya ngayon ay hindi ang taong inaasahan, inaakala at ini-imagine niya. At iyan ang masasabing hindi tunay na pag-ibig. Dahil kung nagmahal ka, magagawa mong tanggapin sa puso mo ang kung Ano at Sino ba talaga ang partner mo. Ito ngayon ang nararamdaman ni Vincent kay Krystal. Minahal niya ang panlabas na kaanyuan ni Krystal at ang pagbabalat kayo nito. Pero dahil sa isang pagkakamali at paglabas ng tunay at kung Sino ba talaga ito  ay mabilis rin na naglaho ang pagmamahal ni Vincent rito, kahalintulad sa isang bula.

At ngayon nga ay nababalot ng pagsisisi ang puso niya.
Pero huli na ang lahat para sa pagsisisi. Tuluyang nawala na sa kanyang bisig ang Ger na dati-rating pag-aari niya.

"Magpahinga ka na muna may kinakailangan lang akong ayosin."
Mabilis na turan niya sa babae nang hindi inantay ang maaring sagot nito.

"Vincent? Iiwanan mo lang ba talaga akong ganito? Asawa kita! Sinaktan nila ang damdamin ko! Pababayaan mo nalang ba talaga ako?"

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now