SPECIAL CHAPTER

679 38 14
                                    

VINCENT'S POV
(SPECIAL CHAPTER)

Habang pinagmasdan kong papalayo ang sasakyan ng male conceiver na minsan rin ay naging pag-aari ko. Hindi ko magawang pigilan ang muling manumbalik sa nakaraan. Ang aming masasayang ala-ala na walang alinlangan kong kinalimotan at iniwan.



FLASHBACKS:

"Anong nangyari! Vincent natalo ka?" Maluha-luhang sabi ng cute na anghel sa harapan ko. Hindi ko magawang pigilan ang matawa sa cute na mukha nito habang paulit-paulit na dinuduro rin nito ang listahan sa kung sino ang panalo sa palarong Mr. Romantiko.

Yes. Mr. Romantiko kung ito ay tawagin. Kakaiba at nakatatawa pero ito talaga ang tawag sa patimpalak na ito. According to the rules, pipiliin o iboboto ng sinomang estudyante ang ninanais ng puso nito o ang tinuturing nitong pinakapoging mag-aaral sa buong school. Bale, magbibigay ng kada dalawang manlalahok ang bawat faculty at pagbobohan ito ng mga estudyante. At isa ako sa mga kalahok sa palarong ito. Ngunit, taliwas sa inaakala ni Alexis na pagkapanalo ko ay ang pagkatalo.

Pagkatapos nang dalawang oras na pagbibilang ay doon nga lumabas ang resulta ng aking pagkatalo. Hindi ko rin malaman kung matatawa ba ako o maiiyak sa kaisa-isang boto na natanggap ko at nababatid kong kay Alexis ang boto na ito.

"Bakit ka natalo? Bulag ba ang mga estudyante rito? Bakit nag-iisang boto lang ang natanggap mo?! Ang unfair naman e---" maluha-luhang sabi nito na siyang naghatid ng malapad na ngiti sa aking labi. Mahal na mahal ko talaga ang male conceiver na ito kahit sa kabila ng malaking pagtutol ng pamilya ko sa katayoan at kasarian nitong taglay.

"Bakit Alexis gusto mo ba talaga akong manalo?" May paglalambing kong sabi sa kaniya sabay yakap sa balikat nito bago humalik sa kaniyang noo.

"Oo naman! Siyempre deserve mo rin ang title na Mr. Romantiko. Aba't ang guwapo kaya ng boyfriend ko."nakangiti na nito ngayong tugon bago malambing na sinuklian ang yakap ko.

"Well, masaya akong marinig mula sa iyo ang sabihin mong guwapo ako. Pero naisip mo ba na kapag nanalo ako ay may tsansa na makasama ako ng isang araw ng sinoman na magnanais na maka-date ako? Akong boyfriend at fiance mo ay makikipagdate ng isang araw sa ibang babae o male conceiver, gusto mo ba'yon?"

Sa tinuran kong ito ay kitang-kita ko ang mabilis na pamimilog ng mga mata ni Alexis bago tuluyang marahas na mapailing.

"No. No no no. Ayoko! Bakit ka pa kasi lumahok?" Nakabusangot na tanong nito sa cute na paraan.

"Siyempre dahil wala akong choice. Kitang-kita ko ang saya mo nang marinig mo ang patimpalak na ito kaya napaisip akong lumahok. Ngunit huwag kang mag-alala. Alam naman ng lahat na taken na itong fiance mo kaya... hindi na nila ako binuto."
Sabi ko sa pagbibirong tuno.

"Ibig mong sabihin ay tanging ako lang ang bumuto sa'yo?"

"Mismo!"

"Vincent naman e!".

"You... Pfttt..."
Halos tumalon sa tuwa ang puso nang makita ang sa ngayon ay namumulang mukha nito.

"Stop it! Hindi ka dapat tumawa!"

"Sorry... Haha...sorry babe...."Sinubukan kong tumigil sa pagtawa pero dahil sa cute nitong mukha ay hindi ko mapigilan ang tunay na matuwa at mabalot ng tuwa.



Oh gawd... Mahal na mahal ko ang cute na nilalang na ito.

"Tsk. Baliw talaga."

"Ang baliw minahal mo naman diba Alexis?." Sa mga salitang ito ay muling nabalot ng pamumula ang pisnge nito na siyang nagpainit sa aking puso. Bago nag-iwas ng paningin.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now