Consequences 42.1

679 56 17
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND.

Sa loob ng isang kilalang Hospital. Maputla ang mukhang hinarap ni Krystal ang Doctor at dalawang nurse na babae na nag-asikaso sa kaniya bago ngumiti ng makahulugang ngiti.

"Nagawa na ho' namin, Young Madam."

"Good. Siguraduhin mo lang na hindi makakawala sa pangyayaring ito ang kapatid ko."

May takot man sa mga puso ng mga ito. Sinong mag-aakala na ang Gher wife pala ng Saavedra Corporation ang pinunterya nila. Ngayon palang ay naghuhurumintado na sa takot at kaba ang kanilang mga puso. Ngunit, wala na silang magagawa pa. Ang buong akala ng mga nautosan ni Krystal ay walang sapat na backer ang Gher na tinutukoy ng magandang babaeng nasa harapan nila, pero hindi ng mga ito aakalain na kabiyak pala ito ng isang nakakatakot na Big Boss!

Bakit ba kasi nagpasilaw sila sa Pera?

Nanginginig man sa takot. Walang ibang nagawa ang tatlo kundi ang tumango.

"Malinis po' ang pagkagawa namin. Wala kang dapat na ikabahala."

"Good."

Ngayon ay kaunting pag-arte na lang ang gagawin niya sa harapan ng lahat at sa social media. Makakamtan narin niya ang pagkasira ng buhay ng half-brother niyang si Alexis.

Thinking about this, Krystal's heart lightened, and with a swift and fierce expression in her eyes, she smiled and said, "Alexis, I absolutely want you to live in utter misery!"

~~~~~~~~~~
Andrus Saavedra

"S-sir, masamang balita ulit." Nababanaag ko ang pag-aalinlangan sa tinig ni Sebastian dahilan upang mabilis na napaangat ang kilay ko sa Kaniyang direksyon. Unti-unti na talagang nawawala ang pasensiya ko sa mga taong paulit-ulit na ginugulo ang buhay namin ng Gher wife ko. Sa pagkakataong ito, pakiramdam ko ay ninanais ng kung sinoman ang Ako ay galitin ng husto. Iniisip na ba ng mga ito na ganoon na ako katanga at kawalang kuwentang tao para basta-basta nalang Isipin na saktan at makialam sa buhay ng Gher na pinakasalan ko? Or iniisip ng mga taong ito na masiyadong mahaba ang pasensiya ko kung kaya ay sinusubukan ng mga ito na putulin ito?

"Sir, Mabilis na kumakalat ngayon ang isang video kung saan malakas na itinulak ng Young Madam ang buntis na half-sister nito. At-- at sa nakikita ko ay na kay Krystal Mendes ang panig ng mga tao sa ngayon. Magkakasunod rin ang magkakaibang paratang sa Young Madam Alexis sanhi upang masira ang pangalan nito."

"Ah, talaga?"

Sa mga narinig kong ito ay mabilis na sumilay sa aking labi ang hindi ko napapansin na nakatatakot na ngiti. Kung ganoon ito pala ang ninanais ng babaeng iyon? Ang masira ang pangalang taglay ng wife kong si Alexis? Pumasok ba sa maliit na utak ng babaeng iyon kung sino talaga ang tunay na kinakalaban nito? Kung noon ay sampal lang ang naibigay ko, ngayon ay sisiguraduhin kong walang sinoman ang makapipigil sa mga gagawin ko.

Mabilis na iniharap sa akin ni Sebastian ang iba't-ibang komento ukol sa pangyayari na siyang naghatid naman sa akin ng napakabigat na pakiramdam.

Mukhang sinusubukan ng babaeng ito ang pasensiya ko.

Mga Komento:

Laysb*tch:
Fck! Tawang-tawa talaga ako sa Gher na'to. Isipin mong itulak ba naman ang isang babaeng buntis ng wala man lang takot sa mukha! Believe talaga ako sa apog mo Tul!

CrazyLion: What the heck is this? Isang illegitimate child ang may ganang manakit ng isang buntis?! Hanep ah? Buntis iyon! Hindi ka man lang ba naawa sa batang nasa sinapupunan ng babae?! 

Koifish: To the commenter above: Tama napakawalang puso ng Gher na gumawa nito! Dapat sa mga nilalang na'yan ay itapon sa kulongan!

Rubycc: Ano pa nga ba ang aasahan niyo sa mga katakot-takot na nilalang na tulad nila? Kung magagawa nitong manakit ng buntis, maaring higit pa sa pananakit ang makakaya nitong gawin!

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now