THE CONFRONTATION

729 51 29
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND

Sorry, sa mga mali.

➿➿➿➿➿➿➿➿

ALEXIS

Kitang-kita ng mga mata ko ang galit sa mga mata ng stepdad ko. Hindi ko alam kung ba't ganoon nalang ang galit nito kay Andrus, pero naniniwala akong walang karapatan ang taong ito para panghimasokan ang buhay namin ng asawa ko.
Sa gilid ng mga mata ay kitang-kita ko sa kung paano naiiling na naglakad paalis ang husband ni Krystal nang nakayuko.

Ayaw siguro nitong masangkot sa gulo ng Mendes family. Pero hindi ba't asawa na siya ni Krystal? Bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sa kinikilos ng lalakeng ito?

"Ano? Tatayo ka lang ba riyan? Hindi ka ba sasagot man lang? Wala ka ba talagang alam?! Heto, panoorin mo ang balitang kumakalat ngayon sa magaling mong asawa!" 

Gigil na Gigil. Nanginginig sa galit ang mukha ni Mr. Mendes na siyang dahilan upang makadama narin ako ng galit sa puso ko.

Mabilis niyang pinulot ang remote control na nasa mesa bago nagbabaga ang mga matang pinakatitigan ako at nagbukas ng TV.

"Nakikita mo ba? Kitang-kita mo ba ang balitang kumakalat ngayon tungkol sa asawa mo?!"

Tigagal na napatitig ako sa babaeng nagsasalita.

'... In regards to Mr. Wang Quan's earlier press conference, his godson, Wang Luhan, heiress of Shen Ling Corporation, also, twenty minutes ago, updated his social media to publicly confirm the news of his relationship with Mr. Andrus Saavedra, the President of the ALLAC Corporation. '

Patuloy ang pagsasalita ng babae na siyang dahilan para mabalot ng naiibang galit ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong maliit na bahagi sa aking dibdib ang nagsasabing magtiwala sa husband ko. Na walang gagawin na ikasasakit sa puso ko ang lalakeng napili kong pakasalan. Na alam kong sa lahat-lahat ng nagawa nito alang-alang sa akin ay tunay ang pagmamahal ni Andrus Saavedra sa isang Gher na tulad ko ngunit, gaanoman ang pagnanais kong patatagin ang puso ko. Habang tumatagal ang balitang naririnig ko, pakiramdam ko ay parang nanumbalik ako sa araw ng kasal namin ni Vincent Logan.

'Ayon sa nakalap naming report. Nahagip ng isang camera kung saan magkasama ang dalawa sa isang hotel habang ang Gher na si Mr. Wang Luhan ay namataan na nakipag-usap sa kilala at hinahangaan ng lahat na walang iba kundi ang isang Andrus Saavedra ng ALLAC CORPORATION. Ayon narin sa isang source ay namataan silang pumasok sa mismong silid at mga ilang oras lang nito ay nagsimula ng kumalat ang ilan sa mga larawang ito na kumakalat ngayon sa social media. Ngayon ay hinihintay pa namin ang kasagotan sa kabilang panig ng Saavedra Family para narin sa nasabing scandal ng dalawang bigating Pamilyang ito. Ako si Ashley Salazar, mula sa NYCN news: '

The sound of the broadcast was incredibly crisp and clear. Each word was like a knife cutting na dumudurog sa kaibutuuran ng puso ko.
Sakit at kirot na hindi ko mawari kung paano mailalabas sa aking dibdib. Nag cheat ba sakin ang husband ko? Isa-isa namang itinapon sa harapan ko ni Mr. Mendes ang mga larawang kumakalat ngayon ukol sa asawa ko na siyang rason para lalong mag-umigting sa galit at pait ang puso ko.

"Dahil sa asawa mo ay isa-isang nagsiatrasan ang mga taong nilapitan ko! Alam mo ba kung gaano kalaki ang nawala sa project na hinahawakan ko?! Napakalaking kahihiyan itong ginawa mo sa Pamilyang ito. Ngayon ay usap-usapan na ang Mendes Family dahil sa kawalan mo ng kakayanan na panghawakan ang lalake mo! Ang malaking katatawanan pa ay isa ring Gher ang ipinalit sa'yo? Punyemas! Wala ka ng nagawang tama sa buhay mo!"

Sa sandaling ito, pakiramdam ko ay nagsimulang mabalot ng napakalamig na yelo ang katawan ko. Lalo namang nadagdagan ito ng makita ko ang malapad na ngiti ni Krystal at ang malungkot na mga mata ng Grandpa ko. Sinisisisi rin ba ako ng Grandpa Alfonso dahil sa Kumpanya ng Mendes Family?

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now