Alexi's POV
Yakap-yakap ko ang baywang ng husband kong si Andrus habang pilit na kinakalma ang galit sa mukha nito.
Hindi parin mapawi ang inis at pagkairita sa mukha ni Andrus pagkatapos ng pag-uusap na iyon sa harapan mismo ng hapag-kainan. Sa tinagal-tagal ng aming pagsasama nito ay unti-unti ko ng nakikita o nasisilayan ang kung anong ipinapahiwatig ng lahat-lahat ng mga emosyon na bumabalot sa mukha ng husband ko.
At sa ngayon, kitang-kita ng mga mata ko ang pagkairita nito sa mismong ginawa ng sariling pamilya o madaling sabihin ay ng Ina nito, bagay na hindi ko rin maunawaan kung bakit ito ginagawa ni Mrs. Saavedra.
Ang buong akala ko ay maayos na ang lahat. Na wala ng ni anomang hadlang sa amin at ng pamilya nito, pero dahil sa pangyayaring ngayon ay unti-unti ding nabalot ng pagtataka ang aking puso.
Hindi ba ako gusto ng Ina ng lalakeng pinakasalan ko?
Nang akmang ibubuka ko ang aking labi para pawiin ang nag-uumapaw na pagkairita sa guwapong mukha ng husband kong si Andrus, tinig ni Mr. Ambrose Saavedra ang siyang umagaw sa aming atensyon dahilan para malunok ko kung anomang bagay ang ninanais kong sabihin rito.
At sa tagpo ding iyon ay napansin ko ang mabilis na pagbabago ng emosyon sa mga mata ng husband kong si Andrus. Nabahiran ito ng hindi lang pagkairita at napalitan ng maliit na galit na hindi man lang nito ninanais itago sa sariling Ama.
"Alexis, gusto kang makausap ni Veronica."
May pag-aalala sa mga matang pinakatitigan ni Andrus ang Ama nito, kapansin-pansin rin ang mabilis na pangkunot ng noo sa pagkakabanggit palang ni Mr. Ambrose Saavedra sa pangalan ni Mrs. Saavedra.
"No, Dad..." Kunot ang noo na turan ni Andrus bago mabilis na iniharang nito ang katawan sa mga mata ng Dad nito sa akin.
Muling nagtama ang mga nagbabagang mga mata ng dalawa na animo'y walang may nais na matalo sa isa't-isa bagay na ikinabahala ko ng husto. Natatarantang bahagyang hinaplos ko ang braso ni Andrus para maibsan ang namumuong tension bago pasimpleng ngumiti at yumukod sa Ama ng husband ko at nagsabing.
"Andrus, I think---"aniya ko na hindi pinatapos ni Andrus.
"No, wife."
"Subukan mon balewalain ang iyong Ina, Andrus. Ako ang makakaharap mo."mariin at walang emosyon na turan ng ama nito.
Sa mga sandaling ito ay damang-dama ko na ang kaninang bahagyang tension sa paligid, ngayon ay tuluyang napalitan ng tila ba napakabigat at malamig na aurang mabilis nanunuot sa aking kalamanan, maging ang tahimik na si Butler Wu na ngayon ay nakatayo sa tabi ng Ama ni Andrus ay kinakitaan narin ng bahagyang pagbabago ng expression sa mukha nito. Mababanaag ang maliit na pagkabahala sa matandang mukha ng Butler habang nakatitig sa mag-amang Saavedra.
Nung mapansin kong ninanais ni Andrus ang muling magsalita sa harapan ng Ama nito ay agad ko itong mabilis na pinigilan sa pamamagitan ng marahang paghawak sa braso nito bago magbigay ng isang matamis na ngiti para pawiin ang anomang tension na nag-uumapaw sa dibdib ng husband ko. Hindi makakatulong ang maiinit na salitan ng mga salita sa kung anomang sitwasyon na kinasusuongan namin ngayon. At nasisiguro kong hindi magugustuhan ni Mr. Saavedra ang mga salitang bibitawan ngayon ng husband ko kung kaya ay kinailangan kong gawin pakalmahin muna ito upang maiwasan ang nagbabagang tension sa dalawa.
"Andrus. Gusto ako makausap ng Mom mo. At sa nakikita ko ay walang masama doon. Sige na, bitawan muna ang palad ko, pupuntahan ko na ang iyong Ina."
YOU ARE READING
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...