54

481 36 17
                                    

PAGPAPATULOY

➿➿➿➿➿➿

Alexis Mendes Saavedra

"Grandpa..."

"Lexie, apo..."

Hindi ko magawang pigilan ang maluha nang nasilayan ko ang maamong mukha ng Grandpa Alfonso, katabi nito ang Grandpa Saavedra na siyang dahilan upang higit na tumulo ang mga luha ko. Hindi pagkapaniwala ang nag-uumapaw sa utak ko. Pagkatapos ng ilang araw na tension na pinagdaanan ko. Kaharap ko ngayon ang grandpa Alfonso at ang buong pamilya ng husband kong si Andrus. Parang kailan lang ay nag-iisa akong nakikipagbaka sa mga taong walang ibang ninais kundi ang pagbagsak ko o ng pamilya ni Andrus ngayon ay kaharap ko na ngayon ang Old Saavedra kasama ng mag-asawang Veronica at Ambrosio Saavedra. Pakiramdam ko ay para bang panaginip lang ang lahat ng nangyari. Pakiramdam ko ay para bang nagising ako mula sa isang mahaba at masamang panaginip at ngayon ay nalampasan ko ang masamang panaginip na ito.

"Napaliwanag na ba sa iyo ng asawa mo ang mga nangyari?"mahinahon na pagtatanong ng Grandpa Alfonso pero mababanaag sa tinig nito ang galit habang nakatitig sa husband kong si Andrus.

"Hindi pa' Grampa. Sa ngayon , sa harapan nating lahat ay sasabihin ni Andrus ang lahat-lahat." Mahinahon ko ding tugon bago mabilis na lumapit sa kaniya at walang alinlangan na lumuhod sa harapan niya kapagkuwan ay nanginginig ang mga kamay na hinawakan ang kamay nito at may luha sa mga mata na nagsabing,
"Grampa Alfonso I'm sorry..."

Halos pumiyok ang tinig ko nang bigkasin ko ang pangalan nito bagay na ikinanguso ng labi nito sabay dampi ng kanang palad sa aking noo.

"I'm sorry? Para saan? Para sa hindi mo pagsasabi sa akin ng totoo? Para sa paglilihim mo? Ni hindi mo ako nagawang tawagan at ipaalam sa akin ang mga nangyayari sa'yo rito? Matanda na ang Lolo mo pero hindi ibigsabihin nun na kalilimotan mo na ang tulong ko."

Sa mga salitang ito ay higit na nag-uumapaw ang mga luha sa aking mata. Sa mga oras na ito ay damang-dama ko na ulit ang pagmamahal na pakiramdam ko ay para bang pansamantala kong hindi nasilayan. Ang pagmamahal ng aking Lolo Alfonso. Ang pagmamahal na siyang naging sandigan ko sa mga panahon na walang-wala at nag-iisa ako sa mundo.

"I'm sorry Gramps... I'm sorry talaga..." Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ay isang matamis na ngiti at isang malamyos na paghaplos sa aking mukha ang pumutol sa aking pagsasalita bago isang mapagmahal na tinig ng aking Lolo ang bumalot sa aking pandinig.
"Alam ko Apo. Alam na alam ng Lolo mo ang kabutihan ng puso mo at nauunawaan ko ang lahat ng ito.Ang nais lang ng matandang ito ay huwag na huwag mo akong kalilimotan sa buhay mo. Pinatatawad na kita Alexis kaya huwag ka ng umiyak pa, okay? Naiiyak narin si Lolo dahil sa mga luha mo."

Sa mga sinabi niyang ito ay walang alinlangan kong inilabas ang mga luha sa aking mga mata. Sa muling pagkakataon ay pinayagan ko ang aking sarili na maging mahina sa harapan ng lahat, sa harapan ng Lolo at ng husband kong si Andrus. Sa mga oras na iyon ay gustong-gusto ko lamang maramdaman ang proteksyonan at ang pagmamahal na maibibigay nila. Pagod na akong maging matatag, maging matapang sa mga oras na itk ay gusto ko lamang ang maging ako, si Alexis na naghahanap ng pagmamahal ng kaniyang Lolo Alfonso. Ilang sandali rin ang aking niluha ng hindi ko namamalayan bago ko madama ang marahang pagyakap sa akin ng mga braso ni Andrus at ang marahang paghaplos ng mga kamay nito sa aking noo.

"Ngayon na nakapag-usap na ang mag Lolo. Oras na para pag-usapan natin ang malaking problema na kinasusuongan natin ngayon." Mariin at walang emosyon na saad ng matandang Saavedra na siyang dahilan upang maramdaman ko ang bahagyang panginginig ng katawan ni Andrus at ang pagpapakawala nito ng malalim na hininga.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now