CHAPTER 9

1.7K 89 38
                                    


THE POSSESSIVE HUSBAND

➿➿➿➿➿➿➿➿➿

Ilang araw rin ang dumaan magmula nang magtungo sa kanila ang Butler ni Andrus Saavedra. Ngunit pagkatapos nang araw na'yon ay wala ng nabalitaan si Alexis pa tungkol sa binata o sa tinutukoy na Fiance niya na nagngangalang Andrus Saavedra. Pagkatapos na pagkatapos lang ni Butler Wu mag-iwan ng mga bagay na hindi niya kailangan o ni hindi niya hinihingi, hindi na rin nagparamdam sana kanya ang naturingan na sariling Fiance. Sa una ay malaki ang takot ng Pamilya niya sa maaring mangyari, naging maingat na rin ang pakikitungo sa kanya ng ilang tauhan ng Mendes family. Maging ang mag- asawang Mendes ay kinakitaan na rin niya ng takot at pagkabalisa. Sinong hindi 'diba? Sa tinatanggal tagal nilang pang-aapi sa Gher na'to ay malalaman lang nilang fiance na pala ito ng isang Andrus Saavedra?

The heck! Halos tumalon ang kanilang kaluluwa sa pagkagulat.
Ngunit ilang araw ay tila mabilis na nakalimot ang ilan sa mga ito. Nang mapagtanto ng Pamilyang Mendes ang kawalang atensyon ni Andrus Saavedra sa Gher na si Alexis. Tila ba nanumbalik ang lakas ng loob ng mga ito para maipakita sa male conceiver ang kawalang pag-asa nito sa kanilang pamilya.

'Fiance ha? Kung Fiance ka talaga, nasaan na ang Andrus mo? Tss... Marahil ay nagbago na ang isip nito.'
Ito lamang ang ilan sa mga bumabalot sa isipan ng mga taong ito, lalong-lalo na si Krystal Mendes.

Marahil ay tuluyan ngang nagbago ang isipan ng isang Cold Blooded President. Kung si Vincent Logan nga iniwanan ang walang halagang male conceiver. Ang isang Andrus Saavedra pa ba magtitiyaga sa tulad niya?

Siyempre, Ito ay isang malaking kabaliwan!

Keep dreaming b*tch!

✨✨✨✨✨✨✨✨

Mabilis na lumipas ang araw. Dumating narin ang araw ng kaarawan ng matandang Mendes na siyang inaabangan ng buong Mendes.

Masayang ipinagdiriwang ang kaarawan ni Alfonso Mendes. Ang Lolo nina Krystal at Alexis. Sa kabila ng katotohanan sa katayuan ni Alexis sa Mendes family, mabuting tao at Grandpa parin sa kanya ang matandang Mendes. Hindi naging bias ang matandang lalaki sa nangyayari. Matatag nitong hinawakan ang titulo ng pagiging parte ng Pamilya ni Alexis, labag man ito sa kalooban ng ilan.

'Apo ko siya. Isa siyang Mendes para sa akin sumang-ayon man kayo o hindi!' Ito ang mga salitang mariing binitawan ng matandang Mendes sanhi upang tuluyang mabalot ng inggit at poot ang puso ni Krystal at ng Ama nitong si Robert Mendes. Ayon kay Robert Mendes, siya ang anak ngunit mas nanaig sa puso ng matandang Mendes ang pagmamahal sa bastardong anak ng kaniyang kabiyak na si Adelaide bagay na hindi nito maunawaan sa desisyon na napili ng sariling Ama.

At dahil dito ay malaki ang tiwala at respeto ni Alexis sa Matandang Mendes.

"Alexis, Apo. Ang dinig ko ay darating ngayon ang fiance ng mo. Tama ba ako?" pagtatanong ng matandang Mendes ng lumapit ito sa kinatatayoan ni Alexis.

Hindi mapigilan na mapaangat ang kilay ni Alexis sa tinuran matandang Mendes. Sa pagkakaalala niya ay wala siyang nabanggit sa sinoman na darating si Andrus Saavedra sa kaarawan ng matandang Mendes. Kung kaya ay nababalot ng pagtatakang napapatitig siya sa kaniyang Grandpa Alfonso. Seryoso rin ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya at tila ba inaantabayanan ang kasagotan niya sanhi upang mabilis na mag-umapaw sa puso ni Alexis ang kaba.

Ang tanong ay Sino ang nagsabi sa matandang Mendes patungkol kay Andrus? Katahimikan ang ilang sandaling namayani sa kanila dahilan upang makaramdam si Alexis ng pag-aalinlangan sa maaring maging tugon niya. Sa sandali ring iyon ay mabilis na lumapit si Krystal sa kanilang kinaroroonan kasama ng mga kaibigan nito at ang dalawang babae na nagngangalang Annmarie at Cindy.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now