51

422 39 13
                                    


Note:  Ang lahat ng ito ay bahagi lamang ng emahinasyon ng author na ito.  At wala rin po akong gaanong nalalaman sa business kaya pagpasensiyahan na ninyo ako.

ANG PAGPAPATULOY

                  🏵️Alexis🏵️

Mataman kung pinagmamasdan ang Grandpa Saavedra. Hanggang ngayon ay hindi parin nagigising ang Lolo bagay na labis-labis na ikinababahala ko. Sa tabi nito ay ang Mama Veronica na walang imik habang nakatingin sa matandang Saavedra. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Na Kung tama ba ang mga hakbang na pinasok ko. Sa tuwing naiisip ko ang mga taong nag-aabang sa akin sa Saavedra Corp. hindi ko mapigilan mapanghinaan ng katawan. Pakiramdam ko ay napalilibutan ako ng mga tegre at lion na anomang oras ay maaaring manakmal sa akin.
Ganito pala ang buhay na parating pinagdaraanan ng asawa kong si Andrus.

"Alexis." Napukaw ang atensyon ko nang marinig kong magsalita si Mama Veronica. Magmula nung nabalitaan namin ang tungkol sa asawa at anak nito ay nanahimik na ang Ina ni Andrus. Hindi ko nakitaan ito ng ni katiting na pagbabago ng emosyon sa kaniyang mukha ngunit damang-dama ko sa kaniya ang nag-uumigting na mabigat na aura na tila ba ay bumabalot sa katawan nito. Bilang Madam, ngayon ko lang napatutunayan na hindi ganoon kadali ang maging Ina ni Andrus at asawa ng isang Saavedra.

"Ma."

"Lumapit ka at maupo sa tabi ko, anak ko."

Anak ko. Sa pagtawag na ito, pakiramdam ko ay may kung anong mainit na emosyon ang dumapo sa puso ko. Damang-dama ko ang init nito na naghahatid ng saya sa malamig kong puso. Ngayon ko lamang naramdaman ang tila pagtanggap at pagkilala ng isang Ina. At sa Ina pa ni Andrus nagmula ito

Kaagad ko rin namang sinunod ang turan nito. Naupo sa tabi nito kapagkuwan ay suminghap nang malalim sa upang mapigilan ang kabang nagnanais kumawala sa aking dibdib.

"Nalalaman kong hindi madali ang nangyayari sa atin ngayon. Pero Alexis, kailangan ko ng tulong mo. Ngayon ang tamang panahon para mapatunayan mo sa lahat na Ikaw at Ikaw lang ang nararapat sa posisyon na iyan; bilang asawa ni Andrus. Nawa ay mapanghawakan mo itong mabuti."

Sa isiping ito ay hindi ko magawang pigilan ang mapatitig sa kaniya ng direkta. Gustong-gusto kong sabihin sa kaniya na wala akong pakialam sa posisyon na tinutukoy nito. Ano'ng halaga ng pagiging Young Madam ng Saavedra kung nawawala naman ang aking asawa? Habang nakikipagbaka ang utak ko sa puso ko. Muling nagpatuloy si Mrs. Saavedra na animo'y walang napapansin sa malaking tension na hatid ng mga sinabi nito.

"Protektahan mo ang posisyon ng anak at asawa ko. Ngayong naririto si  Dad sa hospital na ito, wala akong magagawa kundi ang maibigay ang buong pagtitiwala ko sa iyo. Ngunit huwag kang mabahala. Nasa likoran mo ang tulong at suporta ng Smith Family. Tutulungan ka ng kapatid ko sa laban na ito. Ituloy mo ang laban at pakatatagin mo ang loob mo. Gawin mo ito hanggang sa pagbabalik ng mag-ama ko."

Sa mga salitang ito. Ang kaninang nanghihinang loob ay nagkaroon ng lakas. Tama ang Ina ni Andrus. Kinakailangan kong manalig at magtiwala na buhay at magbabalik si Andrus gaya ng pangako nito. Ang sabi nito ay magbabalik siya. Kung kaya ay... maghihintay ako.

"Yes Ma."

Isang matamis na ngiti ang Sumilay sa labi nito saka marahang idinampi ang palad sa aking pisnge at nagsabing,
"Ihanda mo ang iyong sarili. Nasisiguro kong magsisimula nng kumilos ang mga taong ninanais ang pagbagsak mo. Gawin mo ang lahat ng masusing pag-iingat. Tutulungan ka ni Warren sa lahat. May tiwala ang si Andrus ko sa'yo kung kaya ay magtitiwala rin ako."

Pikit ang mga matang. Mariin kong naikuyom ang mga kamao ko bago magpakawala ng isang nanginginig na hininga. Para kay Andrus. Gagawin ko ang makakaya ko. Pinuno ng determinasyon ang puso ko bago mabilis at mariin akong tumango rito.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now