ANDRUS'S JEALOUSY

875 53 16
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 37.1: CONTINUATION

Cleo Montefalco

"He's my husband. Of course I should love him. Since he is in my heart, then caring for him more is like caring for my heart more." ---Alexis

----------
CHAPTER TITLE: ANDRUS SAAVEDRA'S JEALOUSY

Matamang pinagmasdan ni Cleo Montefalco ang Gher na nasa harapan niya. Maamong mukha at nakaakit na mga kislap ng mata. Sa unang tingin palang ay tunay ngang nakabibighani ang Gher na kausap niya. Sa isiping ito ay lalong nag-umigting ang Inggit sa puso ni Cleo para sa taong nagmamay-ari ng puso ng Gher na ito.

'Ano ba ang meron ang Andrus Saavedra na'yon para makabighani ng isang kaaya-ayang nilalang na nasa harapan ko? '

Ito ang katanongan na nag-uumapaw ngayon sa puso ni Cleo Montefalco. Bakit lahat nalang ng mga kaaya-ayang nilalang ay napupunta sa kinamumuhian niyang si Andrus?

Habang nag-uumapaw ang mga emosyong bumabalot sa mukha ng 'di kilalang lalakeng lumapit sa kaniya, walang kibo at hindi binigyang atensyon ni Alexis ang mga sulyap nito. Bagkus ay nakatuon ngayon ang focus niya sa mga mensaheng natatanggap ng phone niya mula kay Andrus Saavedra.

'Wife nasaan ka? '

'Wifey?'

'Baby? Wife? Answer me, please. '

'Alexis, bakit 'di mo sinasagot ang tawag ko? '

'Wife Naghihintay Ako'

'Alexis, please talk to me... '

'Damnit Alexis! Where the hell are you?! '

'Wifey, please, I'm begging you. Answer the phone, please. '

'DAMNIT! '

'Alexis mag-uusap tayo ng importente, kaya sagotin mo ang phone mo! '

Wow ah? Importente? Bago 'yon, ah? Pigil ang inis na pinatay ni Alexis ang phone niya para matigil ang pangungulit ng husband niya. Well, hindi naman talaga siya galit kay Andrus, pero hinding-hindi siya makikipag-usap sa phone lang! Kung gusto ni Andrus ang makausap siya ng matino, kinakailangan nitong bumalik.
Normal lang naman siguro ang magtampo, right? Hindi naman talaga siya ma-drama o artistahin promise hindi talaga! Naiinis lang talaga si Alexis na malaman na may ibang Gher ang nagnanais maagaw ang 'kaniya'!

Iritadong ibinaling ni Alexis ang paningin sa mga batang naglalaro sa maliit na palaroang nasa loob ng Sofia's restaurant bago naiiritang bumuntong-hininga.

Nang biglang magsalita ang lalakeng nasa harapan niya. Damnit! Muntikan na niyang makalimotan na may kasama pala siya?

"Andrus Saavedra."

Taas-kilay na pinakatitigan ni Alexis ang lalakeng nagngangalang Cleo Montefalco at may pagtataka sa mukha.

"Excuse me, what?"

"Ang sabi ko, Andrus Saavedra"

What the---?
Tama ba ang pagkarinig niya?

"Hah?"

"Iyong lalakeng nasa TV siya si Andrus Saavedra..." Turan nito bago itinuro ng daliri nito ang malaking TV na nasa harapan niya.

At mula nga roon ay kitang-kita ni Alexis ang guwapong mukha ng husband niyang si Andrus habang pinaliligiran ng mga reporters.

"Kilala mo siya?" May pag-aalalangang tanong ni Alexis ng hindi iwinawaksi ang paningin sa screen. Dahil sa maraming tao, hindi niya marinig ang mga salitang binibitawan ni Andrus.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now