CHAPTER 8

1.4K 81 32
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 8

➿➿➿➿➿➿➿➿➿

Sa kauna-unahang palapag ng Mansion ng Mendes Family, malapad ang ngiting kaharap ngayon ng dalawang magagandang kambal na dilag na nagngangalang Cindy Buenaventura at Annamarie Buenaventura ang kababata nilang kaibigan na si Krystal Mendes. May ngiti sa labi namang tumango si Krystal bago pasimpleng pinagmasdan ang mga mukha ng dalawa habang nakatuon ang atensyon ng mga ito na kung saan ay naroroon sa kinaroronan ni Alexis. Hindi gaanong malayo ang kinatatayuan ni Alexis kung kaya kitang-kita ng kambal na Cindy at Annamarie ang maamong mukha ng Gher na ito.

"Krystal, kamusta? Namiss mo ba kami? Ang tagal na pala ng huli nating pagkikita" ang paunang tanong ni Cindy na siyang tinangoan naman ng kakambal.

"Oo nga noh? Ang tagal-tagal na pala nating tatlo ang hindi nagkikita-kita diba? Kamusta naman ang buhay may asawa?" Saad naman ni Annamarie bago humagikhik na umakbay sa braso ng kakambal.

Sa katanongan na ito ay sumilay ang sarkastikong kislap sa mga mata ni Krystal bago mabilis rin namang naglaho at napalitan ng isang mahiyain at malamlam na mga mata at nagsabing,
"Heto masaya pero may kaunting lungkot para sa half-brother kong si Alexis."

"Tss... Anong connect ng kapatid mo sa happiness mo? Tigil-tigilan mo nga Krystal ang kabaitan mo sa half-brother mo. Maawa ka naman sa sarili mo okay? Kaya ka inaabuso dahil sa sobrang kabaitan mo my gawd!"

Sa mga salitang ito malungkot ang mukhang napayuko si Krystal dahilan upang mapailing at mabalot ng awa ang dalawa ngunit lingid sa kaalaman ng magkapatid na ito. Isang malapad at sarkastikong ngiti ang ngayon ay bumabalot sa maamo at magandang mukha ng half-sister ni Alexis. Nag-uumapaw ang tuwa sa puso ni Krystal sa isiping sirang-sira na ang pangalang taglay ng Gher na kapatid.

"Alam mo girl, okay lang naman ang maging mabait at mapagmahal sa kapatid. Pero kung inaaraw-araw mo na, gawd maabuso ka! Fine. Fine. Huwag na nating pag-usapan ang half-brother mo nakakawalang mood siya promise. Oh, by the way, nasaan nga pala ang husband mo? Alam mo Krystal ang swerte mo riyan sa husband mo, cute na at guwapo pa. Kahit sinong babae siguro ay maaakit sa lalaking pinasakalan mo. Well, lucky for you at hindi ang Gher brother mo ang napakasalan ni Vincent. Darn, masasayang lang ang isang Vincent Logan kapag nangyari 'yon. "
Natatawang pagpapatuloy ng dalagang si Cindy Buenaventura habang nakatuon ang atensyon sa kung saan nakatayo si Alexis. Hindi naman maiwasang mapangiti ni Krystal sa kanyang mga naririnig.

" Yeah, ang swerte ko talaga kay Vincent. " Nahihiyang tugon ni Krystal na siyang sinang-ayon nung magkapatid.
"Vincent is extremely busy. Nag-aalala na nga ako sa asawa kong 'yon. Sa sobrang busy nito marahil ay napapabayaan narin nito ang sarili. Pero masaya pa rin ako dahil kahit anong busy ni Vincent ay nagagawa pa rin naman nitong mabigyan ako ng time para makasama siya." Nakangiting pagpapatuloy ni Krystal. Lalong lumapad ang ngiti nito nang mapansin ang hindi maitagong inggit sa mga mata ng dalawang dilag na kausap.

Sa isipan ni Krystal ay nagsusumibol ang mga salitang ito;
'Sigi, mainggit kayo. Kainggitan ninyo ako hanggang maputi ang mga mata niyo. Walang sinoman ang maaring makahigit sa kagandahan at pagiging mapalad ko. Walang-wala!'

Ngunit gaanoman ang katindi ang mga salitang ito na nag-uumigting sa isipan ni Krystal Mendes. Hindi makikita ito sa maganda at maamong mukha nito. Taglay-taglay parin ng babae ang isang kabutihan na siyang hinahangaan ng karamihan sa Prinsesa ng Mendes Family.

"Maiba tayo ng usapan. Anong ginagawa ng Gher brother mong si Alexis dito? Hindi ba manlang ba siya nahihiya sa mga taong nakatitig sa kaniya rito?." May halong pagtataka sa boses ng pagtatanong ni Annamarie na siyang ikinatuwa naman ng palihim ni Krystal bago akmang tutugon sana sa katanongang ito nang biglang magsalita ang isa pang kambal na kaibigan na si Cindy.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now