Krystal's miscarriage 42

640 46 11
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 42

Hello everyone!
Here's the next chapter. Sorry for the delayed update.

         ➿➿➿➿➿➿➿➿➿

KRYSTAL >

Handa na ako. Handang-handa na ako. Mataman kong pinakatitigan ang mukha ko sa salamin bago hinayaan na sumilay sa aking labi ang isang sarkastikong ngiti.

"Sa pagkakataon na ito ay sisiguraduhin kong hindi ka na makatatakas pa Alexis. Sisiguraduhin kong hinding-hindi ka na magagawa pang protektahan ng husband mo! Eh, ano ngayon kung may Andrus ka? Sa araw na ito ay gagawin ko ang lahat-lahat ng makakaya ko para masira ang buhay mo. Padadama ko sa'yo ang pagkasira ng lahat-lahat na meron ka ngayon! " Isang malapad at masayang ngiti ang malayang sumilay sa maganda at maamong mukha ni Krystal Mendes Logan.

----------

At the party.

A glass of red wine in her hand, nakangiting bumulong ang magandang babae sa katabi nito habang nakatuon naman ang mga mata sa may katandaang lalake na nakatayo sa sentro ng lahat, may malapad at nagniningning ang mga matang nakikipag-usap ang lalake sa mga ilang kalalakehan rin na naroroon. Siya si Mr. Robert Mendes, ang ama ni Krystal Mendes Logan. Sa kanan nito ay nakatayo ang kabiyak nito habang inaalalayan ang matandang Mendes.

"Tunay ngang kahanga-hanga ang Pamilyang Mendes. Sinong mag-aakala na ang kaisa-isang illegitimate Gher child ng Mendes family ay makabibingwit ng higanteng isda. Isama mo na ang kaisa-isang babae ng Pamilyang ito na nakapangasawa ang isang Logan. Kahanga-hanga, tunay talagang kahanga-hanga. " Malapad ang ngiting sabi ng magandang babae. At kung iyong pagmamasdan ay hindi maitago ang inggit at pagkadismaya sa maamong mukha nito na siyang mahinang tinawanan naman ng kausap.

The other girl grinned. She then looked around the room.
"Alexis Mendes didn't come."

"Correction. Saavedra na siya ngayon. At sa ilan sa mga balita na naririnig ko sa tabi-tabi. Malaki ang hidwaan ngayon na namamagitan kay Krystal at sa half-brother nito. Even Mr. Robert Mendes was so angry that he personally spoke up. There's a grudge between the two families now."

"Two families?"

"Mendes at ang Saavedra."
May pagtatakang bumaling ang magandang babae sa kausap nito bago namilog ang mga matang muling nagtanong.

"Bakit? Ano'ng nangyari?"


"Ang balita ko ay nagtungo si Krystal sa mansion ng Mansion ng Saavedra para makausap ang husband ng mismong half-brother nito at sa huli ay nabalitaang kinaladkad ang babae palabas ng Mansion." Tuluyang nabalot ng pagkagulat ang mukha ng magandang babae habang ang kausap nito ay makikitaan ng tuwa at excitement sa kaniyang mga mata dahil sa sitwasyon ng pangyayari.

"At mga ilang araw rin ay nabalitaan kong nagtungo si Mr. Robert Mendes sa Saavedra Empire para makausap ang Cold Blooded Prince ng Saavedra family. Subalit, ni anino ni Young Master Andrus Saavedra ay hindi nagpakita."

"My gawd?! Anong pagkakamali ang nagawa ng kaisa-isang princess ng Mendes family para makadama ng takot at pag-aalala ang sariling ama nito?"


"Ano nga ba? Isipin mo lang ang mala-adonis na mukha at katawan ng husband ni Alexis, paniguradong isa ka rin sa magnanais na makasampa sa kama nito."

"What the heck? Ano'ng pag-iisip ang makagagawa nun?"

Mabilis na napangiti ang magandang babaeng nagkukuwento sa nakikitang reaction ng kausap.

"Ano pa nga ba? She dares to do so because she thinks too highly of herself. She thinks that no matter what she does, walang may makahihindi sa alindog niyang taglay."

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now