Alexis

1.9K 87 50
                                    


POSSESSIVE HUSBAND 5
BOYSLOVE

A/N: Sa mga nag-aabang sa iba pang books. Kaunting edit na lang at update ko na sila sa Page at Facebook ko.

Note: maaring maguluhan kayo, sa chapter na ito ay bumalik tayo sa huling pag-uusap nilang dalawa ni Andrus at Alexis.

Mute ko po ang mga readers na bastos at walang modo. Medyo lumiliit na po' ang  pasensiya ko. At kung perfectionist ka, libre lang umalis.

(Typo and grammatical errors ahead)

Enjoy reading 😉

             

            ➿➿➿➿➿➿➿➿

                  ~ Alexis ~

"So, nagbago na ang isip mo?"

Kausap ko ngayon ang taong napakiusapan ko na pakasalan ako. Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa utak ko para mang-alok ng kasal sa isang taong estranghero. Bakit sa dinami-rami ng taong aalokin ko ay taong ito pa ang napili ko? Sobrang nakakahiya at nakakapanghina ng loob ko. Hindi ko aakalain na hahantong ako sa sandaling ito. Alanganin na nagpabaling-baling ako ng tingin. Sa kilos at pananalita nito damang-dama ko ang mabigat na aura na bumabalot sa katawan nito. Hindi ordinaryong tao itong kausap ko.

"Nanahimik ka na? Kanina lang ay napakalakas ng loob mo para mang-alok ng kasal? Wala man lang bang proposal?" May ngiti sa kanyang labi ng sinabi niya ito. Alam ko at nararamdaman kong totoo ang mga sinasabi niya, at hindi nagbibiro. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagiging totoo. Hindi tulad ng mga taong nasa paligid ko.

Nang maalala ko ang pagtataksil sa akin ni Vincent at ng kapatid ko. Ang masakit na katotohanang iniwanan  ako sa ere. Nagsimulang dumaloy sa aking puso ang mabibigat na mga emosyong nagnanais kumawala sa aking dibdib. Marahil ay isang malaking kahihiyan na ako ngayon sa harapan ng maraming bisita.

Hindi ko pa man naibubuka ang aking bibig. Tunog ng Cellphone ko ang umagaw sa aking atensyon dahilan para mapabalik ako sa kasalukuyan.

Ding...

Tunog ng notification ang bumungad sa aking pandinig. Hindi ko mapigilan ang manginig sa anomang maaring makita.

SISTER:
Hey, Bro. Hindi mo na kailangan ang magtungo sa kasal mo. Panoorin mo nalang itong  gift ko sa'yo.

(VIDEO)

Takte. Ako pa talaga ang hindi kinakailangan na magtungo sa kasal ko, gayong kasal ko ito? Anong kalokohan ito diba?

Marahan at nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang Vid na siyang dahilan para lalong mabalot ng pait at sakit ang aking dibdib. Hindi ko na namalayang dumadaloy na pala sa aking mukha ang mapait na luha ng aking kalungkutan.

Ikinasal na ang kapatid ko sa fiance ko! Hindi ko alam kung paano nangyari ito? Bakit si Krystal at Vincent ang magkasama sa Altar? Paano nangyari na si Krystal ang naikasal gayong kami ang inaasahang ikakasal sa araw na'to? Lumabas lang ako ng Venue, kapatid ko na ang...

Hindi ko magawang lunukin ang mapait na mga emosyong bumabaon na ngayon sa'king dibdib. Hindi ko na rin alintana ang taong nasa harapan ko.
Ako ang dapat nandoon! Bakit?

SISTER:
Napanood mo na ba ang na-sent ko sa'yo? Hindi mo na kinakailangan ang magtungo rito. Ako na ang bahala sa wedding mo at sa mga bisita natin. At kung magpupumilit kang bumalik at manggulo sa kasal namin ni Vincent. Advice ko lang sa'yo na huwag na bro. Masasaktan ka lang dahil hindi ka na babalikan ng ex-boyfriend mo.  Thank you, Brother. Huwag kang mag-alala, may magandang bagay pa rin akong ibibigay sa'yo. Sinabi namin sa lahat na nagpaubaya ka sa kasal dahil hindi na ikaw ang mahal ni Vincent. At bilang kapatid ko ay nagpaubaya ka. Ngayon ang tingin ng lahat sa'yo ay mabuting tao, anak at kapatid. Iniisip rin nilang mas nanaig sa puso mo ang pagmamahal sa Pamilya mo at sa Kaligayahan ng Fiance mo kaya nagawa mong magpaubaya. Kung kaya ay huwag ka ng malungkot pa. Hindi ko pa rin sinira ang pangalan mo.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now