20. WEDDING CONTINUATION

1K 49 8
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND

ANG PAGPAPATULOY.

           

            ➿➿➿➿➿➿➿

"Eduard, Simulan na ang plano"

Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Eduard Montenegro. Ang isa sa mga kaibigan ni Andrus Saavedra. Mabilis na nagsalitan ng paningin ang tatlo bago marahang tumayo si Eduard Montenegro ng may pagkatuwa sa kanyang mga mata. Ngunit bago ito tumayo sa kanyang pagkakaupo ay marahang bumaling ang binata sa isang direksiyon.

At mula sa upuan ng mga babae, makikita ang isang maganda at nakaakit na babae na ngayon ay tuwang-tuwa habang nakatitig sa direksiyon ng pinsan nilang ikinakasal. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Stephanie Saavedra. Ang isa sa mga kambal ng Second branch ng Saavedra family. Nang maramdaman ni Stephanie ang mga matang nakatitig sa kanyang direksiyon ay mabilis niyang hinanap kung sino ito. At mula sa kanyang kinauupuan ay mabilis niyang nahagip ang mga mata ng lalaking kinaiinisan niya.

Darn it!

Eduard Montenegro? Ang kaibigan ng pinsan niyang si Andrus. Shut it! Hindi mapigilan ng babae ang mapamura sa kanyang sarili. Naiirita talaga siya sa lalaking ito! Ang makita lang ang pagmumukha nito ay naghahatid na sa kanya ng pagkainis. Kaibigan ito ng cousin niyang si Andrus pero hindi ibigsabihin nun na magiging magaan na ang loob niya sa binata! Babaero ang lalaking kinaiinisan niya. Ang makita lang matamis na ngiti lalo pa't babae ang kausap, nakaiirita na!

Pasimpleng inirapan ni Stephanie ang binata bago muling ibinaling sa Altar ang paningin na siyang dahilan para mapatawa ng bahagya ang lalaki.

'Cute '

Marahang bulong nito pero ewan ba, napakalayo na nito pero nagawa paring marinig ni Stephanie ang sinabi ng lalaki.

Letse!

Nakakairita  talaga!

Marahang yumuko ang priest sa harapan ng lahat bago magsimulang magsalita.

--------

"Bago tayo mag-umpisa sa pag-iisang dibdib ng dalawang nagmamahalan. May isang katanungan ako rito na nais kong sagutin ninyo. Ngayon, may tumututol ba sa kasalang ito?"

Nang marinig ni Alexis ang katanungan na ito ay mabilis na bumilis ang pagtibok ng puso niya. Damang-dama niya ang napipintong pagtigil ng kanyang hininga. May pag-aalala na pinakatitigan niya ang buong paligid nang biglang isang mariing mga kamay ang marahang bumalot sa kamay niya. May ngiti sa labing nakatitig sa kanya si Andrus na tila nagsasabing magiging okay ang lahat.

Nanginginig ang katawan na naibaling ni Alexis ang paningin sa paligid. Napakabilis ng pagtibok ng kanyang puso at takot na maaring may lumabas na naman na kung sino at maging hadlang sa kanilang kasal.

At mula sa kanyang kinatatayuan ay nabalot ng pagtataka ang puso niya.

Nasaan si Krystal at ang husband nito? Wait-- nasaan rin si Tu Tontawan?

Bakit nawala sa kanilang pagkakaupo ang mga ito? Hindi niya nagawang pigilan ang mapaarko ang kilay bago niya naramdaman ang marahang pagpisil sa kanyang palad.

"Kung gayon ay walang pagtututol sa kasal na'to. Simulan na natin ang kasal..."

Nang marinig ang sinabi ng priest. Hindi mapigilan ni Alexis ang mapasinghap ng malalim pakiramdam niya ay may malaking bato ang natanggal sa kanyang dibdib.

Malambot at mahigpit na pagkakawak sa kanyang kamay ang pumukaw sa atensyon ni Alexis. Nakangiting hinaplos ni Andrus ang mukha bago marahang bumulong sa kanyang taenga.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now