Krystal's downfall 43

774 53 24
                                    

The Possessive Husband 43
(Krystal's downfall, 43)

A/N: Hello 👋
I'm back!! Nawala po ang phone ko, kaya natagalan ang pagbabalik ko. Here's the next chapter. Enjoy reading.

           ➿➿➿➿➿➿➿

(Mansion of Saavedra)

Matinding tension ang tila bumabalot sa loob at labas ng Mansion ng Saavedra Family, maging ang lahat ng mga taohan ng Saavedra family ay nadarama ang matinding tension na nag-uumigting sa paligid. At ang rason kung bakit? Dahil sa mga bigating nilalang na ngayon ay kasalukuyang nagkaharap-harap sa loob ng study room.

Kasalukuyang nakaupo ang Old Master Saavedra. Nakatuon ang mga mata nito sa hawak na cellphone, habang patuloy na binabasa ang mga iniwang Komento para sa Gher na si Alexis Mendes. Nababalot ng tila mabigat na aura ang buong mukha ng matandang Saavedra at tunay ngang hindi maitago ang galit na nag-uumigting sa mga mata nito.

"Butler Sang! Nasaan si Butler Wu? Tawagin niyo siya ngayon din!"

The more na nababasa ng Old Saavedra ang mga komento, the more na nag-uumigting ang sari-saring emosyon sa puso nito. Lalo na nang mapatuon ang kaniyang mga mata sa komento na nagsasabing isang illegitimate child at isang orphan na walang ama si Alexis, hindi na niya makayanan ito sanhi upang mapasigaw na ito sa galit.
"Anong kabaliwan ito! Inaalipusta na ang Gher wife ng Apo ko pero wala ni isa ang may nais kumilos sa inyo! Butler Sang! Tawagin si Butler Wu!"

Nang marinig ang malakas at galit na sigaw ng master, mabilis at nagmamadaling pumasok ang matandang Butler at tinungo ang kinaroronan ng Old Saavedra. At nang mapagtanto ang malaking galit sa mga mata ng Master niya ay mabilis rin at walang lingonlingon na tinugon nito ang iniutos ng matandang Saavedra na tawagin si Butler Wu.

"Dad, huminahon po muna kayo." May pag-aalalang sabi naman ni Mrs. Saavedra na siyang mabilis na sinang-ayonan naman ng ilang taohan na naroroon.

"Veronica. Bakit wala ni isa sa inyo ang nagsabi sa akin sa kaganapan na ito sa online? Kung hindi ko pa binubuksan itong cellphone ko ay hindi ko malalaman ang lahat-lahat ng ito!"

"Dad---"

Hindi pa man natatapos ang sasabihin ng Ina ni Andrus. Isang seryosong tinig ang mabilis na pumutol sa sasabihin nito.

Sa kanang bahagi ng silid nakatayo ang Ama ni Andrus Saavedra, Si Ambrosio Saavedra. Sa mga taong saksi at makakakita sa tagpong ito ay tunay ngang mahahalina sa mukha ng may katandaang lalakeng ito. At tunay mo rin na masasabi na sa kabila ng maliliit na kulubot sa balat ng lalake, kuhang-kuha ni Andrus ang buong mukha ng nasabing Ama nito. Kung gaano katakot-takot ang anak, ay siyang higit namang mahigit pa sa takot ang madarama mo, kapag nakita mo ang aurang bumabalot ngayon sa guwapong mukha ni Mr. Ambrosio Saavedra.

"Dad, huwag mong sisihin ang wife ko sa pangyayaring ito. Kahit ako ay ngayon lang nakabalita sa pangyayari. Hindi na namin nalalaman ang kadalasang nagaganap sa Internet o sa sinasabi ng ilan na social media. Matanda na kami ng misis ko, the most we do is watch the movies or telenovelas on the television. Ni hindi nga namin nakikilala ang mga taong sinusubaybayan namin, mga ganitong issues pa kaya?"

"Hep! I don't care. Find someone to settle this chaos immediately. That brat, kung hindi niya magawang ma-protektahan nng maayos ang Gher wife niya. Tayong nakakatanda na mismo ang gagawa nito!"mariin na tugon ng Old Saavedra.

"Dad. Sa tingin ko ay alam ng anak ko ang gagawin sa pangyayaring ito."mabanayad namang sabi ni Ambrosio Saavedra.

"Manahimik ka Ambrosio! Ayaw kong pakinggan ang anomang kasunod na sasabihin mo. Parte na ng pamilyang ito ang Gher na pinakasalan ng anak niyo kung kaya't nararapat lang na kumilos ako! Sa bawat mga salitang binibitawan nila ay siyang mga salita ding tumatarak sa reputasyon ng Saavedra! Hinding-hindi ko mapapayagan ito"

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now