12

1.2K 60 12
                                    

POSSESSIVE HUSBAND 12

             ➿➿➿➿➿➿➿

                  *Alexis*

Nag-aalalangang napatitig ako sa lalaking katabi ko. Andrus Saavedra, parang kahapon lang ay nagpaalam ito sa akin na aalis tapos ngayon ay nasa harapan ko na naman ang maamo at guwapo niyang mukha?

"Nawalan ka ng malay pagkatapos mo na iligtas ang bata."

Bata? Gulat at nagtatanong ang mga matang napatingala ako sa kanya nang biglang rumihestro sa utak ko ang aksidente na nangyari sa Western road.

"Ang bata? Kamusta ang bata?"
Nag-aalalang sabi ko bago wala sa sariling napabangon sa pagkakahiga. Nasa loob ako ng isang malawak na silid.  Kilala ko ang silid na ito. Dito ako kauna-unahang dinala ni  Andrus Saavedra.

Akmang magsasalita na sana ako nang muling bigla kong maalala sa kung bakit  nga ba ako nawalan ng ulirat. Tandang-tanda ko sa kung paano mawalan ng malay ang bata na siyang dahilan para makadama ako ng takot at pag-aalala. Masyado pa na maliit ang batang iyon upang masaktan lang ng gan'un. Nung makaahon kami sa tubig ay dali-dali kong binuhat ang bata hanggang sa tunog ng  Ambulansya ang narinig ko kapagkuwan ay  tuluyang mawalan ng malay.

"Thanks to you, ligtas na ang bata. Gusto mo malaman ang nangyari?" Nakangiting hinawakan ni Andrus ang mukha ko saka mataman akong pinagmasdan.
"Pagkatapos mong maligtas ang munting anghel ng Saavedra  ay nawalan ka ng malay dahilan para mataranta ang kambal."

Habang pinoproseso ang kanyang mga sinabi doon ko lamang napagtanto ang isang bagay.

"Wait--- Munting Anghel ng Saavedra? Anong ibigsabihin mo? Kamag-anak mo ba ang bata?! "

Mabilis na namilog ang mga mata ko sa aking narinig. Hindi ako makapaniwala na ang batang tinulungan ko ay isang Saavedra! Gawd! Gulat ang mga matang napatitig ako kay Andrus at mataman na pinagmasdan ang mukha nito.

"Matangos na ilong at cute na mga mata... What the-- kahit ang ilong niyo ay parehong pareho! Teka, kaanu-ano mo nga ba ang batang iyon? Sandali lang huwag ka munang magsalita, kung hindi ako nagkakamali ay kapatid mo ang batang iyon tama ba?"

Bilog na bilog na ngayon ang mga mata ko. At sa tingin ko kung sinoman ang makakita ay maaring mapagtawanan ako sa naging expression ng mukha ko.

Tila naman natutuwang makita ni Andrus ang naging reaction ko dahilan para mapahagikhik sa tawa ang malamig na mukha nito. Sa hindi ko mapaliwanag na rason, may kung anong damdamin ang marahang bumabaon sa aking puso na makita kung gaano siya kasaya. Hindi ko na rin namamalayan ang malayang ngiti na dahan-dahang sumisibol sa aking labi. Ito ba talaga ang Cold Blooded President na sinasabi nila? Ngunit sa nakikita ko ngayon...

Isa lamang siya sa mga taong tulad ko na may masayang ngiti at busilak na puso. Until now ay hindi pa rin ako makapaniwala na, ang taong ito ay pag-aari ko. Ang Cold Blooded President na kinatatakotan ng karamihan ay ang natatanging lalakeng pakakasalan ko.

Ang Fiance ko.

Gulat na napasinghap ako nang biglang may malambot na bagay ang marahang dumampi sa aking labi. Isang bagay na naghatid sa aking katawan ng naiibang sensasyon. Hindi ko namamalayan na napakalayo na pala ng itinakbo ng isip ko na siyang dahilan para 'di ko na napansin ang mapang-akit na ngiti sa labi ni Andrus Saavedra.

"Breathe..."

Isang malalim na pagsinghap ang nagawa ko nang mapagtanto ko kung ano ang ginagawa ng fiance ko.

              ➿➿➿➿➿➿➿

            Third Person's POV

Nang makita ni Andrus ang pamumula ng pisngi ng Gher wife niya. Hindi niya mapigilang maalala ang isa sa mga payo ng kaibigan niyang si Enzo.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now