35.1

274 17 3
                                    

THE POSSESSIVE HUSBAND 36

Sorry for the delayed update. Here's the next chapter. Enjoy reading.

~~~~~*****~~~~~~

Nababalot ng matinding Katahimikan ang paligid na siyang naghahatid ng naiibang lamig sa puso ng ilang kalalakehang naroroon. Sa kanilang mga mata ay para bang nakatunghay ang nagbabadyang galit ng isang Dragon at anomang oras a, maaring sumabog ito.

"Sir..."

"Wala pa rin ba?"

Nanginginig man ang mga kalamnan ni Sebastian ngunit, hindi mo ito maaninag sa kaniyang mukha. Marahil ay nasanay narin ang katawan at isipan ng taohan ni Andrus Saavedra para magawang manatiling nakatayo ito sa nagbabagang galit na mga mata niya.

"Hindi parin po' sinasagot ng Young Madam ang tawag."

"Ganun ba?"

Pigil ang hiningang pinakatitigan ni Sebastian ang boss niya. Alam niyang sa oras na ito ay tila isang bulkan na anomang oras ay sasabog sa galit ang isang Andrus Saavedra. Wala ni katiting na emosyon ang makikita sa mukha nito, pero mababanaag naman ang nag-aapoy na galit nito sa mga kamao na mariing nakakuyom. Kitang-kita narin ni Sebastian ang paglabas ng mga ugat nito sanhi ng galit at mga emosyong nagnanais kumawala sa katawan ng lalakeng kaharap niya.

Sa oras na ito. Isang bagay lang ang nauunawaan ni Sebastian. Gaanoman katayog ang pamilya ng Gher na balak sumira sa buhay ng Boss niya. Sa pagkakataong ito, higit pa ang ibabalik pa ng boss niya. Sino bang may sabi na magkagusto ito sa isang Cold Blooded ng Saavedra Empire?

"Sebastian."

"Nandito Boss."

Nagniningning ang mga matang ibinaling ni Andrus ang atensyon sa taohan niya bago walang emosyon na pinakatitigan ito, at nagsalita.
"Sino ang may pakana ng lahat ng ito."
Hindi tanong kundi isang pag-uutos.

Galit na galit!

Yes, galit ang nag-uumapaw sa puso ng Isang Andrus Saavedra. Galit dahil hanggang ngayon ay hindi parin sinasagot ni Alexis ang tawag niya. Takot sa maaring isipin nito at pagkabahala sa maaring maramdaman nito. Alam niyang hindi lang ang Gher ng Wang Family ang may kinalaman sa lahat ng nangyayari. Matagal ng may pagtingin sa kaniya ang kaisa-isang anak ni Wang Quan. Bagay na matagal na niyang nalalaman at hindi binigyan ng pansin. Ngunit hindi niya aakalain na mapapasabak sila sa ganitong sitwasyon.

"Tama ho' kayo Boss. May kinalaman ang kapatid ng Madam Alexis at si Ms. Tontawan sa pangyayaring ito."

"Tsk..."
Isang nakatatakot na ngiti ang sumilay sa labi ni Andrus na siyang dahilan para lalong mabalot ng tila ba napakalamig na yelo ang buong silid.
"Gusto nila ng atensyon ko? Kung gayon ay pagbibigyan ko."

Sa bawat salitang binibitawan ni Andrus ay para bang matatalim ito na karayom na paulit-ulit tumutusok sa puso ng ilang kalalakehang naroroon. Alam na alam nila kung anong ibigsabihin ng mga salitang binitiwan ng Boss nila, Kaya ay mabilis na nabalot ng naiibang awa ang puso nina Sebastian para sa dalawang magandang nilalang na ito.

Hindi man ipaliwanag ng mabuti ni Andrus ang katagang binitawan nito. Nalalaman at nauunawaan na ni Sebastian ang kahulugan nito.

"Sir. Paumahin pero gusto ko lang  malaman kung anong gagawin natin sa  dalagang anak ng Tontawan? And Sir-- mga babae po ang kahaharapin namin ngayon kaya..."

Mga babae ang may mga pakana ng lahat ng ito kaya lubos silang nag-aalangan sa kaparusahan na maaring ibigay nila sa mga ito. Ito ang nais sabihin ni Sebastian sa Master nito. Sa totoo lang ay may pag-aalinlangan rin sa puso ni Sebastian. Ang isipin na sa lahat-lahat ba naman ng mga taong kakalaban kay Andrus. Ngayon lamang nila nakatagpo ang sitwasyon sa kung saan ay ang makipagtunggali sa mga babae. Nakababahalang talaga. Hindi ba't ayon sa kasabihan, dapat na iginagalang ng mga lalaki ang mga babae. Kung kaya ay may bahagi ng pagkabagabag ang nagsisimulang sumibol sa puso ni Sebastian. Parang nakakailang lang na mga babae ang kanilang parurusahan?

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now