CHAPTER 15

1K 66 4
                                    


THE POSSESSIVE HUSBAND

Grammatical errors ahead.🖋️

         ➿➿➿➿➿➿➿➿➿

"Brother"

Matamis ang ngiting makikita sa mukha ng magandang babaeng bagong dating. Kasalungat naman sa ngiti nito ang mabigat na emosyong bumabalot sa mukha ng lalaking katabi nito.

" Mister Saavedra.... Alexis."

Vincent Logan

Ang makita ang lalaking nasa harapan niya. Aminin man ni Alexis o hindi, may maliit na bagay pa rin ang kumikirot sa kaibutuuran ng puso niya. Ito ang lalaking kauna-unahang umakit sa kanyang puso. At ang taong nangako ng pagmamahal na walang hanggan.

Ngunit isang bagay ang nakaligtaan ni Alexis. Ang mga pangako kung minsan ay napapako.

Promises are made to be broken.

At ito ang bagay na pinagsisihan niya. Siguro nga ay naging mahina siya, marahil ay naging mapagbigay siya? Sa kabila ng lahat ng inaakala niyang tama na at sapat na, may kulang pa rin pala lalo na sa mga taong hindi alam ang kahulugan ng salitang kuntento.

"Alright! So, dahil nandito na ang lahat. Alexis, maaari mo bang ipakilala sa lahat ang dearest sister mo at ang husband nito? "
May ngiti sa labing turan ni Tu na siyang naging dahilan para mapaangat ang kilay ng kambal at ni Andrus.

Wala mang may nakababatid sa sitwasyon ng magkapatid na Mendes. Ngunit hindi maitatago  ang mabigat na tension nag-uumapaw sa mga mata nila, lalong-lalo na sa side ni Krystal Mendes.

Interesting.

Pigil ang ngiting tagumpay na sumibol sa gilid ng labi ni Tu. Maybe, hindi nga talaga siya nagkamali sa kanyang desisyon na imbitahan ang mag-asawa sa araw na ito. Maging sina Sally at Jermalyn ay hindi narin maiwasang magtaka dahil sa nangyayari.

"Hello everyone, My name is Krystal Mendes at ito naman ang husband kong si..." Malapad at may paglalambing ang ngiting sumibol sa labi ni Krystal at matamang pinagmasdan ang mukha ng husband niya saka pasimpleng sumandal sa balikat nito bago mabilis na inilipat ang paningin sa nakatulalang si Alexis.

"Vincent Logan"

"Vincent Logan? Mr. Logan, are you the second young master of the Logan family?"

" Huh? Second young master ng Logan family? Who is Vincent Logan? Pasensiya na e, pero hindi ko pa naririnig ang pamilyang Logan." Nang marinig ang sinabi ng isang lalaki. Nagsimulang magbulungan ang ilang naroroon dahilan para mamula sa kahihiyan ang mukha ni Krystal. Maging si Vincent ay hindi napigilan ang mapakuyom ng kamao sa kanyang narinig.

Isang binata ang may inosenteng ngiti ang nagsalita. Sino nga ba si Vincent Logan? At bakit hindi niya kilala? Dahil isa lamang ang Logan family sa mga bubuyog na umaaligid sa karangyaan ng Saavedra at Montenegro family. Ngayon, dapat parin ba silang makilala? May maipagyayabang ba?

Nang marinig ang mga katagang ito. Nabahid ng mabigat at malamig na aura ang mukha ni Andrus. Bago marahang bumaling sa direksiyon ng little wife niya. Masasaktan ba si Alexis kung makikita nitong tinatrato ng ganito ang ex-lover niya?

Nagtataka namang napatingala si Alexis sa mga matang nakatitig sa kanya.Bakit ganito kung makatitig sa kanya si Andrus? Iniisip ba nitong masasaktan siya sa nangyayari sa harapan niya? Anong connection niya sa pang-insulto ng mga ito sa husband ng sister niya?
Siya ba ang asawa? Hindi naman 'diba? So, ano'ng kinalaman niya at ganitong makatitig sa kanya ang lalake.

Pero, imbes na mairita sa gawi ng lalaki. Minabuti niyang harapin ang mga matang nakatitig sa kanya nang may pagtatanong at waring nagsasabi na...

' What are you looking at? '

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now