52.1

492 47 10
                                    

ANG PAGPAPATULOY

Walang alinlangan na tinanggihan ni Alexis ang brown envelope na ibinibigay ni Cleo na ayon dito ay naglalaman ng mahalagang impormasyon tungkol sa husband niyang si Andrus. Ngunit sinong mag-aakala na pursigido ang binata para masira ang pagtitiwala niya sa asawa. Dahil mabilis parin nitong nai-sent sa kaniyang phone ang mga impormasyon ukol sa husband niyang si Andrus na kasama ang dalaga ng Tontawan Family.

"Ang lalakeng 'yon! Ano ba talaga ang gusto niya?" Pigil ang hiningang naikuyom ni Alexis ang kamao bago walang emosyon na binuksan ang files na sinent sa kaniya.

At mula roon ay dumungaw ang mga larawan na kung saan ay magkasama si Andrus at ang dalagang si Tu sa iisang lugar. Meroon din ang kuha ng larawan sa kung saan ay magkatabi ang dalawa sa isang magarang restaurant at iba't-iba pang kuha na magkasama.

Unknown number:
Alam kong hindi ka maniniwala sa mga larawan lang kaya may kuha ng CCTV footage akong ibibigay sa'yo.

Alexis to Unknown number:
Kailan ang kuha ng mga larawan na'to?

Unknown number:
Bago mawala ang husband mo. Magkasamang umalis ang dalaga ng Tontawan Family at si Andrus mo. At ngayon ay napag-alaman ng mga taohan ko na buhay si Miss Tontawan kaya't kung buhay ang anak ng Tontawan Family paniguradong buhay rin ang ex-bestbuddy ko. Ano'ng sa tingin mo ang ginagawa nila sa ngayon?

Sa mensaheng ito ay isang link ang sinent sa kaniya bagay na bahagyang ikinatigil ni Alexis. Magkasama nga ba ang husband niya at si Tu ng Tontawan Family? Kung talagang buhay nga ang husband niya. Bakit nagsisinungaling ito at pinagtatagoan siya? Hindi ba nito nalalaman ang nangyayari ngayon sa Saavedra? Pero imposible namang mangyari ang bagay na ito. Nakikilala niya ang asawa at nababatid niya kung gaano kahalaga sa lalake ang pamilya at kumpanya nito. Kung ganoon ay bakit? Para saan? May nalalaman ba dito ang Tontawan Family? Pero imposible.

Marahan at nanginginig ang mga kamay na binuksan ni Alexis ang link at mula roon ay tumambad ang isang video sa kung saan ay makikita ang larawan ng husband niyang si Andrus papasok sa eroplanong sasakyan nito at mga ilang sandali lamang ay ang emahe naman ng dalagang si Tu ang makikitang papasok rin sa nasabing sasakyan bago maputol ito.

Tigagal siyang napatitig sa video habang nagsisimula namang manikip ang kaniyang dibdib.

Magagawa ba siyang lukohin ni Andrus katulad ng pananakit noon ni Vincent? No. No. No. Hinding-hindi ito magagawa ng husband niya. Tama. Hinding-hindi ito  magagawa ng Andrus niya lalo pa't nangako itong babalikan siya.

'Hintayin mo ako Alexis'

Ito ang salitang binitawan ni Andrus sa kaniya kaya kahit anomang mangyari ay hinding-hindi niya pagsisihan ang paniwalaan ito.
Marahil ay may dahilan ang lahat. Kung anoman ang binabalak ni Andrus at kung buhay man ito kasama ni Miss Tontawan. Ang asawa na niya mismo ang hihintayin niya para magpaliwanag sa kaniya. Ito ang mariin na paulit-paulit na sinasambit ni Alexis sa kaniyang puso't-isipan bago ibinaling ang atensyon sa daan. Nang hindi inaasahan ay napansin niya ang kakaibang kinikilos ng driver niya kasama ng isa pang sasakyan na nakasunod sa kanila.

May mali sa paligid niya. Ito ang kaagad na pumasok sa kaniyang isipan bago dali-daling kinuha ang phone at pasimpleng nag-dial dito.

"Itigil mo ang sasakyan sa tabi ng restaurant na'yan. Nagugutom ako."

"Ma-madam?"may pagtatanong na sabi nito ngunit kapansin-pansin ang mabilis na pag-ilag ng mga mata nito.

"Hindi mo ba ako narinig?"

"Ah-- yes madam. Masusunod."

"Good."
Mariin niyang muling tugon bago maingat na nag-iwan ng mensahe sa numero ng Uncle ni Andrus na si Warren Smith.

The Possessive Husband (BL)Where stories live. Discover now